Chapter 8

4 0 0
                                    

Brye's Prove
Kinaumagahan.
Oo nga pala walang pasok ngayon. Nakalimutan ko lang XD. Cause it's Sunday hehehe. Maaga pa lang pala. syempre dahil sunday. Lord's day kaya dapat nagsisimba tayo. Hindi natin dapat kalimutan na magsimba tuwing linggo. Dahil kung iisipin niyo once in a week lang dumadating itong Sunday/Lord's day.  So that means isang araw lang naman ang hinihingi ng Diyos sa atin. Dapat sinasamba natin siya at magpapasalamat sa lahat ng nagawa niya sa atin kahit hindi naman tayo deserve para doon.

"Brye, tapos ka na ba??. Bumaba kana" ang sabi ng mama ko
"Opo ma. Tapos na po" ang sabi ko.
Mabilis lang talaga ako maligo at mag-ayos.
Bumaba na ako at syempre kumain. Nang matapos kumain. Syempre magtotoothbrush at maghugas ng pinagkainan. At ng matapos namin ang lahat. Sumakay na kami ng kotse ni mama. Syempre sa likod ako kasama ang kapatid kong naglalaro. Habang ako naman syempre pa music. Masarap kasi mag music pag nababyahe. Mga ilang minuto ay narating na rin naman ang church. At nang makapasok kami ay may nakita ako yung mga kaibigan ko. Si Matt at Sina Kath at Rain.

"Ma!! Doon po muna po ako kanina Kath" pagpapaalam ko.
Tumungo lang ito. Naglakad na ako papunta sa inuupuan nila.
"Hello, Goodmorning sa inyo" masigla kong sabi sa kanilang tatlo.
"Goodmorning din Brye" bati ni Kath sa akin.
Umusog naman ito. Syempre si Matt pala kaming magkatabi.
"Oh!! Bakit nakasimagot ang kaibigan kong aso" sabi ko. Sabay tawa namin nina Rain.
"Wala" matipid nitong sagot.
"Anong wala. Kitang kita oh!!" sabi ko sabay turo sa mukha nito.
"Alam kita Matt. So tell it, alam ko naman pagnakasimangot ka ay may problema ka. Kay aga aga naka busangot na yang mukha mo. Lalo na't nasa simbahan ka pa naman hindi maganda yun" ang sabi ko.
Hindi ito umimik. Mamaya na lang makikinig muna ang ako sa preaching. Mga ilang oras rin ay natapos na ang preaching. Pagkalabas ay agad kong kina-usap si mama.

"Ma!! Mamaya na lang po ako uuwi" pagpapaalam ko dito.
"Saan ka pupunta???" pagtatanong nito.
"Kay nina Kath at Rain po ma!!" ang sabi ko.
"Okay" matipid nitong sagot

Hindi naman talaga ako pupunta kay na Kath at Rain. Gusto ko lang kausapin si Matt. Dahil these past days wala kaming mga communication parang nasa ibang bansa lang no!! XD, marami kasi akong ginawa.

"Matt!!" tawag ko dito.
"Bakit???" pagtatanong nito.
"Halika" sabay hila ko dito.
"Bye girls" sabi ko kay na Rain at Kath.
"Bye Brye. Ingat" sabi nilang dalawa

Hinila ko si Matt sa kotse nito.
"Anong gagawin natin. Brye???" pagtatanong uli nito.
Hindi ko ito sinagot.
"Susi mo akin na" sabi ko.
Binigay niya naman agad ito. Habang nag dadrive tahimik lang kami. Saan ko dadalhin si Matt sa lugar na pinupuntahan namin nung high school. Naalala ko tuloy.
Flashback.

"Hoy!! Matt saan mo ba ako dadalhin???" pagtatanong ko.
"Basta. Sigurado akong ikakatuwa mo to!! Ayaw kita kayang nalulungkot kaya dadalhin kita sa masayang lugar" sabi nito na nakangiti ng malaki
Nanahimik na lang ako. Paano ba naman ako sasaya kung muntik na akong mapa guidance dahil sa pakikipag-away. Paano ba naman kasi sumisingit sa pila yung babae na yun sa harap ko pa ha!! Kaya pinagsabihan ko.

"Miss!! Kita mo bang may pila oh!!" Sabi ko sabay turo sa mga kahelera ko.
"Anong pakialam ko" sabi nito.
Aba sinusubukan mo talaga ako ha!!.
"Miss alam mo hindi lang naman ikaw ang kakain diba. Kaya marunong ka namang pumila ha!! Sinisingitan mo lang yung naunang pumila eh!!" Sabi ko sa naiinis na tuno.
"Anong sabi mo hindi ako marunong pumila???" Sabi nito na hinarap ako.
Sinabunutan ako nito. Siya pa ang mananabunot ha!! Gumanti ako. Hinigpitan ko ito. Naiinis kasi ako sa babae kanina pa. Kaya inilabas ko ito. Akala mo ha!! Bunuhusan niya ako ng juice. Ganun pala ang gusto mong laban. Ito bunuhusan ko siya ng spaghetti. Ayan. Inawat kami nina Matt at ang mga kaibigan nito.

"Ano ba tama na" sabi ni Matt.
"Ito naman kasi Matt eh!!" Sabi ng babae habang naglalandi kay Matt. Aba aba may alam pang ganyan kung tudusin ko kaya siya dyan.
"Pagpasensyahan mo na tong bestfriend ko miss. Nagagalit kasi yan dahil may ginawa kang mali sa kanya. Sa susunod matuto kang pumila ha!!" mahinahon na sabi ni Matt.
Hindi umimik ang babae dahil sa kahihiyan. Kaya umalis ito.

Kaya ito ang nangyari sa damit ko nangangamoy juice. Buti na lang walang teacher. Ayaw ko talagang magkaroon ng record sa guidance. Masisira yung pagiging honor roll ko. Ayaw ko nun. Hindi lang talaga ako makapagpigil sa babaeng yun eh!! Sibrang nakakainis.

"Oh!! Nandito na pala tayo" sabi nito sabay baba at pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makita ko ay namangha ako. Wow!! Ang ganda ng dagat lalo na't pababa na ang sinag ng araw. Sunset ang ganda talaga nitong tingnan.
"Ano maganda ba???" pagtatanong nito.
"Oo ang ganda" sabi ko.
"Alam ko naman na paborito mo yung mga landscapes. Lalo na yung mga dagat at sunset. Kaya dinala kita dito" sabi nito.
"Hays!! Ang sweet talaga ng bestfriend ko" sabi ko.
"Syempre. Basta para lang sayo" sabi nito sabay upo sa tabi ko. Symepre inenjoy ko yun ang ganda eh!! At favorite ko ba.
End of Flaskback

Kaya ngayon ako naman ang babawi. Still doon pa rin na lugar kasi maganda talaga doon.

"Nandito na tayo" sabi ko.
"Dito mo ako dinala" sabi nito.
"Bakit may problema ka ba dun???" Sabi ko.
"Wala naman. Naalala ko ikaw yung dinala ko rito. Bad trip na bad trip ka nga eh!!" Sabi nito sabay tawa.
"Ayan buti naman tumawa ka na. Ayaw ko rin kasi nalulungkot ang bestfriend ko" sabi ko habang kinukurot ang pisngi nito.
"Thank you Brye ha!! Always cause you're not leaving me no matter what. Thanks for keeping that promise since we were young" sabi nito sabay sandal ng ulo nito sa balikat ko.
"Your welcome. I will always here for you if you need me. And also thanks for all" sabi ko.

Matt's Prove
Sa kasalukuyan nakasandal ako kay Brye ngayon. Ang sarap naman ng feeling na may kaibigan akong ganito. Buti pa siya never niya ako iniwan since pero si Pia. Ganun ganun na lang. Nang-iiwan ng basta basta.

"Kamusta naman pala yung club niyo. Busy na busy ka kasi these past days" sabi ko.
"Ahm!! Okay naman. Na hahandle naman namin ni Adrian" sabi nito.
Adrian??? Ah!! Adrian yung kapartner niya sa club.
"Mas gwapo ako doon no!!" Sabi ko.
"Hoy!! Feelingero ka rin no!!" Sabi nito sabay tawa at binatukan pa ako. Kahit kailan talaga tong si Brye mahilig mamatok. Sumimangot na lang ako, tingnan ko kung uubra.

"Grabe siya oh!!" Sabi naman nito
"Syempre gwapo ka" dagdag pa nito.
"Totoo ba na ako lang ang gwapo sa paningin mo???" Sabi ko ng pabiro.
"Buang ka Matt. Grabe ka naman sa paningin. Paningin ko talaga. Marami namang gwapo dito, pero karamihan bulag" sabi nito.
May hugot ata tong babae na to!! Kaya mahal ko to eh!! as a friend syempre .Ooopppsss masyadong advice para sabihin yun pero nasabi ko na. Joke XD.

"Bakit naman bulag, grabe naman yun" sabi ko.
"Bulag sa mga bagay bagay. Nandyan na nga sa tabi but still hinahanap iba" sabi nito
"Aba humuhugot ka na ha!!. Sino ba yung tunutukoy mo???" sabi ko.
"Wala yung babaeng kakilala ko sa club. Ganun daw yung nararamdaman niya kaya hehehe share ko lang" sabi nito at nag peace sign.
Hays!! Ang ganda niya talaga since. Lalo na pag tumatawa siya. Ewan ko kung ano ba ang pinagsasabi ko pero hindi ko iyon maikakaila.

"Oh! Tayo na. Hapon na oh!!" sabi nito sabay turo sa sunset na pababa na.
"Sige. Ako na ang mag dadrive ha!!" Sabi ko dito.
"Okay" matipid nitong sagot

Habang nag dadrive kami tahimik lang itong nakikinig sa music. Naka headset hehehe. Paborito niya kasi yung nature kaya na eenjoy siya. Tahimik lang pag feel niya yung peace at namamangha rin ito. Mga ilang minuto rin ay nakarating na kami sa bahay nila.

"Bye Brye. Thanks for the moment" sabi ko.
"Bye Matt. Move on na ha!! If you need something, you know what to do" sabi nito sabay kindat.
Natawa naman ako. Buti na lang mayroon akong kaibigan na katulad niya. Kaibigan o kaibi-gan. Sabi ng utak ko. Hays!! Utak naman eh!! Pero ewan ko. Diba gusto mo na siya since. Dugtong nanaman ng utak ko. Okay, okay. Yes gusto ko siya since.Pero. pero hindi ko lang maamin. At baka masira yung friendship namin. Tumigil ang utak ko sa kaka response nang. Nandito na pala ako sa bahay. Pagkababa, dumeretso agad ako ng kwarto at binuksan ang komputer ko. Pinindot ko ang photo files at lumabas lahat ng nasa files nun. Syempre may password kaya walang nakakabukas nito except sa akin. Lahat ng photos puro kami ni Brye simula pagkabata hanggang ngayon. Well since crush ko na talaga siya. Pero torpe ako nun. Until l met Pia. Niligawan ko si Pia nung highschool. Nimahal ko naman ito. Dahil torpe ako at ayaw ko lang masira yung relationship naman ay hanggang ngayon hindi ko ba alam kung aamin ako. O kailan ako aamin. Kala ko si Pia na ang para sa akin at handa akong kalimutan ang nararamdaman ko kay Brye, pero nagkamali pala ako. Mali pala. Hanggang ngayon still gusto ko pa rin siya. Kakaiba talaga si Brye, kasi siya understandable at higit sa lahat hindi niya ako iniwan. Kahit ano mang nangyari still she's here. Sa ngayon. Ang tamang gawin ay umamin na. Pero magiipon muna ako ng lakas na loob para gawin yun. Sana masabi ko na.

Past or PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon