Chapter 4

3 0 0
                                    

                Agad na tumungo si Grey at Tracy sa library. Madaling pinihit ni Grey ang doorknob at laking gulat niya ng makita ang mga nagkalat na libro sanhi ng pagbagsak ng bookshelves na para bang domino. Iniikot niya ang kanyang paligid upang hanapin ang pinanggalingan ng sigaw na narinig kanina.

                “Master, bandang dulo.” Sigaw ni Tracy ng makita nito ang paggalaw ng ilang mga librong naroon.

                Naisipang hawiin ni Grey ang kanyang buhok upang humingi ng tulong sa kung ano mang nilalang ang nandoon. Agad niyang nilapitan ang isang bugkos ng libro sa kanang sulok ng library. Isa-isa niyang inalis ang libro at laking gulat niya ng biglang makita ang isang kamay. Nagmadali siyang hukayin pa ang mga nagtabunang libro sa taong nasa ilalim.

                “Stephanie!?” nagulat na lamang si Grey sa kanyang nadatnan. Ang babaeng kasabay niya lamang kahapon pauwi na kanyang iniibig ay nadisgrasya.

                Muli niyang iniikot ang mata. Nagtaka siya at kinabahan ng hindi na niya makita sila Mr. Sanchez, ang bookkeeper at ang kaninang estudyanteng tumawag kay Mr. Sanchez upang tunguin ang library.

                “Master, meron pa dito sa harapan!” sa pagkakasabing iyon ni Tracy ay may dumating ng ibang guro at pati mismo ang guwardiya ng eskwelahan. Nagulat ang lahat sa nakita.

                “Ma’am! Sa bandang unahan po meron pa!” sabay turo ni Grey sa mga patong-patong na libro sa unahan habang inaalalayan si Stephanie na iupo sa isang tabi.

                Muling ibinalik ni Grey ang tingin sa mga gurong nagtutulong tulong na buhatin ang isang bookshelf. Nakita nila doon ang tatlong naunang pumunta sa library para rumesponde. Siguro ng pagpasok ng tatlo ay agad silang nadaganan ng mga ito.

                Agad na isinugod sa pinaka malapit na hospital ang apat na pare-parehong walang malay. Kasabay ang mga guro sa pag-alis ng mga naaksidente habang si Grey ay nananatili sa loob.

                “Naramdaman mo ba siya?” halos pabulong na tanong ni Grey kay Tracy.

                “Hindi nga Master e.” sagot naman ni Tracy na may pagtataka.

                Ilang minuto pang nanatili si Grey sa loob ng library, nag-iisip at nagtataka. Isa nga bang itong aksidente o gawa ng Taga-sundo.

                “Tayo na Tracy, pupunta tayo ng ospital.” Isang seryosong desisyon ni Grey na agad naman sinang-ayunan ni Tracy.

                Iniayos ni Grey ang sarili bago lumbas ng library. Kumaripas siya ng takbo papuntang hagdan para bumaba sa labasan ng biglang tinawag siya ng pamilyar na boses.

                “Grey!” tawag ni Lisl na nakatayo at naka-sandal sa dingding sa tabi ng clinic.

                Biglang preno naman si Grey upang lingunin si Lisl.

                “Nagmamadali ka yata Grey? San ang punta mo?” pag-uusisa ni Lisl.

                “Pupunta ako sa ospital! Titignan ko ang kalagayan ni –“ naputol ang pagsasalita ni Grey ng biglang dugtungan ito ni Lisl.

                “Stephanie? Siya ba?” magarang tanong ni Lisl na may halong pagka-irita.

                “At nila Mr. Sanchez…” dugtong naman ni Grey sa sinabi ni Lisl.

HS 101 : The Sophomore's EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon