CHAPTER 08

81 7 14
                                    

"Cielo, boyfriend mo?"

Iyon ang tanong na bungad ni Sabrina sa kanya. Sinulyapan niya ang kanyang dating kaklase at kaibigan na si Tony. Nagkita sila sa isang mall nang hindi inaasahan. Nagkakumustahan at nagkayayaan na kumain. Dinala na lang niya ito sa Steamin' House dahil alam niyang doon sila makakapagkwentuhan ng mas maayos. Natawa na lang silang dalawa ni Tony at ito na rin ang sumagot.

"Hindi yata matatanggap ni Cielo 'yan," nakangiting sagot nito sabay lahad ng kamay kay Sabrina. "I'm Tony. Anthony Diaz." Bago pa sumayad ang kamay ni Sab ay may pumigil na rito. Si Drew iyon na bagong dating din at madilim ang ekspresyon ng mukha.

"Taba, ako ang asikasuhin mo," ani Drew na hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Hawak pa rin ni Drew ang isang kamay ni Sab. Ngiting alanganin ang ibinigay ni Sab sa kanila sabay palo sa braso ni Drew.

"Pasensya na kayo, ha? 'Nung magsabog ng good manners and right conduct ang Diyos, nasa kweba ang lalaking ito." Lalong dumilim ang eskpresyon ni Drew sa tinurang iyon ni Sabrina.

"Bakit ka humihingi ng 'Sorry'?" masungit na tanong ni Drew kay Sabrina, pinanlakihan lang ito ng mata ng huli upang patigilin. Hinila na ni Drew si Sabrina papasok sa kitchen.

"Mukhang ayaw yata sa akin ng mga tao rito, Cielo," nakangiting baling sa kanya ni Tony. Nakonsensya naman siya sa narinig at natakot na baka na-offend ito. Hihingi na sana siya ng paumanhin nang bigla na lang may nagsulputan sa likuran nila at nagsalita.

"Oo nga. Buti alam mo."

"Mabuti naman at nahalata mo."

"Akala ko kailangan pang i-spell sayo, eh."

"Kailangan pa ba namin na sabihin sa iyo 'yon?"

Napalingon siya sa mga nagsalita at nakita niya na nakapila sa likuran nila ni Tony ang mga kaibigan ni Byron. Nagtataka siya sa inaasal ng mga ito sapagkat alam naman niya na hindi ugali ng mga ito na kumuha ng atensyon ng ibang tao. Nilingon naman siya ng apat na damuhong lalaki. Si Francis ang unang nagsalita.

"Hi, Cielo. Nandiyan ka pala." Tumingin din ito kay Tony na nakatingin na rin pala sa mga bagong dating. "At may kasama ka."

"Napalakas yata ang usapan namin," ani Ryan.

"Oo nga. Huwag kang mag-alala si Martin naman ang pinag-uusapan namin," ani Ice sabay akbay sa nananahimik na si Martin. Tiningnan naman niya si Martin na blangko lang ang mukha at hindi na bago iyon sa lahat ng nakakakilala rito.

"I'm not worried at all," sagot niya kahit na alam niyang nagpapatay-malisya lamang ang mga ito. Alam na niya ang galawan ng mga binatang ito. Sapat na ang ilang taon na pamamalagi niya roon upang maintindihan ang nais gawin ng mga damuhong ito.

"Good. Now, can you place your order? Kanina pa kasi kami naghihintay dito," masungit na sabi ni Martin. Nagkibit-balikat na lang siya at humarap muli sa counter upang ibigay na ang kanilang order. Pagkatapos niyon ay umupo na sila ni Tony sa bakanteng pwesto habang bitbit ang isang tray na naglalaman ng kanilang pagkain.

Sinundan niya ng tingin ang apat na lalaki. Hindi niya mapigilan ang magbigay ng kahulugan sa mga kilos ng mga ito. At ang mas malala pa umupo pa sa likuran nila ni Tony ang apat na para bang nananadya. Hindi niya alam kung ano ang ikinuwento ni Byron sa mga kaibigan nito pero base sa ginagawa ng mga kaibigan nito ay nasisiguro niya na siya ang mali at ito ang tama.

"Hindi man lang nakonsensya."

"Oo nga. Walang puso."

"Walang konsensya. Walang puso."

"Redundant na tayo."

"Sino bang walang konsensya at puso?" Nakita niya ang paglapit ni Hershey sa grupo at paghatid sa mga kapeng in-order ng mga ito. Kasunod nito si Drew na nanggaling sa kitchen na may dala pang sandwich.

My Daily Dose Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon