Nag lakad lakad lang ako sa mall hanggang naka abot na ako sa bilihan ng mga laptop.
"Miss, may Acer ba kayong glossy black? Ganito rin ang model?"
Ngumiti ang assistant at tumango. Habang nag hihintay ako ay may tumabi sa akin. Pero di ko pinansin nag banggit siya ng model ng camera at sobrang ngiti ng assistant sa kanya kaya na curious ako at tumingin sa katabi ko.
" Allen" Laking gulat na wika ko at ngumiti sya bilang ganti.
"Hello, Gaile. " Malumanay na boses niyang wika sa akin. Medyo nadismaya ang assistant nang malaman niya na magkakilala kami ni Allen. Well, that makes sense. "Ma'am, eto napo " ani niya. Biglang dumating yung isa pang assistant , humarap ako sa kanya at magsasalita na sana nang natigilan siya ng mapansin niya si Allen sa gilid ko and she even gaped. I was only able to mumble "Oh please"
Ba't ba ang daming nahuhumaling dito? Well, I get it, he's handsome, lakas ng appeal. I couldn't care less.
I'm really already too numb after that relationship.
Binili ko yung laptop at umalis na pero sa gulat ko ay sumunod siya sa akin.
"Oh? Tapos ka na bumili?"
"Nah, sa susunod na ang bagal nila eh" wika niya.
"By the way, mind if we grab something to eat?"
Tanong niya at ngumiti since di naman ako nakapag almusal ay pumayag na ako we had a great time while eating we had a small chit chat at nalaman ko rin na doon talaga siya nag aaral sa school ko, I knew it! Also, he is the president of the photography club kaya pala.
"It's been my hobby since I was young?" ani niya.
He chuckled.
"I really like to capture memories"
Tumango ako.
"What about you?" Tanong niya
"Ha?" he smiled
"Your hobby? or is there something you're passionate about?"
Tanong niya at napa-isip naman ako my hobby? Well, I remember nothing.
"Hmm, I don't know." wika ko
"Well, you're not into music?"
I stiffened and smile "I was"
"What do you mean you were?" I smiled, too hesitant to answer and I guess he saw through me.
" Alam mo, it's fine if you won't spit it out ca-"
I cut him off
"It's fine" at ngumiti. I sighed before continuing.
"I was really into music before I cant let go of my bow and violin for hours."
Napangiti ako remembering him.
"I even had a piano partner." I shrugged. "Things happened."
He knew i don't want to discuss further and nod as if saying "It's okay, I understand."
We were enveloped by awkward silence by then.
"Well, so much for that, gusto mo gumala?" Tanong niya at napangiti ako
"why not?" At tumayo na
"Tara"
I mumbled at lumabas na kami ng resto pag labas naming dalawa halos lahat tumitingin at ang iba nag bubulungan
(perfect couple) yung mga ganyan, and it is somewhat uncomfortable.
"Don't mind them" napatingin ako sa kanya at ngumiti sya pati ako " I don't"
wika ko at naglakad kami ulit
"Look who's here"
Wika ng lalaki sa harap ko, our eyes met and I can't deny the fact how good looking he is right now .
"Kianne" wika ko
"Are you two dating?" Direktang tanong niya.
Something is not right with Kianne, his mood.
"Nope, we're not, we just met a while ago "
Wika ni Allen
"Allen bro!" Wika ni kianne
"You know him?" Tanong ko kay Allen at tumango sya "Childhood friends" sagot niya pa at tumango nalang ako.
"I better go" ani ko at nag change nanaman ang mood ni Kianne nakaka intimidate siya.
Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Kianne. "No, it's okay" wika ni Kianne
Sasagot na sana ako pero biglang ti-nap ni Allen ang balikat ko ng sobrang light.
"Don't bother" and he chuckled, Kianne left, and we continued. I'm bothered but not enough to ruin the day.
After that friendly date at hinatid na niya ako at naabutan ko si kuya sa sala at nag lalaro ng ps3.
"Did you commute?"
Tanong niya
"Nope a friend of mine, hinatid ako"
"Ahh, akala ko"
Tumango lang si kuya. Agad naman ako umakyat papasok sa kwarto ko upang makapagpahinga na, pabagsak akong humiga sa kama at napatutok sa ceiling until my eyes fell on the old fancy box. I dragged it out and sweep the dust off. Binuksan ko at nakita ang mga memories ko noon with him.
"Cleon, why can't I get over you?"
I mumbled.
It's already been 3 years napasinghap ako nang may tumulo na luha sa mga mata ko, hinawi ko ang aking buhok at iginala ko ang aking mga mata at nakita ang aking violin. Pumunta ako sa gilid nito at hinawakan napangiti at napapikit .
"I miss you."