Chapter 1

9 0 0
                                    

                Isang bagong araw para sa mga estudyante, pero para kay Grey, normal ito. Isa siya sa mga estudyanteng nakikipagsiksikan sa pagpasok sa gate kung saan libong estudyante ang dumadaan. Iba kasi para sa kanya yung pakikipagsiksikan. Hindi siya ganoong pansinin, dahil lahat ay nagmamadali.

                Matapos marinig ang bell na hudyat ng pagpasok ng mga estudyante, agad na pumila at naghintay si Grey sa paggalaw ng mga nasa harapan. Unti-unting gumalaw ang pila tulad ng pagdami ng mga estudyanteng nag-aabang. Ilang sandali lang ay may isang boses siyang narinig.

                “Nandiyan na naman siya o.” sabay turo ng nilalang na lumilipad-lipad sa ulunan ni Grey.

                Hindi pinansin ni Grey ang tinig na narinig sa isang nilalang na alam niyang siya lang ang nakakakita. Agad niyang tinungo ang pinaka unang silid sa unang palapag. Umupo sa pinakadulong upuan sa likod sa tabi ng bintana na nakaharap sa corridor at quadrangle ng eskwelahan. Tanaw niya dito ang silid ng mga Science teachers na katapat lamang ng kanilang pintuan ang pinto, ang Audio Visual Room na katabi ng Guidance Office, ang isang open room kung saan isang gate na bakal lang ang humaharang sa mga estudyante para makalabas, ang Principal’s Office, kantin at ang kalahating pinto ng Music room dahil hinaharangan ng posteng pundasyon ng eskwelahan.

                May kung anong kaguluhan ang nagaganap sa kantin na agad na ikinabahala ng buong eskwelahan. Isang apoy ang agad na kumalat doon sa di pa nalalamang dahilan. Muling narinig ni Grey ang boses kahit pa ito ay nasasapawan ng mas malakas na ingay ng mga estudyanteng naghihiyawan.

                “Ayun! Ayun siya!” at agad naman itinuro ang lalaking nakatalukbong ng telang itim na may hawak na isang mahabang patpat na may mahaba at matalas na bagay sa dulo nito. Hindi pa din pinansin ni Grey ito.

                Isang guro ang nagsalita sa klase. Kinakabahan at tagaktak ang pawis sa mukha at leeg.

                “Lumabas na kayo at umuwi. Ikinakansela ang klase ngayon. Labas na!” utos nito sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng silid. Agad namang sinunod nila ang gurong si Mrs. Salazar. Siguro ay dahil na din sa kabaitan nito sa lahat ng klaseng hawak kaya madali niyang napapasunod ang mga tinuturuan.

                Hindi na alintana ng mga estudyante kung saan ang tamang exit point basta ay makalabas lang. Lalong lumalakas ang apoy at tutupukin na nito ngayon ang Music room. Ang paboritong silid ni Grey sa lahat ng silid na napasukan niya. Doon kasi ay tahimik at walang nang-aabala. Nakatutugtog siya ng malaya sa piyanong naroon.

                Agad na lumabas si Grey ng silid ng makitang inuumpisahan ng tupukin ng apoy ang Music room. Tinungo niya ang CR upang doon ay makapag-isip ng gagawin.

                “Apoy … apoy … apoy” paulit-ulit niyang sinasabi habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng CR. Maya-maya pa ay hinawi na niya ang buhok na tumatakip sa kanyang kaliwang mata.

                Nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi lang isa o dalawa ang kanyang nakitang mga nilalang sa loob ng CR. May mga water pixies at elves ang nandoon na nagtatampisaw sa isang drum ng tubig. Nandoon din ang tatlong wind pixies na para bang hihimatayin sa loob ng CR dahil sa amoy na nalalanghap. Ayaw naman umalis ng tatlong pixies dahil nawiwili sila sa kakalaro sa exhaust fan na hinihigop sila papalabas.

                Sinenyasan ni Grey ang pinanggagalingan ng boses na kaninang narinig na para bang alam na ang gagawin.

                “Master, ako ng bahala dito!” pagmamayabang ng pixie na si Tracy. Si tracy ay isang house pixie na nakatira sa bahay ni Grey. Isa siyang maliit na engkantado. Simula pagkabata ay kalaro na ni Grey si Tracy. Sabihin man ni Grey na nakikita niya si Tracy ay hindi siya pinaniniwalaan ng kanyang mga kakilala at magulang.

HS 101 : The Sophomore's EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon