Chapter 6

6 0 0
                                    

Brye's Prove
Pagkagising ko ay nag ready agad ako. Kailangan kong pumunta ng school ng maaga for preperation for the clubs. Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis ng t-shirt at palda na fit (maong style). T-shirt ng student council, sa baba nito ay ang club namin at ang sa likod pangalan namin. Pagkatapos ay bumaba na ako upang kumain.

"Ang aga natin ngayon anak" ang salubong ni mama sa akin.
"May mga aasikasuhin lang po ma!!" ang sabi ko.
"Naku!! Huwag magpapagod Bryelle ha!!. Alam mo naman na may sakit ka sa puso". Paalala nito sa akin.
"Ma!! Huwag po kayong magalala. Kaya ko po alagaan ang sarili ko". Proud na sabi ko.
"Alam ko naman iyon. Pinapalalahanan lang kita anak".
Inilapag na nito ang ham at bacon na niluto sa lamesa pati na rin kanin. Kumain ako ng kumain. Hehehehe paborito ko kasi ito eh!! Lahat na lang ng pagkain masarap para sa akin.

"Ma!! Wala po bang pasok si Justin???" pagtatanong ko.
"Mamaya pa yung pasok nun. Kaya hanggang ngayon tulog mantika sa kwarto". Sabi nito at napatawa namang kaming dalawa.
Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kay mama at saka lumabas na para pumunta ng school. Well sa narinig niyo kanina. Tama yun hahaha may sakit ako sa puso since bata pa ako. Pag sobrang nagpapagod ako o kaya pagsobrang nagugulat ay nahihimatay ako. Ewan ko sensetive kasi puso ko hahaha may butas na kasi ito kaya ganun na lang talaga ang epekto. Habang naglalakad ay natanaw ko si Matt na palabas pa lang ng gate nila. Nang makalabas ito ay sinalubong niya ako.

"Good Morning Friend, my friend" nakingiting umakbay ito sa akin. Well wala namang malisya yun kasi kaibigan kami pero kinikilig lang ako. Hindi naman grabe yung kunti lang.
"GM rin. Ano nakapili ka na ng club na sasalihan???" pagtatanong ko.
Bago ito magsalita ay tumingin muna ito sa suot kong damit. Anong mayroon dito.
"May problema ka ba sa damit ko ha!!" sabay kalas sa pagkakaakbay nito.
"Wala, wala naman. Masama bang tumingin ha!???" ang sabi nito sabay akbay uli sa akin.
Problema ng lalaking to!!
"Uy, nakalimutan mo ata sagutin yung tinatanong ko"
"Siguro sa Sports Club" ang sabi nito.
"Ha!! Sinasabi na nga ba na sa sports club ka talaga sasali eh!!" ang sabi ko.
Since high school kami mahilig na talaga si Matt sa Sports lalong lalo na yung basketball naging part siya ng mga varsity team at sumasabak sa mga laban. Syempre nanonood ako ng mga laban niya. Supportive friend lang hehehehe. Nang makarating kami sa school ay tsaka ko lang naalala kung bakit hindi nito kasama si Pia??? Ano kaya ang nangyari???.

"Matt nasaan si Pia??? Bakit hindi kayo magkasama???" pagtatanong ko.
Natigilan naman ito at tumingin sa kawalan.
"Wala na kami ni Pia. Bumalik ulit siya sa Canada. Kahapon niya pa kinuha yung mga files na kakailanganin niya para makapag transfer ulit siya doon" malungkot na sabi nito habang nakatingin pa rin sa kawalan.
"Ha!! Wala na si Pia" gulat na sabi ko.
"Oo" matipid nitong sagot at tumingin sa akin.
"Tara na, pasok na tayo" pag-aaya nito sabay hila sa akin.
Natigilan ako ng biglang naalala ko na may aayusin pa pala ako sa club room namin.
"Wait!! Matt mauna kana sa room. May aayusin pa ako sa club room namin eh!" Sabi ko sabay kalas sa kamay nito. Kailangan ko pa palang ayusin yung welcome. Hays!! Masyado kasi akong nagulat sa bilis ng nangyari sa kanila Matt at Pia. Nang makarating ako ng room ay nagulat ako ng ayos na ang welcome at nakadikit na ito sa pinto. Nakadikit na pala. Sino kaya ang gumawa???. Nang pagkapasok ko sa loob ay natanaw ko si Adrian na hawak ang camera. Nang makapasok ako ay napatingin naman ito sa gawi ko. Siguro napansin niya yung presensya ko kaya ganun. Nabigla na lang ako ng itutok nito sa mukha ko ang camera nito at sabay pinicturan ako.

"Anong ginagawa mo?? Adrian burahin mo yun!!" sabi ko sabay lapit dito. Ngunit tumawa lang ito.
"Hays!! Adrian naman eh!!" Sabi ko habang nagmumukmok at pinicturan nanaman niya ako. OMG!! nakadalawa na tong lalaking to ha!! Ang pangit pa naman ng itsura ko doon.
"Adrian, burahin mo yan" naiinis na sabi ko. Ngunit walang pakialam ito. Tawa pa rin ng tawa. Hays!! Isa, dalawa pag ako. Nang magbilang ako ng tatlo pinicturan niya ulit ako. Hays!! Tumakbo ako sa kanyang gawi para agawin ang camera.

Past or PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon