Chapter 2

4 0 0
                                    

                Nakarinig na malakas na sigaw sa loob si Grey at Lisl. Agad na bumalik sa puwesto ang nurse na sumita sa kanila kanina. Dahil wala ng bantay ay agad na pumasok si Lisl upang usisain kung anong nangyari. Dahil hindi nagpapigil si Lisl ay pumasok na din si Grey. Nakita nila ang katawan ni Ate Mae na lapnos ang kalahati. Dilat ang mga mata nito at nanginginig. Unti-unting ng dumami ang mga nurse na nakapalibot kay Ate Mae kaya hindi na nila ito matanaw.

                “Tara na! Umalis na tayo dito!” pamimilit ni Grey kay Lisl. Hinawakan niya ang kamay nito upang hilahin.

                “Teka NGA!” napasigaw si Lisl kay Grey at bigla niyang winasiwas ang kamay na para bang nagwiwisik upang tanggalin ang pagkakapit ng binata.

                Hindi pa din inaalis ni Lisl ag kanyang mga mata sa kinalalagyan ni Ate Mae kahit na hindi na niya ito nakikita. Inilipat ni Grey ang kanyang tingin sa direksyong tinitignan ni Lisl. Nagulat siya makitang itinataas ng lalaking nakatalukbong ng telang  itim ang hawak na karit.

                “Master, master! Ano na bang nangyayari sayo?” pag-uusisa ni Tracy ng makita niyang may lumitaw na violet elf sa balikat nito na nangangahulugan ng matinding pagkabahala.

                Ilang sandali pa ay isang pahayag ang nagpahinto ng takbo ng oras kasunod ng buong pwersang pagwasiwas pababa ng karit ng lalake.

                “Time of death: 2:15 pm”

                Nakatulala pa din si Grey sa nasaksihan. Ito ang unang beses niyang makita ang lalakeng iyon at iyon din ang unang beses niyang makakita ng namatay.

                “Tara na.” hinatak ni Lisl sa laylayan ng damit si Grey.

                “Uy, Grey, tara na!” pangalawang ulit niyang hinatak ang laylayan ng damit ni Grey at nagtagumpay siyang kunin ang atensyon nito.

                “Ha!?” tanong ni Grey kay Lisl na para bang may pagkagulat.

                “Sabi ko-- tara na. Nagpaalam na si-- Ate Mae.” Biglang yumuko si Lisl.

                Agad namang inalalayan ni Grey si Lisl. Inakbayan niya ang dalaga at sabay silang lumabas ng emergency room. Muli niyang nilingon ang kanilang pinanggalingan at ang kinalalagyan ng katawan ni Ate Mae. Hindi na niya nakita ang kaninang lalakeng nakatalukbong ng itim.

                “Master, nakita mo ba yon?” pagtatanong ni Tracy habang naglalakad pabalik ng eskwelahan sina Grey at Lisl. Hindi siya pinansin ni Grey sapagkat ayaw niyang mapagkamalang baliw sa pakikipag-usap sa di nakikitang nilalang.

                Nang malapit na sa eskwelahan ay tinanggal na ni Lisl ang pagkakaakbay ni Grey sa kanya at humarap. Kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan niya muna ang kanyang luha bago nagsalita.

                “Grey, salaamat ha!” sabay yakap nito sa binata.

                “Para saan?” pagtataka ni Grey na nasisime sa pagkakayakap sa kanya.

                “Kasi sinamahan mo ako at sa pag-alalay mo sa akin.” Pagbibigay rason ni Lisl habang nakayakap pa din kay Grey.

                Dahan-dahang tinanggal ni Grey ang mahigpit na pagkakayakap ni Lisl sa kanya dahil ayaw niyang napagkakamalang sila. Hindi niya tipong babae si Lisl. Wala kasi dito ang hinahanap niyang katangian ng isang babae. Mas gusto ni Grey ang babaeng mahaba ang buhok na kulot ang dulo, maninipis na labi, at dagdag factor din ang pagkakaroon ng nunal malapit sa ilong upang magmukha itong mataray o suplada. Hindi tulad ni Lisl na sumisigaw upang kunin ang atensyon mo sa isang mataong lugar.

HS 101 : The Sophomore's EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon