Chapter 7

7K 239 10
                                    

***

UNKNOWN POV

"Did you find something?" I asked while playing the gun with my fingers.

"Yes boss.. Base sa nakikita ko kanina hindi talaga nila mahal ang isa't isa, mukhang napipilitan lang si king dun."

Napatigil agad ako sa paglalaro ng baril dahil sa sagot niya. They didn't love each other?

"Are you sure?"

"Yes boss, kanina ko nga lang sila nakikita."

Sinenyasan ko siyang lumabas baka bigla ko siyang mabaril. Paglabas niya ay pabagsak kung nilapag ang baril sa mesa at tumingala.

Looks like alam mo na ang balak ko king ah, magsaya muna kayo ngayon.

***


MADISSON POV

"Come here, honeybunch!!" pagmamaktol ni axel na ikina-irap ko.

"Sabi ng ayoko eh."

Ngumuso agad siya. Bakit ang cute nitong bata na 'to---este lalaking 'to.

Ang unfair, kapag ako ngumuso nagmukha akong pato pero pag itong isip-bata na 'to, sarap kagatin ng pisngi.

"Tikman muna kasii. Masarap 'to promise." pangungulit niya ulit.

"Ayoko nga kasi. Baka ikakamatay ko pa yan."

Pilit kung tinulak pabalik sa kaniya ang platong may lamang pagkain. Kanina pa kasi ako nito kinulit na tikman daw ang niluto niya pero hindi ako pumayag. Ayoko pang mamatay ng maaga no!

"Tikman mo na kasi." parang bata niyang sabi na ikinailing ko ng paulit ulit. "Promise masarap to."

"Ayoko nga eh." sagot ko tsaka siya tinalikuran.

Akmang kukuha ulit ako ng cookies sa plato ng bigla akong makarinig ng hikbi. Kaya mabilis akong lumingon kay Axel at nanlaki ang mata ko ng makitang umiyak ang loko.

"Wala namang lason to eh."

Napapikit ako ng mariin tsaka bumuntong-hininga. Bumalik nalang ako sa inuupuan ko kanina tsaka hinila ang plato na may pagkain. Kinuha ko din ang hawak niyang kutsara na ikinatigil niya sa pag-iyak.

Walang salita akong sumandok ng konti tsaka kinain.

Habang ngumunguya ako ay parang nagniningning ang mata ko ng malasahan yun. Ang sarap! Sobrang sarap.

"Masarap ba?" biglang tanong niya na ikina-atras ko ng konti.

Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Umiwas agad ako ng tingin para hindi niya makita yung pamumula ng pisngi ko.

"Saan mo 'to binili?" wala sa sarili kung tanong na ikinanguso niya.

Pabagsak siyang umupo sa isang silya katabi ng akin habang nakangusong nakatingin sa akin.

"Ang sama mo honeybunch! Hindi ko naman binili yan eh, niluto ko nga yan!"

Muntik na akong tumawa pero pinigilan ko lang sa pamamagitan ng pagtikhim. Bakit kasi ang cute nito?

"Just kidding, hubby. Pero di talaga ako makapaniwala na marunong ka palang magluto." sambit ko sabay subo ng pagkain.

Ang sarap niya-- este ng niluto niya talaga promise.

"So, naniniwala kanang ako ang nagluto nito?" sabay ngiti na ikinatango ko nalang.

Bakit ang gwapo ng lalaking to?

My Possessive Childish Husband Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now