Chapter 22:

125 14 0
                                    

"SIGURADO ka ba talaga dyan sa desisyon mo anak?" tanong ng kanyang ina habang nag-eempake si Bella ng kanyang mga gamit.

"Doon na muna po ako, baka sakaling lumipas din 'tong galit na nararamdaman ko sa inyo at kay Daniel." litanya nya tsaka umupo sa kanyang kama.

"Paano si Daniel? Hindi mo man lang ba sya kakausapin?"

Muli syang napabaling sa kinaroroonan ng sketch painting ng pagmumukha ng binata.
I miss him so much but I should stop this 'cause he's a liar.

"Hindi ko na po kailangan 'yun." sagot nya.

Inaamin nyang may nararamdaman syang galit sa kanyang ina at sa kanyang kapatid ngunit alam din nyang hindi iyon tama kaya nga't napagdesisyunan nyang pumunta sa Korea at doon na lamang nya palilipasin ang kanyang nararamdamang sama ng loob.

"Prinsesa ko, mag-iingat ka doon ha." paalala sa kanya ni Clyde na nakasandal sa pinto ng kanyang kwarto.

Tumango-tango lamang sya.

"Ate, huwag ka napong iiyak doon ha. Pangako yan."

Lumapit sya kay Brix tsaka nya ito niyakap. "I promise... "

"Bella, there's one more thing we would like to tell you..." nakayukong wika ni Clyde.

Napabaling sya ng tingin sa kanyang ina, at gaya ng kanyang kuya ay nakayuko din ito.

"Ano yun?" takang usisa ni Bella. Kinakabahan sya sa ikinikilos ng mga ito.

"Bella, sorry... Sorry ija, napakatanga kong ina..." nagsimula itong humagulgol.

"Ma, ano ho ba iyon?"pag-uulit nyang tanong.

"Si Brix..."

"Hah? Ano pong meron kay Brix?"

"... Anak mo sya, anak nyo ni Daniel."

Time stopped at tila nanghihina ang kanyang mga tuhod dahilan para mapaluhod sya. Parang kung anong bagay ang tumusok sa kanyang puso na dahilan upang umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Ma, paano? P-aano p-po?" hagulgol nya habang nakapikit.

"One week matapos kang saktan ni Daniel nang malaman naming buntis ka. Kaya naman inalagaan ka namin hanggang sa mag-walong buwan ang pagbubuntis, pero dahil hindi mo matanggap na ikinasal na si Daniel, ang tatay sana ng magiging anak mo kaya naglasing ka ng gabing iyon... You were hit by a car, at akala namin patay ka na but then nang magpunta kami sa hospital... Ang sabi nila'y nailabas nila ng ligtas ang bata.. Pero ikaw, malakas daw yung pagkakabangga mo kaya na choma ka for 2 weeks at nang magising ka wala na ang ala-ala mo... Ni hindi mo nga kami kilala noon e." patuloy sa pag-iyak ang kanyang ina habang nagkwekwento.

"Doon ako naging mahina at duwag... Tanging ang alam ko lang na solusyon ay itago sa'yo ang lahat. Patawad anak..." dagdag nito.

Agad nilapitan ni Bella ang kanyang anak na si Brix tsaka nya ito niyakap. "Andito na ang m-mommy b-aby Brix ko..." tanging litanya nya habang mahigpit na yakap-yakap si Brix.

Tila ba wala na syang pakealam sa mga paliwanag ng kanyang ina ang tanging alam nya lang ngayon ay wala ng hihigit pa sa yakap ng isang anak. Hindi nya mawari kung bakit tila napuno ng saya ang kanyang puso, wari'y tila pilit nitong sinasakop ang puso nyang binabalot ng galit.

"Mommy? I don't have a mom 'diba lola?" tanong ni Brix sa ina ni Bella.

"You do have Brix... Sya ang mommy mo." pakli ng kanyang ina.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon