Chase 2: Incest
Hindi naman ako masyadong ginulo nina Juvhie. Basta pagkasabi ko nun. Wala na, nag part ways na kami pauwi. Medyo padilim na kasi nung oras na yun eh. Pero mukhang wala naman silang problema doon tumawa nga lang sila eh.
Pagkababang pagkababa ko ng traysikel hinanap ko agad sina Juvhie akala ko nandoon sila sa may flag pole tulad ng nakasanayan pero wala.
Hindi ko na sila pinagkaabalahang hanapin dahil may mga sariling isip naman ang mga iyon. Baka nag-gala lang.
Malapit na ako sa room pero nagtataka ako kung bakit walang maingay. Kahit section A kami, hindi naman nawawala ang pasaway. Wala yung mga lalaking nakatambay sa may pinto. Wala yung mga higad na nagpapacute sa mga kapwa lamang lupa.
Tinignan ko ang orasan ko, hindi pa din naman ako late. Anong meron?
Binuksan ko ang pinto ng classroom at doon nakita ko sina Hubby, Juvhie, at Bernee nakapaikot kay Chase. Yung lalaking nakitaan ko ng snake. Si Fritz naman nasa may kabilang pinto. Siya siguro yung inatasan na maglook-out.
“Ano nanamang kalokohan to hah?!” sigaw ko sakanila. Tumingin ako sa paligid. Wala dito yung mga bags ng classmate namin. “Nasan yung iba nating kaklase?” tanong ko.
“High blood mo talaga. Tinutulungan ka nga namin para magkalinawagan kayo ni Chase eh. Tapos kung yung mga kaklase natin hinahanap mo obvious na hindi ka nakinig kahapon.” Sabi ni Bernee.
“Huh? Ano bang announcement kahapon?” tanong ko. Sorry naman gimbal kasi ang utak ko dahil sa pangyayari kahapon. First time ko kayang makakita ng snake in a human. Lol.
“Wala tayong klase ngayon.” Sagot ni Fritz.
“Ah ganun ba?”
“Pwede na ba akong umalis?” tanong ni Chase hindi naman siya tunog naiinis or what kalmado lang. Tss. Nakalimutan na naming nandito pala siya. Haha.
“Ah oo naman! Sorry sa panghahatak ah! Nanigurado lang naman kasi kaming wala kayong ginawang himala.” Sabi ni Bernadette whil giggling. Anong himala ang pinagsasabi ng babaeng to.
Tss. Don’t tell me pinagisipan nila ng kung anu-anong kabalbalan yung sinabi ko kahapon. Ang sabi ko lang naman nakita ko lang. Ay diosko mga imahinasyon talaga ng mga halimaw na to.
Namula naman si Chase dahil sa sinabi ni Bernadette.
“Ah sige aalis na ako.” Sabi niya ulit at lumabas na ng room namin. Pagkalabas na pagkalabas ni Chase agad kong sinamaan ng tingin sina Juvhie na ngayon ay mga mukhang painosente.
“Hoy! Kayo talaga anong pinagsasasabi niyong himala! Mga abno talaga kayo.” Sabi ko sakanila.
“Eto naman! Nag-worry lang kami saiyo! Sainyo! Ang babata niyo pa kaya.” Sabi ni Hubby.
“Tama! Saka di mo naman kasi ipinaliwanag ng ayos eh. Malay ba namin kung paano mo nakita.” sabay na sabi nina Bernee (Bernadette) at Juvhie habang tumatango-tango pa.
Napasapo nalang ako sa mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi nila. Buti nalang nag-aya na si Fritz. Punta daw kami ng bayan, nandoon kasi lahat ng pwedeng pasyalan. Friday din naman ngayon kaya walang kaso.
Umuwi muna ako ng bahay para magpalit ng damit at magpaalam kina Lolo at Lola.
“Oh Demee! Ke-aga mo! Nag-cutting ka?!” exagge na bintang ni Lola. Nagmano muna ako bago sumagot.
“Hindi ho La. Wala kaming klase ngayon.”
“Ah ganun ba. Nagugutom ka na ba? Hala’t mag-ayos kana at ako’y magluluto na—“
“Hindi na ho La. Aalis po kami nina Juvhie, pupunta kaming bayan. Mamasyal lang.” sabi ko. Sana payagan ako.
“Naku! Sige papayagan kita pero mag-iingat kayo ha delikado! Sige na magbihis kana.”
“Opo.” Sabi ko at umakyat na ako ng kwarto ko. Nagsuot lang ako ng black na dress na mahaba ang sleeves. May belt din ito na white. Kumuha lang ako ng white na doll shoes sa shoe rack tapos bumaba na ako. Kinuha ko na rin yung pera kong nakatago na tinabi ko talaga panlaan sa mga galaan. Hindi na ako naligo dahil kakaligo ko lang kanina. Sayang sa sabon.
“La! Alis na po ako!” sigaw ko. Nasa likod bahay kasi si Lola eh.
“Oo sige apo! Ingat ka ha!”
“Opo!”
Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Juvhie. Hindi sumagot. Tinry ko si Fritz, kaso di din sumagot. Si Bernee naman hindi din.
“Last na si Hubert na lang ang pwede.” Tinawagan ko na si Hubert at thank God sumagot.
“O Demee! Bakit?” Bungad ni Hubert pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag ko.
“Saan ba tayo magkikita-kita?”
“Ah sabi ni Fritz dun nalang daw sa tapat ng school.”
“Ah ok.” Binaba ko na ang phone ko at dumiretso na ng school. Nakita ko si Fritz doon na nakaupo sa may waiting shed ng school.
“Fritz!” tawag ko sakanya. At ang gagu parang di ako narinig. Nakatitig lang siya sa isang direksyon. Tinignan ko kung ano ang tinitignan niya.
Napangiti ako. Si Jekah pala. Si Jekah ay ang muse ng klase namin. Maganda naman kasi siya. Pero dyosa ako.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Fritz. Di niya parin ako napapansin. Engrossed na engrossed siya masyado sa mukha ni Jekah.
Lumapit ako sakanya at hihipan sana ang tenga niya pero bigla nalang siyang humarap kaya imbis na tenga niya ang katapat ng labi ko ang lips niya tuloy! Naku po!
“F-fritz!”
“D-demee?!”
“Hindi nga sinasadya yun! Nakatulala kasi si Fritz napagtripan ko hihipan ko dapat yung tenga e biglang humarap!” paliwanag ko.
“Oo totoo yun. Di ko naman kasi alam na nasa tabi ko na siya!” sabi naman ni Fritz. Kung shock sina Juvhie mas shock naman kami noh. Halos magkapatid na ang turingan namin tapos bigla kaming maglilips to lips. Kadiri diba? Ang incest ng dating. As in yuck! Yuck! Yuck!
“Sigurado kayong wala kayong relasyon?” tanong ni Bernee. Habang nakatingin samin na para kaming mga preso na iniimbistigahan.
“Wala nga!” sabay na sabi namin ni Fritz.
“Okay then. Tara na! Mag-lalunch time na oh bili nalang tayo ng burger para may makain tayo habang bumabyahe.” Umalis muna silang tatlo para siguro bumili ng burger. Nakahinga naman kami ng maluwag ni Fritz. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Buti nalang talaga hindi kami naging akward.
“Kadiri yun infairness hah!” sabi ko.
“Tss. Akala mo ikaw lang nandidiri! Sinusumpa ko nga yung oras na yun eh.” Sabi naman niya.
“Nako! Yabang! Hahanaphanapin mo din ang labi ko!” sabi ko.
“Mandiri ka nga Demee, ang incest!”
Nagtawanan na lang kami dahil sa kalokohanng nangyari kanina. Biglaan yun. Walang may gusto. Magkaibigan kami. Hindi dapat dinidibdib ang ganung bagay.
Kahit pa first kiss ko yun.
BINABASA MO ANG
Loving Chase [On-Going]
JugendliteraturLoving Chase. -- Behind his angelic smile. His contagious laughs. His alluring smile. Is a Devil unseen.