Chase 1: Ibang Ahas
I’m Demetree Zheng. Hindi ako half sadyang maarte lang ang apelyido ko. 3rd Year high school student sa St. Matthew High. Dito sa Bicol ako nakatira ngayon dahil dinidisiplina ako ng aking mommy napatalsik kasi ako sa dati kong school which is in Cavite dahil may binugbog akong maarte doon. Hindi ako basagulera, sadyang kumulo lang talaga ang dugo ko sa hitad na babaeng yun.
Hindi ako marunong ng salita ng mga bicolano kaya medyo O.P ako dito buti nalang meron parin mga marunong magtagalog.
Maganda naman dito dahil sariwa ang hangin. Marami kasing mga puno at taniman dito. Ang tanging ayaw ko lang dito. Walang malapit na mall, restaurants o kung ano pang pwedeng pag-galaan. Mayroon naman pero nasa may bayan pa at kailangan pang bumyahe. Di katulad sa Cavite na ang lapit lang ng mga malls. At madali lang ang sakayan. Dito kasi may oras lang.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ko kaya dinukot ko ito. Malamang si Juvhie to. Siya lang naman ang laging may load eh.
At hindi nga ako nagkamali.
“Oh?” bungad ko pagkasagot na pagkasagot ko.
“Oh ka din! Tss. Kahit kailan ka ang tabil mong sumagot.” Sagot ni Juvhie
“Tapos?”
“Aish! Ewan ko sayo nasan ka na ba?”
“Nasa trike. Wag ka mag-alala malapit na ako.”
“Owkeyy! Bab—“ binaba ko na ang phone kahit hindi pa niya natatapos ang pagpapapaalam niya. Bahala siya.
Pagkahinto ni manong bumaba na ako at inabot sakanya ang bayad. Inayos ko ang buhok ko na bahagyang nagulo dahil sa hangin kanina saka ako lumakad papasok sa school.
Maaga pa kaya kakaunti palang ang mga tao dito. Sa may grounds may ilang mga grupo ng babae na naguusap-usap. Sa may malapit sa garden naman grupo ng mga lalaki. Ang lakas nga ng mga boses nila eh. Tungkol lang naman sa basketball ang pinag-uusapan nila.
Sa may malapit naman sa flag pole doon nakita ko sina Juvhie at yung iba ko pang barkada.
“Oh! Ayan na si Demetree!” sigaw ni Bernee, short for Bernadette Dee. Kalahating intsik at kalahating baliw.
“Demi!!” bati nilang lahat pagkalapit ko sakanila. Nakita ko yung mga bag nila nakalagay malapit sa pole. Parang mini stage kasi ang kinatatayuan ng pole namin kaya may papatungan kami ng bag namin. Dito ang pinaka-tambayan ng buong barkada lalo na pagkatapos ng klase, pangalawa yung garden kung walang tao pero mas madalas kami sa likod ng building ng 1st year. Sa likod kasi noon ay parang may grass field. Hindi ito malawak sapat na pahingahan lamang lalo na kung gusto mo ng tahimik na place. Wala masyadong nagawi doon kaya madalas doon kami kumakain kapag break marami kasing namumungang puno doon, pumupunta din kami doon kapag nagrereview kami. Kunyari.
“Para namang ngayon lang tayo nagkakita-kita.” Nilapag ko yung bag ko sa may tabi ng bag ni Hubby. Siya ang nagsuggest na iyan ang tawag namin sakanya pero ang totoo niyang pangalan ay Hubert (Yubert).
“Ito namang si Demi napaka-bitter.” Sabi ni Juvhie. Anong bitter? Abnormal talaga.
“Anong bitter doon? Tabi nga Fritz, paupo.” Sabi ko kay Fritz at umusog naman siya. Sa aming lima si Fritz ang pinaka-mabait pero hindi naman siya yung nagpapakabog. Kapag kailangan siya handa naman siyang umagapay. Naks!

BINABASA MO ANG
Loving Chase [On-Going]
Novela JuvenilLoving Chase. -- Behind his angelic smile. His contagious laughs. His alluring smile. Is a Devil unseen.