Chapter 10 : Ending (BOOK 2)

3 0 0
                                    

                Naglahong parang bula ang mga alaalang pinanunuod ni Grey. Sa halip ay isang batang babae ang nakita niya na nakasalampak sa sahig na naglalaro. Biglang bumukas ang pintuan ng kanilang bahay at pumasok ang isang babae at lalake. Isinara ang buong bahay sa loob at tumungo sa basement kung saan naroon ang kanilang silid-aklatan.

                “Anak, paghigantihan mo kami!” utos ng ina sa sanggol na walang kamuwang-muwang.

                Isang lagusan ang bumukas sa likod ng mga libro. Iniipit ng lalake ang itim na libro sa basket na kinalalagyan ng sanggol. Nang ipapasok na nila ang sanggol sa lagusan ay bumukas ang pintuan ng silid-aklatan.

                “Patayin ang mga nilalang na nagtangka sa buhay ng Prinsipe Grey!” sigaw ng isang mataas na tagapagtanggol ng kaharian. Tinira nila ng kung anong kapangyarihan ang mag-asawa. Bago pa man mawalan ng hininga ay sumabog na ang silid aklatan at tuluyan ng naipasok nila si Lisl sa lagusan. Napadpad si Lisl sa mundo ng mga tao at sa kanyang paglaki ay nalaman niya ang dahilan ng kamatayan ng mga taong inakalaniyang magulang kaya siya ay naghiganti.

Unti-unting lumabo na ang mga sumusunod na pinanunuod ni Grey. Tuluyan na siyang walang nakita at napapikit na ang mga mata.

__________

                May kung anong usapan ang hindi maintindihan si Grey na kanyang naririnig. Pilit niyang iniintindi ang bawat salitang kanyang naririnig kahit na siya ay nakapikit.

                “Nakita po namin siya doon sa library, nakahiga at wala ng malay.” Sagot ng isang estudyante.

                “Tama po. Matapos po ang nangyari sa inyo, may nakapagsabi po sa akin na pumasok daw siya sa library.” Pagpapaliwanag ng isa pang estudyante.

                “Sige, maraming salamat at dinala ninyo siya agad dito. Makakabalik na kayo sa pag-aayos ng silid-aklatan.” Pagpapasalamat ng tinig ng lalake sa dalawang estudyanteng narinig.

                Marahang iminulat ni Grey ang kanyang mga mata. Inilibot at pinagmasdan niya ang bumbilya na nagbibigay liwanag sa kanyang kinahihigaang silid.

                “Gising ka na pala!” pagkagulat ng lalake ng makitang mulat na ang mga mata ni Grey.

                Naisipang bumangon ni Grey upang kilalanin ang boses na kanyang naririnig.

                “Mr. Sanchez!? Hindi ba’t pa-“ pagtataka ni Grey ng makita niya si Mr. Sanchez na nakaputi.

                “Patay ka na!? Bakit naman!?” pag-uusisa ni Mr. Sanchez sa binata na para bang pilit hinihingian ng dahilan kung bakit naisip ang salitang iyon.

                “A e wala po.” Pag-iwas ni Grey na sagutin ang tanong ng guro.

                “Sige, magpahinga ka muna diyan. Aalis lang ako sandali.” Utos ni Mr. Sanchez at tuluyan na siyang lumabas ng clinic at isinara ang pinto.

                Laking pagtataka ni Grey na buhay pa siya at wala man lang galos na natanggap. Muli niyang siniguradong hindi panaginip ang kanyang nararanasan ngayon. Kinurot niya ang kanyang sarili upang magising sa katotothanan.

                “Aray!” sagot niya sa sarili matapos matauhan na totoo nga na buhay siya.

                “Bakit mo kasi kinurot ang sarili mo?” tanong ng isang pamilyar na boses.

HS 101 : The Sophomore's EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon