Medyo boring to guys, hehehehe, kayo na bahala! hahaha.
Nemo’s POV
Yeeeeey! It’s enrollment day, mahaba daw ang pilahan pag nagpapa-enroll sa Marshall. Kaya the day before the enrollment, lumuwas na kami ni Avrille. Hinatid na kami ng papa niya, kasama ang mga gamit namin. We have found an apartment naman na dun.
Excited na kami ni Avrille sa pags-stayhan namin habang andito kami sa siyudad. Maganda ang apartment na nahanap ng papa ni Avrille, kakilala ng pamilya nila ang may-ari.
Tig-iisang bedroom kami ni Avrille. The floor is tiled, at malamig sa kwarto kahit hindi paandarin ang fan o aircon. Mahangin kasi dito sa Fatima.
We had our bodies rested, para sa marubdob na enrollment bukas. Kaya ng mag-alarm ang phone ko, I got up at naligo agad. Ginising ko si Avrille, at mabilis din siyang bumangon.Hehehe.
Handang-handa talaga kami para sa araw na ‘to. Natapos na kami ni Avrille ng pag-aayos sa sarili at mga kakailanganin naming gamit. We brought bottled water and snacks.
6:00 am pa lang ng umaga, may mga estudyante na papunta na rin ng school. Walking distance lang ang school from our apartment, kaya naglakad lang kami ni Avrille.
Marshall is a state university, mura lang ang tuition dahil nga “iskolar ng bayan” daw ang mga mag-aaral dito. Nalula ako sa kalaparan ng school. Astig na astig ang main gate, tapos magkakalayo ang mga buildings.
Madaming puno sa Marshall, may malawak na malawak rin silang field. Over naman ang school nato! Kahit government property ito, napakastandard daw pagtuturo dito sa Marshall. Pero kung papansinin, parang kulang sa facilities ang school.
“Mo, dun tayo mag-uumpisa, sabi dito sa guidelines.” Inform sa’kin ni Avrille.
May konting pila na nga sa admission’s office. Sarado pa ang opisina, pero pumila na kami dahil isa pa sa ka-overan ng Marshall ay ang thousands of enrollees nito every year. At exactly 7:30 am, bumukas na ang opisina, buti at nag-eeffort din ang mga faculty na ma-accommodate agad ang mga estudyante.
Medyo umusad na ang pila hanggang sa kami na ni Avrille. Wala naming problema sa papers naming kaya dumiretso na kami sa department naming para magpa-encode ng subjects.
Parehong accountancy ang kurso naming ni Avrille, na-qulaify kami magtake nun dahil nakapasa kami sa passing score. Galing naming noh?
Kami ang unang nakapa-encode ni Avrille, tapos diretso na kami ng cashier kung saan, ang pilahan hanggang sa labas ng building.O_o
Tumakbo kami ni Avrille, papunta sa cashier’s office, tapos pumila. Medyo natagalan kami, pero mabuti na lang at mabilis ang galaw ng pila. ^_^
Matapos naming magbayad ni Avrille, ay nagpa-validate na kami sa registrar, and we’re enrolled! YEAH! Parang lantang gulay kami ni Avrille, palakad sa kiosk na nakita namin.
Bumili kami ng makakain. Tapos, nagulat na lang kami, nang biglang may pumaradang van dun sa harap ng kiosk. Ang iingay nila, parang nag-aaway. Tapos nilingon ko ulit. Anong!?
I poked Avrille at tinuro ko ang mga mokong na nasa daan sa harap ng kiosk. Ngumiti kaming dalawa at lumabas ng kiosk, bitbit ang mga pagkain namin.
“Hoy! Anong ginagawa niyo dito?!” sigaw ko sa kanila.
“Nemo! Avrille!” tapos tumakbo si Meian palapit sa’min, at bineso-beso kami.
“Gosh, look at you, nag-amazing race ba kayo at parang haggard na haggard kayo?” puna ni Kresly, arte talaga.
“Madz! Kamusta enrollment? Grabe, totoo pala yung buwis-buhay na sinasabi nila pag nagpapa-enroll dito sa Marshall?” tatawang-tawa na sabi ni Glary.
“Hoy, sigurado ba kayong dito kayo mag-aaral? Ang layo ng mga buildings, nakakalito. Kanina pa nga kami naglilibot, buti na lang at natagpuan pa namin kayo.” Tanong ni Jeoffrey sa’min. Tumango kami ni Avrille na parang bata.
“Eh kayo? Kamusta enrollment niyo?” Halos magkakasabay kasi ang schedule of enrollment ng mga kolehiyo dito sa GenSan.
“Naku, segundo lang ano, kaya nga nakarating pa kami dito, sumama na rin yung iba, kahit di pa enrollment nila.” pagmamayabang ni Jeoffrey.
“Tapos na din kami ni Avrille, sa apartment na tayo magchikahan.” Aya ko sa kanila. Kaya sumakay na kami ng van.
Nagulat ako, andun si Ashlee, pati si Ken? Kasama din?! Hinanap ko palaloves ko, bakit wala siya?
“Sa’n si Raymoon? Bakit di niyo sinama?” tampo ko sa kanila.
“Naku! May pupuntahan daw eh, babawi na lang daw sa’yo sa susunod.” Sabat naman ni Vinna na ngayon ko lang napansin na kasama din pala.
“O, himala! Nakasama ang boypren mo ngayon ah! Kamusta Xander?” napalatak ako dahil, nakakagulat, ngayon pa talaga nakasam si Xander sa’min.
“Nagpa-enroll din ako noh, saka ayaw ko rin namang magtampo na tong honeybunch ko.” Sabi niya habang kinukurot pisngi ni Vinna.
“EEEEeeeeeew.” Bigkas naming lahat. Hahaha.
Mabuti na lang at malawak ang apartment naming ni Avrille, nagkasya ang grupo sa livin room. Inihanda naming ni Avrille ang mga pagkaing binili nila sa mall kanina bago pumunta ng Marshall.
“Uy, ganda nitong apartment niyo ah, napakahomey, parang sa bahay lang ah.” Papuri ni Jeoffrey.
“Oo nga eh, galing ng Tito Romeo eh, kakilala niya ang may-ari. Di ba Vrille?” tumango din si Avrille.
“Sana dito na lang din ako.” Hiling ni Vinna.
“Eh pwede ka naman dito ah.” Sagot ni Avrille sa kanya.
“Wala naman sa Marshall ang gusto kong kurso eh.” Sagot din niya.
“Eh, ikaw Ashlee? Kamusta enrollment? Kanina pa kayo tatahimik-tahimik ah.” Baling ni Glary kay Ashlee.
“It went fine, tapos na din kami ni Ken.” Tipid na sagot ni Ashlee.
Magkasama pala sila sa isang school. Hmmm. Balita ko sa Nostradell University din si Jayson, kung saan nagpa-enroll si Ashlee at Ken. Isa ang school na yun sa Gensan na pinakamahal ang tuition at maganda ang facilities, pero di nangangalahati sa lawak ng Marshall.