Biglang naalala ko ang dating bata na ako.
"Nandito na si papa"
" Papa!!!" Tuwang-tuwa kong sabi sabay yakap sa kanya.
"Anak, dinalhan ka ni papa ng paborito mong pagkain" masiglang ani ni papa
"Talaga pa!!" Ang sabi ko na tuwamg tuwa sa sinabi nya.
"Oo anak, ito oh!!" Sabay bigay nya sa akin ng garapon ng stick-o.
Tuwang-tuwa ko agad to binuksan at kinain agad.
"Thank you papa" ang sabi ko habang may stick-o sa bunganga.
"Anak, hinayhinay lang sa pagkain ha!!" ani ni papa
"Opo pa" tuwang tuwang sabi ko.
Araw-araw dinadalhan nya akong ng pagkain at iba pang pasalubong. May pakakataon pa nga kahit busy sya ay sinusundo at hinahatid nya ako sa school at kinukwentuhan ng paborito kong mga stories.
"Pa!!, Good night po, i love you po pa" ang sabi ko sa kanya.
"Good Night Brye, i love you too!! Palagi mo tatandaan na nandito lang si papa ha!!" Ani niya sabay halik sa aking noo.
Kinabukasan, nakarinig na lang ako ng pag hagulgol napa bangon ako sa kama, para tingnan kung ano ba yun. Pagkababa ko ay nakita ko agad si mama na nasa sofa naka-upo habang umiiyak.
"Ma!!" Malungkot na wika ko.
"Brye, iniwan na tayo ng tatay mo" ani ni mama na umiiyak.
Sa sinabi ni mama sobrang sakit sa kin dahil kala ko hindi kami iiwan ni papa, kala palagi sya nandito sa tabi naman yun pala sumama sya sa iba nyang babae, nalaman ko ito ng sinabi ni mama. Iniwan nya daw kami dahil sa babae nya. Walang kasing sakit ang naramdaman ng isang batang katulad ko ng anim na taong gulang noon.Tapos ngayon may gana pa syang bumalik. Sa tuwing naalala ko yun, napapaluha ako kasi hanggang ngayon masakit pa rin sa akin.
"Oh!! Ate nandyan ka na pala".
Tuwang-tuwang sabi ni Justin.
"Ate ate, si papa nandito na". Dagdag pa nito.
Sabay tingin sa kanya ng kanyang ama at ngumiti.
"Brye, anak ang laki laki mo na" may tuwa at naluluhang sabi ng tatay nya.Feeling nya bumabalik lahat ng sakit na matagal nya ng gustong kalimutan. Pero hinding hindi ito natatanggal sa isip niya. Naaalala nya pa rin ito ng paulit-ulit. Akmang lalapit ito sa kanya upang yakapin sya ngunit umiwas sya at pumunta sa nanay niya sa kusina. Nagluluto ito.
"Nak, Brye nandyan yung papa mo ha!!" Masayang sabi sa kanya ng mama nya.
"Ahm!! Opo na kita ko po, sige na ma!! Akyat muna po ako sa kwarto, napagod po kasi ako eh!!" Ang sabi ko habang pinipigilang pumatak ang luha ko.
Mabilis kong tinungo ang hagdan at mabilis itong inakyat. Dali-dali akong pumasok sa kwarto hindi na kaya ng mata ko pigilan ang luhang gusto nang makawala kanina pa. Ayan tumulo na sya. Bakit pa kasi kailangan nya pang magpakita sa amin??? At tsaka hindi na namin sya kailangan no!!, naalala ko noon yung panahon na kailangan ni mama ng pera para sa panganganak kay Justin wala sya. Naghirap kami dahil sa kanya dahil iniwan nya lang kami sa ere ni mama at ng kapatid ko. Dahil sa kakaiyak namaga ang mata at mabilis akong nakatulog."Brye!!! Mahal kita"
Wika ng isang lalaki na hindi pamilyar ang boses, dahilan upang magising ako. Sino ba yun???
At sinasabing mahal nya daw ako.
Isang lalaki ang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. At sinabi ulit ang katagang sinabi nya kanina.
"Brye!!! Mahal kita"
Inangat ko ang aking mukha at tiningnan kung sino ang nagsasalita ngunit wala itong mukha."Ate, ate"
Nagising ako nang may umuuyog sa balikat ko. Pagkamulat ko ng mata, si Justin lang pala.
"Ano ba Justin panira ka ng moment eh!!" ang sabi ko sabay kamot ng ulo.
"See ate, now that you know the feeling of that. HAHAHAHAHA" tawa na may halong pang-aasar na sabi nito.
"Oh!! Sige na sige na, bumaba ka na doon at maliligo na ako".
Bago pa man ito lumabas ay bumalik ulit ito.
"May kailangan ka ba, Justin???" Tanong ko dito
"Ahm!! Ate bakit hindi mo nga pala pinansin si papa???" Pagtatanong nito
Hay!! Justin kung alam mo lang ang ginawa ng magaling na tatay natin nun.
"Ahm!! Nakaramdam kasi ako ng antok kagabi, kaya wala akong gana. Oh!! Sya sige na at bumaba kana dun". Walang ganang sabi ko.
"Okay po, ate" mabilis nitong sagot.

BINABASA MO ANG
Past or Present
RomanceSino nga ba ang pipiliin mo kung ikaw si Brye... your past guy or your present guy???