======== Prologue ========

48 4 0
                                    


========
Prologue
========
Written by : kayewolf_13

Dati kapag sinabi nating 'TRIBE' palaging meron ang pagkaka-isa, tiwala, pagmamahalan, respeto at buo ang sandatahan.

Ngunit ng dahil sa isang malagim na pahiwatig unti-unting nagbago ang lahat.

Nagbago ang bawat galaw ng mga tao, hunters at bampira sa isa't-isa.

"Ina!" tawag ng aking anak sa akin

"Bakit aking anak?"

"Totoo po ba na nag-exist ang mga bampira?" tanong nito sa akin.

"Bakit mo naman natanong aking anak?" malambing na tanong ko rin sakanya.

"Kasi po ina narinig ko mula sa aking mga kaibigan na masasama ang mga bampira" sagot niya sa akin habang naka nguso.

"Anak" malambing na sabi ko.

"Hindi masasama ang bampira sadyang mapanghusga lamang ang mga kaibigan mo." dagdag ko pa.

"Ina?"

"Bakit anak?"

"May panaginip po ako"

"Ano iyon anak?"

"Nakita ko sa aking panaginip ang isang grupo ng mga bampira at hunters. " malungkot na sambit nito.

"Tapos ina naroon kayo ni ama...Hindi ko alam ina ngunit segurado akong ikaw iyong nakahilata na nababalutan ng parang likido na kulay pula. Si ama ay nakita kong nakikipag laban. Samantalang marami ang nasawi sa labanang iyon ina." dagdag niya pa.

Ang 'oracle'...Hindi ito maaari...

Matapos iyon sabihin ng aking anak ay bumalatay ang lungkot at takot ko.

Kung ganoon ay may katapusan na ang aking buhay...

'Darating ang oras na ang anak ko mismo ang magiging kabayaran ng aming tribe.'

darating ang araw na ang munting anghel na ito ang magdurusa para sa aming kapakanan.

Hindi ito maaari...Ang anak ko ay ang pinakamagandang regalong natanggap ko.

Ngunit isang bangungot na nais ko nalang tapusin...Hindi ko kayang tignan na ang anak ko ang magbabayad ng lahat.

Agad ko naalala ang usapan ng aking ama...

F̝l̝a̝s̝h̝b̝a̝c̝k̝

"Krezil makinig ka sa akin!" sigaw ni ama.

"Ama hindi ako papayag na ang anak ko ang magdurusa kapalit ng kasiyahan ng lahat!" na luluhang sambit ko.

"Krezil, wala na tayong magagawa...Hawak ng Climphers ang buhay niya at ang kan'yang hinaharap" sabi nito.

"Ama, pigilan mo sila parang awa mo na po." at sa huling pagkakataon hindi ko napigilan ang maluha...

"Anak, bampira sila at hunters tayo...Ito ang sisira sa samahang ating iniingatan...Kailangan nating isuko ang kung ano man ang meron tayo"

"Anak ko ang usapan ama...Mahirap...Anak ko ang masasaktan"

"Patawarin mo ako anak. Sapag sapit ng kanyang ika pitong taong gulang darating ang oracle...Lilisanin na natin ang mundong ito at maiiwan siya nang mag-isa."

-End of Flashback-

"Ina, huwag kang umiyak...Hindi naman po mangyayari ang aking panaginip ey" malambing na sabi niya saka ako niyakap ng napaka higpit...

Hindi ko alam Glynn dahil ang mundo natin ay iba sa mundo ng tao...Ang panaginip sa iba ay pahiwatig sa atin na nalalapit na ang isang digmaan.

Ang great war between humans & hunters for vampires...I'm sorry my little angel...

-WELCOME TO TVT.-

Dedicated to: Binibining Krisha Wp, Kazumi Tan, Jelo Klein Agorde, Skyler Yumi Abonin, Ej Ace Montefalco, Simple Finah Wp and Necole Dumanig Saladaga...

I hope you like it.

THE VAMPIRES' TRIBEWhere stories live. Discover now