Chapter 1

12 0 0
                                        

"Brye!!! Hay! Naku anak, bumangon ka na dyan at malalate ka na".
"Opo ma!!" Ani ko.
Hay!! Kahit kailan talaga si mama palaging nasigaw, pero kahit ganyan yang nanay ko supportive at napakama-alagain naman yan.
"Brye!, pakigising na rin yung kapatid mo ha!! Aba't tulog mantika pa yang kapatid mo!!"
(Natatawang sabi ng nanay nya)
"Opo ma!!" sigaw ko
Hay!! Kahit kailan itong kapatid ko, tulog mantika pa rin.
"Justin, gising na at may pasok pa tayo".
"Mmmmmm, mamaya na ate" ani nito na tinatamad
"Aba aba anong mamaya na ha!! Anong oras na oh!! Hindi ka pa nga nakakaligo at nakapag-ayos, anong mamaya na".
Hay!! Kung hindi ka pa babangon ng 1 mins bubuhusan talaga kita ng malamig na tubig para gumising ka (pabulong na sabi ni Brye)
"Isa,dalawa. Naku Justin huwag mong paabutin ng tatlo kasi alam mo na yung gagawin ko".
"Ate naman eh!!".
"Huwag ka na mag reklamo ha!!".
Biglang tumayo si Justin at nagdadamog na pumasok sa banyo.
"Very good at marunong ka rin palang sumunod. Pagkatapos mo dyan bumaba ka na at kumain ha!! Bilisan mo at ako pa ang malalate ng dahil sayo eh!!". Ani ko dito na pasigaw.
Pagkababa ko ay naamoy ko ang luto ni mama na adobo, aba at paborito ko yung adobo na niluluto ni mama, special adobo na siya lng ang makakaluto at nag-iisang masarap para sa akin.
"Ma!! Ang sarap naman ng niluluto niyo".
"Aba syempre, kasi paborito ng anak ko". (Sabay halik sa aking pisngi)
"Thank you Ma!! Ang sweet sweet talaga ng mama ko no!!".
"Syempre ako pa, Tama na ang bula Byre kumain ka na dyan at para makapasok ka na. Tinawag mo na ba si Justin???".
"Opo Ma!! Pababa na rin po yun".

"Oh!! Justin kumain ka na at ilang oras na lang ang natitira".
"Opo Ma!!"
"Kay aga aga naka busangot yang mukha mo ha!!".
"Naku! Ma, hindi ka na ba nasanay dyan sa anak mo, palaging nakabusangot yan tuwing umaga".
"Eh!! Paano ba naman si ate ma!! Palaging wrong timing pag ginigising ako".
"Abat ako pa ang sinisisi mo, mabuti ngang ginising ka".
"Hoy!! Tama na yan. Maaaway nanamn kayo at ang aga aga pa para dun ha!! Bilisan nyo ang pag kain dyan".

Brye's Prove
Hay!! College life. Balik school ka nanaman Brye. Makadaan nga ng bulletin. Ano kaya section ko???
Nandito na ako sa bulletin. Ang dami namang tao. Nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko. Pagkaharap ko.
"Brye!!!" ani ni Kath
"Brye, nandito ka lng pala". Sabi ni Rain
Yung dalawang kaibigan ko lang pala. Kala ko kung sino eh!!
"Hoy!! Brye, ano bang nangyayari sayo ha!!"
"Baka hinihintay si ano---".
Bago pa man masabi ni Kath ang pangalan ay dumating na ang taong iyon.
"Brye!!!!"
Sabay yakap sa akin. Itong lalaking to!! Parang matagal na hindi kami nag-kita. Grabe makayakap eh!!
"Ano Brye?, anong section nyo?? Sana mag kakaklase pa rin tayo"
Tuwang-tuwang sabi ni Matt
"Sana nga Matt"
"Tara tingnan na natin yung sections". ang sabi ko
"Tara!!" sabi ni Matt
Sabay hila ni Matt sa akin papunta sa maraming tao at nakipagsiksikan. Nasa likod ko naman sina Kath at Rain na kinikilig ang dalawang buang. Nagulat ako ng biglang napasigaw si Matt.
"Yeeeesssss!!! Mag kakaklase tayo".
"Talaga?, kung edi okay". Ang sabi ni Kath
"Hoy!! Brye sabay snap ng kamay nya sa mukha ko. Ano ba ang nangyayari sayo??? Hindi ka ba masaya na classmate pa rin tayo??".
Nagising ako ng mag snap si Matt at nagtanong. Nag iimagine lang naman kasi ako ng mga bagay, yung bagay na matagal ko ng gustong mangyari. Yung liligawan ako ni Matt. Ewan ko bakit yun yung iniisip ko. Napaka assuming mo talaga Brye. Pagtapos nun narining ko na lng ang snap ni Matt sa mukha ko.... Impernes ang bango ng kamay nya hehehe.
"Brye!!! Brye!!!".
"Ah!! Hehehe oo, syempre masaya". ang sagot ko sa kanya habang wala pa rin sa katinuan.
"Hays!! Tayo na nga sa classroom".
Hinila nya nanaman ang kamay ko papuntang classroom namin.

Pagpasok namin may mga estudyante na rin ang naka pwesto sa mga kani-kanilang upuan. At may mga estudyante ding nakapalibot at nag-uusap. Ouch!! Bakit ba ako nauntog. Tiningnan ko si Matt na tumigil habang hawak parin ang kamay ko. Pag katingin ko sa kanya may narinig akong pamilyar na boses. Parang kilala ko to!!
"Oh!! Hi, Matt dito ka na umupo sa tabi ko. Sinave kita ng upuan oh!!" Si Yana.
Aba-aba may gana pang mang-imbita tong babae na to!! Sarap sipain ang mukha. Alam naman nya na ayaw ni Matt sa kanya pinapipilitan nya pa rin.
"Sorry Yana, may seat na akong nakita eh!!". ani ni Matt
Biglang sumimangot ang mukha nitong tiningnan sya at tinarayan.
Aba-aba may gana pang manaray itong babae na to!! Buti nga sayo no!!. Sa likod may nakita si Matt na bakanteng upuan. Buti na lang mayron pang apat na upuan sa likod. Umupo na kami.
"Hoy!! Brye, nakita ko yung pagtataray sayo ng Yana na yun ha!! Kung ako sayo dapat tinarayan mo rin." Sabi ni Kath habang nanggigil.
"Hay!! Sinabi mo pa. Nanggigigil ako dyan sa babaeng yan. Sarap sabunutan". Ang sabi naman ni Rain.
Bulong nilang dalawa sa kin.
"Hay naku, hayaan nyo na yan". Ang sabi ko naman sa kanila. Pagkatapos nun eksaktong dumating ang teacher namin.

Past or PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon