Chapter 15 (Shoulder to Cry On)

17 1 0
                                    

Medyo malapit na ako sa bahay nang maisipan kong dumaan muna sa park ng block namin. Umupo ako sa bench na malapit sa pond.

                  Parang lumulutang pa yung utak ko. Nakatulala ako sa kawalan. Hindi naman ako naiiyak, hindi nga ba? Parang tutulo na ang luha ko,  three months lang naman na naging kami niRaymoon, pero apat na taon ko na siya kayang crush.

                  Tssssssssst.

                  “WOAH! Anong!?” nabigla ako ng may sumirit  na malamig na tubig sa mukha ko, nag-eemote ako! Ano ba!?

                  “ Hindi bagay sa’yo ang umiyak.” Tumingala ako at nakita ang lalaki sa harapan ko. May hawak siyang maliit na water gun, yung napapasok sa bulsa.

                  “Ano bang problema mo!? Kitang nag-eemote yung tao!” napasigaw na ako sa inis, andito ako sa park para mag-isip tapos susulpot naman tong Ken na ‘to at mangbabad trip.

                  “Bakit kailangan mong iyakan ang taong hindi ka naman pala minahal?” napatda ako. Nakita niya kami ni Raymoon kanina.

                  “Wala kang pakialam, buhay ko ‘to.” Sagot ko sa kanya.

                  “Here.” Iniabot niya ang panyo niya sa’kin. Nag-aalinlangan akong tanggapin yun.

                  “Pamunas sa tubig na nasa mukha mo, hindi sa luha mo.” Dagdag pa niya. Pinahid ko ang panyo sa luha ko, tapos nung pinahiran ko na, pinasirit niya naman yung water gun niya sa mukha ko.

                  Naiyak na ako, naghalo na ang luha at tubig nag water gun ni Ken sa mukha ko, sa tuwing pinupunasan ko ang tubig at luha ko, binabaril naman ni Ken ang water gun sa mukha ko.

                  “I hate seeing girls crying in public.” Patuloy pa rin siya sa pagbaril ng water gun, dahil patuloy pa rin ako sa kakaiyak.

                  “Eh, di umalis ka. Sinabi ko bang maging audience kita dito?” sarcastic kong sabi sa kanya.

                  “I don’t want to.” He said frankly.

                  Nagpatuloy lang kami sa ganung sitwasyon, hanggang tumigil ako sa kakaiyak. Mabuti walang masyadong tao sa park nung gabing yun.

                  Umuwi na ako ng bahay, siguradong mag-aalala na sila mama. Engot talaga yung Ken nay un, pinagtripan ba naman ako kahit nag-eemote na. Pero naintindihan ko kung bakit niya ginagawa yun. Ayaw niya talagang makakita ng babaen umiiyak.

                  “Anak! Anong nangyari? Ba’t basa ‘yang damit mo? Hindi naman umulan ah?” tarantang tanong ni mama.

                  “Ah-eh, nadapa po ako sa daan ma, tapos may tubig.” Alibi ko kay mama.

                  “Naku! Ano ka ba namang  bata ka, hindi ka nag-iingat, magbihis ka na at maghahapunan na.” tumango lang ako at umakyat ng kwarto.

                  Nahiga ako sa kama, tapos tumingin sa kisame. Ok na ata ang pakiramdam ko, kaya ko ‘to. Sadyang hindi talaga si Raymoon ang para sa’kin.

                  Tumayo na ako at naligo, tapos bumaba para kumain. Masayang naging kwentuhan naming ni mama, pero siyempre, hindi ko pa sinabi kay mama na wala na kami Raymoon, saka na pag siguradong hindi na ako iiyak.

Kinabukasan…

                  Nagising ako sa ringtone ng phone ko, tapos 23 missed calls!!? Si Glary!! Ano naman kaya ang alam nito? Alam na kaya niyang break kami ni Raymoon? Nagring ulit ang phone ko.

                  “H-hello?” nagsstammer pa ako sa pagsagot.

                  “Mag-usap tayo.” Tipid naman niyang sagot, nakakatakot talaga tong babaeng to.

                  “S-sige, san tayo mag-uusap?” tanong ko sa kanya.

                  “Andito na ako sa pintuan mo. Pagbuksan mo na ako dali!” over talaga tong babaeng ‘to pag may nasasagap eh! Tumayo agad ako at pinagbuksan siya ng pinto.

                  “Ang aga-aga mo namang mambulabog! Ano meron?” nagmamaktol kong tanong sa kanya.

                  “Nagbreak na kayo ni Raymoon? Bakit? Ganun na lang agad-agad? Napag-usapan niyo ba ng maayos? Kabit niya ba yung girl na nakita ko? Matagal na ba sila?” sunud-sunod niyang tanong, parang machine gun talaga bibig nito eh.

                  “Teka nga, isa-isa lang pwede, ganito kasi yun.” Ikinwento ko na nga ang nangyari, detail by detail, pero hindi ko sinabi yung sa park na magkasama kami ni Ken. Mas madami na naman siyang itatanong kung sakali.

                  “I see, totoo ngang nagbreak kayo. . . aray! Panakip butas ka lang?” bulalas niya sabay tawa plus palo pa sa balikat.

                  “Hmp, minahal niya naman daw ako, at best girlfriend daw ako.” Pagmamalaki ko sa kanya.

                  “Hmmm, hayaan mo na, at least hindi na pinatagal ni Raymoon, pero kung hindi siguro sila nagkita ulit nung girl, baka kayo na till the end.” Parang manghuhula lang tong Glary’ng to.

                  “Malabo din.” Sagot ko.

                  “At bakit?”

                  “Wala lang, feeling ko lang din naman kasi na parang scripted lang yung relasyon naming ni Raymoon, kasi nga crush ko siya, tapos alam niyo lahat, syempre inaasahan niyong maging kami, tapos niligawan niya nga ako at naging kami. Tama kayo, entertainment lang yung relasyon naming ni Raymoon.” Paliwanag ko.

                  “Hindi naman siguro sa ganun, kahit papano, may pagmamahal din namang namagitan sa inyo.” Pampalubag loob ni Glary. Tumango na lang ako, at saka, hindi na ako naiiyak dun. Ok na ako, at masaya ako para kay Raymoon.

                  Dun na ang-almusal si Glary sa’min, inuna pa ang tsismis kesa sa pagkain eh. Babaeng tong talaga, kaya di nagkakalablayf, busy sa buhay ng iba.

                  “Uy, alam na ba ng barkada na wala na kami ni Raymoon?” tanong ko kay Glary habang kumakain kami ng breakfast.

                  “Oo ata, alam na siguro nilang lahat.” Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, punung-puno ng pagkain ang bibig niya.

                  “Eh, sinong nagkalat sa barkada?” imposible namang si Ken.

                  “Ako.” Sagot niya habang nilalamutak ang pagkain sa mesa.

                  “Huh?! Pa’no mo nalaman?” halos mapasigaw ako, buti umalis na sila mama’t papa.

                  “Nakita ko kayo, umiiyak si Raymoon.”

                  “So, nakita mo rin akong pumunta ng park?” tanong ko sa kanya, at natatakot ako sa isasagot niya.

                  “Hindi na, napadaan lang ako nun, pumunta kami kina Lola.” Ha! Mabuti naman. Dahil kung sakaling malaman niyang magkasama kami ni Ken. Maraming katanungan na naman ang lalabas sa bibig ng babaeng ‘to.

You Hate Me, But I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon