Chapter Seven:

113 18 1
                                    


I am your worst nightmare my Princess Aurora. Just close your eyes and I shall be there to kiss you.

"IKAW!!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Hindi sya makapaniwala sa nakikita. Bakit nandito ang lalaking ito?

Humahangos na nagbukas ang pinto ng kwarto ni Daniel. "Anong nangyayari dito?" tanong nito na halatang kagigising lamang. Dali-daling nag-iwas ng tingin si Bella. Pano ba nama'y lumabas itong topless at nakaboxer lamang. Para sa kanya'y nakakailang yun lalo pa't sadyang nahuhumaling sya matipunong katawan ng binata. Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang kanyang magulong buhok at ang naniningkit nitong mga mata.

"Tyron? Anong ginagawa mo dito?" Baling muli ni Bellla sa lalaki. Bigla ba naman kasi itong lumabas na nakaboxer din. Hindi na maikaila ni Bella ang pag-iinit ng kanyang mukha, dalawang nagwagwapuhan at matipunong kalalakihan ang nasa kanyang harapan. Lamang ay mas maganda ang pagkakahubog ng katawan ni Daniel kesa kay Tyron.

Yumuko na lamang sya sapagkat hindi nya alam kung saan titingin. "Don't mind him Bella" seryosong wika ni Daniel.
"Oh, Bella right? By the way my name's Tyron Guevarra,Daniel Guevarra's stepbrother" napatirik ang mga mata nya. Ngayon nya lamang iyon napagtanto. Guevarra ang apelyido ni Tyron samantalang gayundin ang apilyedo ni Daniel.

Crap! Is this for real? Magkapatid sila?

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat, stepbrother sya ni Daniel. Marami syang gustong tanungin subalit hindi iyon maganda para sa posisyon niya.
Naglahad ng palad si Tyron , tangkang aabutin pa lamang sana ito ni Bella nang bigla syang pigilan ni Daniel. "No one can touch her, cause she's mine-only mine.." bakit parang napaka possessive naman ata ng binata na kahit sa pakikipag-kamayan lamang ay hindi sya pumayag. Gayong wala naman silang kahit anong relasyon ng dalaga.

Napakunot-noo si Bella. Nakakairita mang marinig iyon hindi nya alam kung bakit parang kinilig sya sa winika ng binata. Hinawakan ni Daniel ang kanyang kamay at iginiya papunta sa kanyang kwarto.

"Don't go near him, he's a bastard okay? As I have said you're mine-only mine?"

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?" nahihiyang usisa ni Bella. Umupo ang binata sa kanyang malambot na kama at sumandal. "I m-mean, akin ka lang kasi..... you're my personal assistant, diba?" halatang nag-isip pa ang binata.

Bella rolled her eyes. "Kahit shakehands lang? " tanong nya tsaka umupo din sa kama. "Never even do that" sagot nito tsaka umiling-iling.

Napasinghal na lamang sya tsaka nagmuni-muni. Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto hanggang sa napag-isipan ni Bellang basagin ito. "Stepbrother mo ba talaga sya?"

"Yeah, pero mas gwapo ako sa kanya"

"Sira! Seryoso nga, alam ko namang wala ako sa posisyon para magtanong. So aalis na ako maiwan na kita dyan" sagot niya tsaka tumayo. Hindi nya sinubukang tapunan ng tingin si Daniel sapagkat alam nyang hindi iyon kanais-nais dahil tanging boxer lamang ang suot nito.

Inihakbang nya ang kanyang mga paa at hindi pa man sya nakakadalawang hakbang nang biglang may humatak sa kanyang mga braso. Sa di inaasahan, nadulas sya at wala na syang ibang nagawa kundi ipikit ang kanyang mga mata na siyang karaniwan nyang ginagawa.

0×0

Idinilat nya ang kanyang mata, ramdam nya ang mainit na katawan ng binata kung saan sya nakapatong. Magkadikit ang kanilang katawan at halos mapatid ang hininga ng dalaga sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang katawan na nasa kanyang harapan na itinuturing nyang perpekto ay hawak-hawak nya ngayon. Ibinaling nya ang kanyang paningin sa binatang nakangiting nakatingin sa kanyang mga mata. Para itong nangungutya.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon