CHAPTER 06

88 9 18
                                    

Tahimik na kumakain ng meryenda si Cielo sa Steamin' House ngunit ang pananahimik ng kanyang paligid ay hindi rin nagtagal. Mayroon isang customer na pumasok at dumiretso ito sa counter area. Si Byron iyon at hindi niya alam kung bakit sa tagal na niyang kakilala ang binata ay malakas pa rin ang epekto nito sa kanya sa tuwing nakikita niya ito.

Laking pasasalamat na lang niya sapagkat hindi yata siya napansin nito sa kanyang pwesto. Mukhang tama lang na pumuwesto siya sa pinakadulong bahagi ng Steamin' House. Hindi na muna niya itinuloy ang ginagawang pagbabasa ng libro dahil pinili niyang pakinggan ang pakikipag-usap ng binata sa isa pang customer na nakapila roon.

"Magandang hapon po, Doc," bati ng isang ginang na may-edad na. Mayroon itong kasama na dalawang bata- isang lalaki at isang babae. Sa hula niya ay anim na taong-gulang ang batang babae at mas bata ng dalawang taon ang lalaki.

"Magandang hapon din po," magiliw na sabi naman ng binata. "How are you, kids?" baling naman nito sa mga bata. Yumuko pa si Byron at marahang hinawakan ang ulo ng dalawang bata na ngiting-ngiti naman dito.

"Doc Pogi, good boy na ako. Hindi ko na po sinira ang laruan ni Jam-jam!" pabibong saad ng batang lalaki.

Nag-high five si Byron at ang munting paslit. "Very good!"

"Ako din po hindi na bad. Hindi ko na po kinakagat si Jim!" nagmamalaking wika naman ng batang babae.

Napailing na lang siya. Hindi na siya magtataka kung bakit napakaisip bata ni Byron. Dala marahil iyon ng propesyon nito. Hindi naman niya maipagkakailang nakakapanlambot ng puso ay nakikita niyang pagkagiliw nito sa mga bata. Ibang-iba ang paraan ng pakikipag-usap nito sa mga paslit. Kung ito ay napakamalumanay, ang kanyang ama naman ay puno ng awtorisasyon ang boses. Sa kanyang palagay ay napakaswerte ng mga magiging anak ng binata kung sakali. He would be a great father someday.

"Tama 'yan, kids. Huwag na kayong mag-away para hindi na ma-stress ang Lola ninyo," wika pa ni Byron.

"Ano po 'yung stress?" tanong ng batang babae na halatang interesado na malaman kung ano ang ibig sabihin niyon.

"Ah." Kumamot muna ng ulo ang binata at gusto niyang matawa nang makita niya itong tumingin sa kisame na animo'y doon nito makikita ang sagot. Nawawalan din pala ng sasabihin ang madaldal na doktor. "Pang-matanda lang 'yon kaya hindi mo pa alam. Tsaka na lang natin pag-usapan kapag matanda ka na," masuyong ginulo ng binata ang buhok ng bata.

"Naku, Doc. Pagpasensyahan na po ninyo ang mga apo ko," nakangiting wika ng lola ng mga bata.

"Wala po 'yon. Natural lang po sa mga bata ang magtanong ng kung anu-ano."

"Doc Pogi, may girlfriend na po ako, si Chelsea 'yung kaklase ko," pagmamayabang naman ng batang lalaki.

"Talaga? Aba, ayos. Manang-mana ka talaga sa akin."

"May girlfriend na rin po kayo?"

Nang marinig niya ang tanong ng bata ay noon siya yumuko at binalikan ang binabasang libro. Marami na siyang oras na naaksaya sa pakikinig sa usapan ng mga ito. Ayaw man niyang aminin ay hinihintay naman niya ang magiging sagot ng binata. Para kang tanga, Cielo. Eh, ano naman ngayon sayo kung anong magiging sagot ng kulugong 'yan? aniya sa sarili. Mabuti na nga rin siguro iyong aminin ng binata na mayroon na itong kasintahan para tigilan na siya nito. Promise, 'di ka masasaktan?

Hindi niya namalayan na nabagsak niya ang hawak niyang libro sa mesa at gumawa iyon ng ingay. It was a wrong move, dahil sa kanya na nakatingin ang lahat ng taong nandoon. Damn it, Cielo! Ngumiti na lang siya upang humingi ng paumanhin at hindi niya tiningnan ang kinaroroonan ni Byron. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

My Daily Dose Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon