Chapter 05
===========
Glynn's POV
===========K/N : Ayon dahil sa kyut ako na writer magpost ako ngayon ng UD kaya sana'y magustuhan niyo ito.
---------------------
Matapos ng ginawa ko kanina ay dumiretso na ako rito sa library.
Tahimik at wala kasi masyadong tao kaya mas pinili ko nalang ang tumambay dito.
"Oh, Glynn " puno ng insultong sambit ni Ciara na kunwari hindi niya alam na narito ako.
As if hindi ko siya nakitang sinusundan ako kanina.
"What about now?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Congrats" wika nito.
'Congrats nga kasi maagaw mo na naman si Jade.'
Lol, hindi naman naging akin talaga si Jade, diba?
"Makaka-alis kana" wika ko saka binuklat ang aklat na aking kinuha kanina.
"You know what--"
"I don't know anything" pagpuputol ko sakanyang sasabihin.
"Wow, just wow. Kung ako sa'yo babalikan ko si Jade" sabi niya na puno ng sarkastimo.
"Ang kaso hindi ikaw si ako" ganti ko naman sakanya.
"Ok, so akin na si Jade " sabi nito ng may malawak na ngiti sa labi.
"Go sayo na. Hindi kasi ako ang klase ng taong itinapon na pupulutin pa ulit." Nakangisi kong wika saka tumayo at lumabas sa library.
'P*st* baka malasin na naman ako dahil sa mukha ni Ciara' inis na sabi ko sa aking isipan.
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom bigla naman akong napahinto nang makita ko si Jade na nakatayo sa aking harapan.
"Glyyn mag-usap tayo" sambit nito.
"Wala tayong dapat pag-usapan, T'yaka usap lang kasi walang tayo." makabuluhang sambit ko naman.
"Glynn maging matured ka naman mag-isip"
"Nagsalita naman ang matured?" wika ko ng may pang-iinsulto.
"Glynn, ano ba talaga ang problema?" Tanong ni Jade habang may luha pa sa kanyang mata.
'Best actor' wika ko sa aking isipan sabay ngisi.
"Pagod na kasi akong magpagamit sa'yo para lang sumaya ka" walang ganang sagot ko sakanya.
Matagal na akong nagtitimpi para lang hindi mo ako iwan pero mukhang pagod na talaga ako.
Pagod na pagod na Jade."Glynn, hindi kita ginamit" inis na sambit niya.
"Hindi? Lol, narinig ko ang usapan niyo nina Zake and Klent " wika ko naman.
"I--Ikaw iyong nakarinig sa usapan namin?" gulat na tanong niya.
"Oo ako nga. Patawarin mo ako kung itinago ko na narinig ko ha? Kaso sawa na ako ey" luhaang sambit ko saka tumalikod at naglakad na lamang pauwi sa aming bahay.
Mahalaga ka sa akin Jade kaso may mga bagay kasi na kahit sobrang halaga sa'yo kailangan mo pakawalan para maging malaya't masaya ka.
YOU ARE READING
THE VAMPIRES' TRIBE
Vampire"THE VAMPIRES TRIBE" written by: kayewolf_13 'Try to risk your own happiness and fight against your fears' -THE GREAT BIG WAR- (Vampires x Humans and Hunters) Note : All of the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagin...