Chapter 8 (Fate's Game)

27 2 0
                                    

        Bumaba na kami sa pool area ng resort. May bonfire pa sa gitna nang damuhan, at may mga logs na inuupuan namin sa palibot ng apoy. Naayos na namin ang mga pagkaing niluto namin, pati ang mga inihaw ng mga lalaki na isda at meats.

              Naka-ayos na ang lahat. Tiningnan ko isa-isa ang mga barkada ko. Hmmm. Wala na naman sina Ashlee at Ken. Eto na naman ako, sila na lang parati ang binabantayan ko.

             Kukuha na sana kami ng pagkain ng biglang, humarang ang kamay ni Glary sa mga pagkain na nasa lamesitang maliit.

                  “Hep, hep, hep! Let’s pray first, parang di kayo mga taga-Telgra!” yun lang at pumikit si Glary, umupo kami ng maayos at pumikit na rin. Nagdasal kami sa pamumuno niya.

                  “Amen! Kainan na!” sigaw ni Glary, at nag-umpisa na kaming kumuha ng mga pagkaing gusto namin. Magkatabi kami ni Raymoon sa isang log, nagsh-share kami ng mga pagkain namin, pero kanya-kanya kami ng plato.

                  Sinusubuan niya ako ng pagkain sa plato niya, at ako din sa kanya. Tapos nakita ko na siniko naman ni Glary si Meian, tapos naghagikhikan na naman sila. Pinandilatan ko lang sila ng mga mata ko at binelat. Ayun, umayos sila.

                  “Oh Ashlee, Ken, san kayo nanggaling? Tara, kain na tayo.” Si Reymark yun, tapos lumingon ako sa gawi nila. Tiningnan ako ni Ashlee, ngumiti siya. Umiyak ba siya? Parang namumula ang mga mata niya.

                  “Sige, akyat muna kami ni Ken, magbibihis lang kami.” Tanggi muna ni Ashlee.

                  “Bihis lang ha, wala ng iba.” Biro naman ni Kramzy. Medyo tumawa kami dun.

                  Halos tapos na kaming kumain ng bumalik sina Ashlee at Ken, nakabihis na sila, si Ashlee nakacycling shorts, topped with thin loose shirt. And Ken, w-was wearing a w-white sando paired with light cargo shorts. Ang gwapo at hunk niyang tingnan! Parang nakikinita ko ang mga abs niya.

                  “Guys! Wala munang maliligo ha, kakakain lang, iwas cramps, ok?” babala ni Dr. Avrille sa’min, kaya kumuha ng gitara si Reymark at tumugtog ng paboritong kanta ng barkada. ‘This is the time’ by David Cook.

                  Umatungal na naman ang mga baka at kalabaw na sina Meian at Kresly sa pagkanta. Samantalang si Glary at Jeoffrey, ay nag-ggesture pa na aakalain mong nagduduet silang dalawa.

                  After an hour of singing and chit-chatting, isa-isa na silang lumublob sa tubig. Unti-unti na rin akong nalulungkot. Eh hindi nga ako makaligo eh! Kaiyak naman.

                  Pati si Raymoon, lumangoy-langoy na rin. Inaaya niya ako kanina, pero di pwede, bawal nga daw, di ko naman alam kung bakit. Tapos wini-wisikan niya ako ng tubig.

                  Naglalaro na sila sa malawak na pool. Paunahan ata yung laro nila, pero hindi paunahan sa langoy. Lumapit ako sa poolside, isinawsaw ko ang paa ko sa tubig at ipinaddle. Tinatanaw ko lang sila, pinakikinggan ang malakas nilang tawanan.

                  Napansin ko na nakaupo rin si Ken sa kabilang side ng pool, ginagawa niya rin ang ginagawa ko habang nakikinig sa instructions ni Engoy sa laro. Nakangiti siya, napaka-cool talaga ng ngiti niya, parang smirk, pero hindi nakaka-offend.

                  Hindi ko masyadong marinig ang sinabi ni Engoy, pero nakita ko na lang na lumalangoy ang karamihan sa kanila papunta sa’kin, akmang tatayo na ako ng may humawak sa bewang ko at binuhat ako papunta kay Engoy.

                  “Ang galing ni Raymoon! Basta love talaga oh!” komento ni Engoy. Paunahan pala ng dala sa’kin kay Engoy ang instruction nun. Matalino din tong boypren ko, umahon at umakbo papunta sa’kin kesa lumangoy, kaya nauna siya.

                  “Ano ang reward?” tanong ni Raymoon sa kanya.

                  “Hmmm.” Nag-isip si Engoy, tapos biglang naningkit ang mga mata niya na parang may masamang ibinabalak. Naghihintay ang lahat sa sagot niya.

                  “A kiss.” Bulong ni Engoy kay Raymoon. Tapos tumingin si Raymoon sa’kin.

                  “Narinig ko ‘yun Moon, alam mong ayaw ko pa, kahit smack lang.” banta ko kay Raymoon. Ngumiti lang siya, tapos lumapit siya sa’kin. Hinila niya ako tapos hinalikan. . .sa noo.

                  “A kiss on Nemo’s forehead.” Raymoon whispered on my face. Kinilig ako dun ah, hindi na mahiyain ang Raymoon ko, marunong nang bumanat eh!

                  “Awe. . .nakakakilig naman!” tili ni Vinna.

                  “Grabe naman tong dalawa ‘to kung makagawa ng eksena! Tama na please! Kinikilig to the bones ako eh!” sigaw rin ni Kresly.

                  “Teka, ba’t di pa kayo lumalangoy? Kanina pa kayong dalawa dyan sa damuhan.” Saway ni Glary kay Kresly at Meian. Nagtinginan lang ang dalawa. Unang tumayo si Meian, sumunod si Kresly.

                  Hinubad ni Meian ang suot niyang see-through dress, sumunod rin si Kresly. Nalantad ang makinis at seksing katawan ng dalawa. Napasipol pa si Jayson at Reymark sa ginawa nila.

                  Si Glary naman, nanggalaiti sa inis sa dalawa! Hahaha, sinaway mo kasi eh, ayan binigyan ka tuloy ng show! Umiling-iling na lang ako at napatawa.            Raymoon still had me in his arms.

                  Masaya ang naging party namin sa pool. Mag-aala una na ng mapagod ang lahat. Nagdesisyon kaming pumasok na at magpahinga. Pag-akyat sa taas ay kanya-kanya ng pasok sa rooms.

                  Nagbibihis na silang lahat, samantalang ako, nakaupo lang sa sofa, at pinanonood lang sila na nag-aayos. Hindi naman ako naligo, anong aayusin ko sa sarili ko?

                  “Haaaay, kapagod, tiyak mahimbing ang tulog ko nito.” Sambit ni Meian. Ilang sandali lang at nakahilata na sila sa mga kama. Two beds ang room namin, sa floor natutulog si Jeoffrey at Kramzy.

                  Mag-aalas dos na, hindi pa rin ako makatulog, hindi rin naman kasi ako pagod tulad nila. Pumasok sa utak ko ang isang brilliant idea! Maliligo ako ngayon. Hihihi, hindi bawal ang shorts na may zipper pag huhubarin.

                  Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, tapos bumaba diretso sa pool. Hinubad ko agad ang shorts at ang blouse ko. Tapos lumangoy agad sa pool. Tulog na sila, siguradong walang makakakita.

Ken’s POV

                  Tulog na ang lahat at tahimik na tahimik ang buong paligid. Hindi ako makatulog, kaya naisipan kong umakyat ng 3rd floor, may balkonahe dun, palipas oras.

                  Paupo ako sa cot na nandun sa balkonahe, nang mapansin kong may tao papunta sa pool. Babae. Pinilit kong inaninag kung sino siya. Hinubad niya ang shorts niya at blouse, tapos lumusong sa pool. Parang. . .si Nemo.

                  “Siyanga, siya lang naman ang hindi nakalangoy sa pool kanina.” Sabi ko sa sarili ko. Tapos umupo na’ko at pinanood siya. 

You Hate Me, But I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon