Prelude
“Bakit ba tayo nandito Demee? Ang kati kaya sa balat ng mga damo.” Tanong saakin ni Juvhie. She’s my bestfriend simula ng lumipat kami dito sa Bicol.
“Shh ka lang Juvhie.” Sabi ko naman sakanya. Hindi kasi mai-zipper ang bibig.
“Bakit ba kasi natin kailangan sundan ‘yang si Chase! Pabayaan mo na nga yan, malaki na yan. Pag tayo nako! Nagka-rushes dahil sa pangi-istalk natin tatalon talaga ako sa may rooftop ng school natin.” Reklamo niya pa habang kamot ng kamot. Napaka-arte talaga ng babaeng to.
“Edi tumalon ka! Ipag-cheer pa kita eh!” sabi ko habang nakangisi pero nakatingin parin kung saan nakatayo si Chase na mukhang may hinhintay.
“Ang mean mo talaga!” bumaling ulit kami kung saan naroroon si Chase, hindi nagtagal ay may lumapit na lalaki sakaniya nagshake-hands sila. Mukha itong – ayokong manghusga pero mukha kasi talaga siyang sanggano, adik, at mamamatay tao eto pa, mukha ring rapist at ah basta! Hindi katiwa-tiwala.
“Naku day! Sino kaya yun? Bakit nakikipagmeet si Chase sa mukhang galing sa lupa na nilalang?”
Patuloy kami sa pagmasid kay Chase. Naguusap lang naman sila ng biglang may inilabas na baril at isang plastic yung pangit na lalaki kay Chase. May nakalagay sa plastic na numbers at may letters din. Inabutan naman siya ng pera ni Chase.
“Hala Dems ano yun?” hindi ko pinansin si Juvhie at lumipat ako ng pwesto na mas malapit sa dalawa. Kaso huli na ako dahil umalis na agad yung lalaking pangit.
Tumalikod na din si Chase at nilagay ang plastic at baril sa bag niyang dala tumingin-tingin pa siya sa paligid.
Aalis na din dapat ako bukas ko nalang siya kakausapin. At tatanungin about this.
Maingat akong nag-tip toe pabalik sa pwesto namin ni Juvhie kanina. Iniwasan ko hangga’t maari ang mga tuyong damo at dahon na maaring lumikha ng ingay.
‘squuueekkk’
Nilingon ko si Chase. Nakatingin siya sa may damuhan kung nasaan ako. Patay.
Tinignan ko naman kung ang maumbok at medyo gumagalaw pang natapakan ko. Bubwit pala. Peste! Bakit pa kasi ngayon pa nagpagala-gala to.
Inalis ko ang pagkakatapak sa bubwit, nilingon ko saglit si Chase at nakita ko siya na lumalakad papunta saakin. Di pa niya ako nakikita dahil madilim sa pwesto ko.
Mabagal sa una ang lakad ni Chase ng naging pabilis ito. Lagot. Tumalikod ako at tatakbo na sana ng hilahin niya ang damit ko mula sa likod at dinikit sakanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sakin.
“Sino ka?” tanong niya. Ramdam mo ang galit pero may kahalong kaba sa tono niya. Kaba dahil siguro may nakakita sakanya. Ano ba kasi yung hawak niya. May pumapasok sa isip ko pero pilit kong isinisiksik iyon sa pinakalikod ng utak ko. Hindi maaari iyon. Mabait si Chase.
“Sino ka sabi?!” tanong niyang muli saakin. Hindi ako sumagot. Natatakot ako. Alam ko kasing kapag nagsalita ako makikilala niya ako. Lumingon ako kung nasaan si Juvhie. Kita ko din ang mga takot sa mga mata niya.
“Hindi ka talaga sasagot.” Tinulak niya ako at mabilis na kinorner sa isang puno na malapit. Alam kong hindi niya parin ako kita dahil madilim talaga sa parte namin. Dahil nga sa madilim hindi ko nakita kung ano ang ginagawa niya pero naramdaman kong gumalaw siya.
Inalis niya ang mga braso niyang nakaharang saakin akala ko maaari na akong makatakbo pero hindi dahil kahit tinanggal niya ang mga braso niya ang katawan naman niya ang idiniin niya saakin.
Pinagpapawisan ako na ewan.
Kinakabahan na ako pero mas dumagundong ang puso ko ng marinig ko ang kasa ng baril niya. At ngayon, nakatutok na iyon sa ulo ko.
“Sino ka?” hindi ako sumagot. Mas diniin niya ang baril sa ulo ko. Natatakot ako.
“Chase.” Sambit ko. Naramdaman ko na nawala ang pwersa ng katawan niya na nakadiin saakin pati ang paglayo ng baril na nakatutok sa ulo ko. Mukhang nakilala niya na ako.

BINABASA MO ANG
Loving Chase [On-Going]
Teen FictionLoving Chase. -- Behind his angelic smile. His contagious laughs. His alluring smile. Is a Devil unseen.