EXTRA Chase: Hubert + Bernee = HuRnee
Bernee. Pinaiksing Bernadette Dee. Walang espesyal ang isang katulad ko. Ako yung klase na babaeng tipikal pa sa tipikal. Hindi ako matalino. Hindi rin ako sobrang ganda.
Clumsy din ako. Ang tangi kong talent ay ang pagkanta. Na marami na namang nakakagawa.
“Hoy Berney! Ano na namang dinadrama-drama mo jan.” sigaw ni Hubert saakin.
Nandito kami pareho sa silid ng kapatid niya. Wala kasi yung mama niya kaya sakanya pinaalagaan tapos tinawagan ako ng loko para daw may makausap siya. Baby pa kasi yung kapatid ni Hubert.
“Nakikita ko kasi mukha mo. Ang sarap isumpa.” Sabi ko. Hindi ko alam kung may connect pa ba iyon sa sinabi niya pero bahala na basta may masabi lang ako.
Hindi na siya sumagot pagkasabi ko nun, kinuha na lang niya yung cellphone ko at may kinalikot doon.
“Malungkot ka.” Sabi niya.
“Hindi ah.” Sabi ko. Mukha ba akong malungkot? Hindi naman eh.
Nakaupo ako sa may kama ni Hubert habang gamit ang laptop niya.
Nakita kong napatulog niya na yung kapatid niya.
“Berns, tara sa baba.” Sabi niya sabay labas ng kwarto. Sumunod naman ako sakanya kahit na nagtataka ako.
“Hubert ano ba yun?” tanong ko sakanya pagkababa namin.
“Basta. Upo ka jan sa sofa.” Sabi niya. Umupo naman ako.
Inurong niya yung mesang nasa gitna tapos siya ang pwesto dito.
“Anong gagawin mo?” nagtataka kong tanong.
(See gif. Image at the side!)
Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa niya at tumugtog ang Tell Me – Wonder Girls.
Nilapag niya ito at nagsimulang sumayaw.
Tawa lang ako ng tawa habang nagsasayaw siya. Bukod kasi sa pinaggagawa niyang moves yung expression niya pa. Mukhang ewan!
Hingal-hingal siya nang matapos.
“Oh ano masaya ka na?” natigil naman ako sa pagtawa sa sinabi niya.
So kaya niya ginawa yun dahil gusto niyang mapasaya ako?
“Hindi naman ako malungkot eh.” Sabi ko.
“Hindi nga. Pero nakabusangot ka kanina. Ang pangit tignan. Oh tignan mo nakangiti ka na ngayon.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
Ilang lalaki pa ba ang natitira sa mundong ito na handang magmukhang tanga para mapasaya ang isang babae?
Bihira na lang ata yun.

BINABASA MO ANG
Loving Chase [On-Going]
Teen FictionLoving Chase. -- Behind his angelic smile. His contagious laughs. His alluring smile. Is a Devil unseen.