Nemo’s POV
Dahil nga bakasyon pa at medyo boring sa bahay. Naisipan kong mamasyal sa mall, pampalamig ng utak lang. Hindi ko na inaya si Glary, at mabuti naman di rin siya nagtagal sa bahay. Madami daw siyang aasikasuhan. What a relief!
“Ma, punta muna ako ng mall, papasyal lng po ako.” Pagpapaalam ko kay mama sa phone, busy talaga si mama sa pagiging kapitana ng Telgra.
Nagcommute lamang ako papunta ng mall, isa ‘to sa mga habit ko kung gumala ng mag-isa. Nawiwili akong makakita ng iba’t ibang klaseng tao sa isang public vehicle.
Pumasok ako sa isang coffee shop ng mall, at nag-order at nagpalipas ng oras. Bakit ganun, parang nakakalungkot pa rin.
“Would you mind?” tanong ng isang lalaki. Foreigner siya, gwapo pero parang manyak. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Umupo siya sa harapan ko.
“Hi, I’m Scott, and you are?” blangkong tumingin ako sa kanya. Sa totoo lang hindi ko trip maka-usap ang mga foreigner, marunong naman akong mag-english, pero hindi ko alam kung pano ko sila pakikisamahan.
“Nemo.” Tipid na tipid kong sagot, tapos ngumiti lang siya.
“Oh, maybe you’re waiting for your boyfriend, I’m sorry if I bothered you.” Nag-sorry nga pero hindi rin siya umalis sa upuan na nasa harap ko, panay ngiti lang siya sakin.
“Sorry, if I’m late.” Nilingon ko ang familiar voice na yun. Ngumiti lang yung Scott at umalis sa upuan.
“Sorry, I thought she’s free.” Sabi ng Scott kay Ken.
“I’m sorry, if she’s not.” Sagot naman ni Ken sa kanya. In fairness ha, kahit Asian poginess si Ken, hindi siya natatalo ng kaguwapuhan ng foreigner na yun.
“Ba’t ka andito?” tanong ko kay Ken, na umupo sa pwesto ng foreigner kanina.
“Pasyal.” Tipid na tipid niyang sagot.
“Hmmm, I see.” Kala mo ha, marunong rin akong magtipid ng salita Ken.
Dot. Dot. Dot.
Matagal na katahimikan, ang namagitan sa’min ni Ken. Umiinom lang din siya ng smoothie na inorder niya.
Awkwaaaaaard. Ano ba ‘to? Bakit parang walang plano si Ken, na basagin ang katahimikan. Ayaw ko rin namang magsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.
Nangungunot na ang nook o sa kakatingin at kaka-antay na magsalita siya, pero busy lang siya sa pag-sip. Tapos tumingin siya sa gawi ko. Nagliwanag ‘yung paningin ko, at ngumiti.sa kanya.
Aba! Langya! Dinedma lang ako?! May topak din ‘tong Ken na ‘to eh. I stood up and picked my satchel.
“Where are you going?” English ng english rin tong mokong na ‘to eh. Hindi naman kano. At pinay ako, nakakaintindi ako ng tagalog! Pa-impress din eh?
.
“Dun, maglalakad-lakad, at syempre, gagala.” Medyo sarcastic kong sagot sa kanya.