"Cielo, nag-break na ba kayo ni Kuya?"
Napahinto sa pagkagat ng chocolate bar si Cielo sa tanong na iyon ni Brittany. Kung pwede lang niyang sabunutan ito ay ginawa na niya. Kaya lang hindi pupwede sapagkat nasa pampublikong lugar sila. Hindi niya alam kung bakit naisipan pa niyang patulan ang pagyaya sa kanya ni Brittany at Dionne na tumambay sila sa Steamin' House tutal naman daw ay weekend at wala silang ibang gagawin. Parang gusto na tuloy niyang magsisi kung bakit lumabas pa siya ng bahay.
Alam naman niyang gusto lang maki-tsismis ng mga ito kaya lang nababagot naman kasi siya sa bahay. Wala siyang ibang alam na mapagtutuunan ng pansin. Pati pagtatrabaho na madalas niyang gawin kapag wala siyang pasok ay inabandona na niya. In short, distracted siya.
"Uy, ang heavy naman ng tanong mo. Pwede bang 'yung light lang muna?" sabi ni Dionne sa katabi nitong si Brittany.
"Oo nga," sang-ayon naman ni Sabrina atsaka tumingin sa kanya. "So, Cielo, hindi ka ba pinanagutan ng kuya ni Brittany?"
Ibinaba niya ang hawak na chocolate bar at binukas-sara ang kanyang kamao. "Bakit parang ang sarap pumatay ng tao ngayon?" aniya.
"Grabe ka naman," komento ni Dionne. Mabuti na lang at nandoon si Hershey para kampihan siya.
"Tigilan na ninyo si Cielo. Hayaan na muna natin siya," wika nito. Umirap lang sina Brittany at Sabrina sa sinabi nitong iyon. Sabay pang nagreklamo ang dalawa.
"Nagtatanong lang naman, eh."
"Oo nga. Wala naman kaming ginagawang masama."
Bago pa siya makahirit ay nakita niya ang pagpasok ni Byron at ng mga kaibigan nito. Bakit ba ang liit ng mundo para sa kanilang dalawa? Mag-resign na kaya siya sa trabaho at lumipat na ng tirahan? But she loves her job. Bakit naman niya iiwan ang pinakamamahal niyang trabaho nang dahil lang sa lalaking 'to? Mas mahal mo ang trabaho mo kaysa sa kanya? singit ng isang munting tinig sa kanyang isipan. Tumahimik ka na lang. Wala namang ibang nakakaalam kundi ako.
Nagtama ang kanilang mga mata ng binata. And for a moment, she hoped that everything was like just before. Lalapitan siya at ngingitian nito. Kukulitin at hahawakan. Pero ang hudyo, tumingin sa ibang direksyon na animo'y wala siya roon. Uminit tuloy ang ulo niya. Para siyang tanga na nagagalit sa ginagawa nitong hindi pagpansin sa kanya kahit na siya naman ang humiling noon sa binata. Hindi pa rin kasi niya maalis sa kanyang isipan ang sinabi nitong mahal siya nito at ang pag-aakala nitong mayroon na siyang iba. Why did it sound like she was cheating on him? Sino ba naman ang hindi pag-iinitan ng ulo sa lagay na 'yon?
"Sinong kuya ang tinutukoy mo, Brittany?"
Sabay-sabay na napatingin sa kanya sina Brittany, Dionne, Sabrina at Hershey. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka dahil sa tinuran niyang iyon. Ang papalapit na grupo naman ni Byron ay napahinto nang marinig din siya.
"Hindi ko kilala ang kuya na sinasabi mo," pagpapatuloy pa niya. She's fully aware how childish she sounds but she doesn't give a damn.
"Gusto mo ipakilala kita?" saad ni Brittany. She caught Byron snorted and wait... Did he just roll his eyes on her? Sumosobra na talaga ang lalaking 'to!
"What? Do you have a problem?" direktang tanong niya sa binata.
"Ikaw yata ang may problema sa ating dalawa?"
Same lines, same feelings, different location. Déjà vu? At isang instant replay ang naganap sa isip niya. Anything happened that last night they talked to each other. Lahat naaalala pa rin niya. Every single detail.
Paano siya makakalimot kung sa tuwing wala siyang ginagawa ay okupado ng binata ang isip niya? Paano siya makakalimot kung sa lahat ng pagkakataon may isang bagay na makakapag-paalala rito sa kanya? Sa apartment, sa trabaho, sa Steamin' House. Kahit simpleng pagsakay lang ng tricycle ay naaalala pa rin niya si Byron. Kailangan na nga yata niyang mag-resign sa trabaho at umalis sa lugar na yon.
BINABASA MO ANG
My Daily Dose Of You
Romance"Falling in love is easy. So, fall freely into me. Hindi naman ako magrereklamo." Kung may tao man na ipinaglihi sa kulit at kapal ng mukha ay si Byron na ang living proof. Nasisiguro iyon ni Cielo sapagkat wala na itong ibang ginawa kundi ang kulit...