Melody I

103 2 0
                                    

TEN

Pagkapasok ni One sa aking condo, napatingin agad siya sa litratong naka-stand malapit sa kama ko.

"One, hindi ko alam na may litrato ka nating dalawa..." natawa siya ng makita ito, parang hindi kapaniwa-niwala sa kanya na may childish side padin ako kahit papaano. Pumunta agad ako dito sabay kuha sa litrato, tawa padin ito ng tawa sa unang nakita niya sa room ko.

"Hindi ka padin nagbabago Ten" pagkahiga na pagkahiga niya sa kama ay ngumiti ulit ito.

Sa isip-isipan ko paano ko masasabi sa kanya 'yung totooa ang lahat ng nangyayari ngayon dito sa bansa bago pa siya bumalik.

"One..." tawag ko ng mahina sa kanya, hindi ko naman agad nahalata na nakatingin na pala siya sa akin.

"Hindi ko alam ang nangyayari at bakit pinabalik ako dito sa bansa" napalingon ako sa kanya ng sabihin niya ito. Wait, ibig sabihin hindi siya ang kusang bumalik dito?

"Kahit ako naman nagulat, I mean may dalawang letra akong nakuha padala ni papa, and the one is a plane to go back here, hulaan mo Ten ano 'yung isang letter?".

Hindi ko ito masagot, iniba ko agad ang topic na pinag-uusapan namin. Tumayo naman si One sa kama at parang may kukunin yata sa kanyang napaka-daming maletang dala nito.

"This is 2nd the letter na sinasabi ko" napatingin ako sa kanya at nakita kong may logo ng Leonhart family ang seal ng letter na hawak ni One. I don't understand ano ito, at para saan ba ito. Is it connected sa akin or not?

"It's Leonhart's family invitation, the head of the family which is Sir Van invited our family for his 63th birthday." sabi ni One, lumapit naman siya sa akin para ipakita ang nasa loob ng letter.

"Challenge Invitation?" nagulat ako ng mabasa ito, bakit nila hahamunin ang Schezarde versus Leonhart? Normal Party is fine pero ba't may pasabog pa?

"Sa pagkakakita mo nga it's not a normal invitation. At ang plano ni father ay ako at ikaw ang isalang sa laban." sabi ni One sa akin. One will be my violinist and I will be the pianist? Hindi naman sa ayokong makisama kay kuya, pero his power is too much compare to my level. He's the 14th Legendary Violinist that everyone appreciate and supports.

"Ano ayaw?  I heard pa naman na your getting competitive these days, pero parang wala padin namang pagbabago...?" malakas na sinabi ni One sa akin, after that serious conversation namin ay tinawagan agad ni One si father to pick up him in my condo. Lumabas sandali si One sa kwarto, it feels like he gave me a chance to think about the challenge invitation. Pwede ko naman kasing ayawan 'to, pero... this is for my sake too, kailangan ko ng taong makikinig sa piano ko. 

NEXT DAY

Plano kong hindi pumasok pero biglang pumasok sa isip ko na may gagawin pa ako in the campus, alam kong pabalik balik ako pero this is very important talaga for every students. 

Napaayos ako ng damit, before akong umalis nag-iwan ako ng notes kay One na nag-overnight kahapon na If ever na mag-sstay pa siya for today. Paglabas ko ng building nakita ko na naghihintay dito si Manager Alex and Coach Zart, I already call him kanina pero parang napakabilis ata nilang pumunta. Mas mabilis pa yata itong dalawa sa daga kung ipang-kakarera mo.

After 20 minutes...

GYM
Sakto ako sa oras, nakita ko si Lucas na naghihintay din kumakaway ito habang may isa pang seats sa tabi niya.

Kung tatanungin what is this all about, It's a competition opening sa university namin na tinatawag bilang "Musika Festival".

This year's musical concept is about love, kinakailangan dito ng 1 student from Violin and 1 for the Piano department. The head will soon announce our partners from this year, since they decide and control the pairing system. Malaki laki naman ang magiging reward dito of course merong cash pero ang kailangan ng lahat ng musikero ay audience. The winner can perform in the Ampey Theater na kinikilalang pinaka-malaking stage dito sa pinas.

Lost PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon