Chase 4: Calling…
Ngayong araw nakabalik na ng school ang mga kaibigan ko. 50% masaya ako 50% hindi. Masaya kasi syempre alam kong maayos na ang lagay nila at ang other 50% naman ay nagluluksa dahil malaki ang chance na hindi ko na ulit makakausap si Chase at magkakaroon ng solo time with him. Pero syempre kung papipiliin parin ako mas gusto ko paring makasama ang mga kaibigan ko. (Sincere ako.)
“Draw the graph of each linear inequality.” Sabi ni ma’am pagkatapos niyang magsulat ng mga hindi malamang numero sa blackboard. “I’ll give you 20 minutes to finish your seatwork.” Uupo palang si ma’am ng sumigaw ang isa kong kaklase.
“Saan sasagutan ma’am?”
“Answer it on 1/2 crosswise.”
“Sa crosswise ma’am?” Kakasabi nga lang.
“Yes, crosswise.” Pinatulan naman ni ma’am.
“Pahinging crosswise.”
“Sinong may crosswise?”
“Uy! Pahingi! Ang damot nito oh.”
Bad trip akong umupo sa damuhan at padabog na binagsak ang bag ko.
“Nakakaasar!” sigaw ko habang hinahampas ang bag ni Hubby na nasa harap ko. Nakita niya ito kaya kinuha niya at nilayo saakin.
“Grabe ka Demee wag mo ngang ibunton sa bag ko ang pagkarape sa papel mo! Kuwawa tuloy ang baby ko.” Sabi ni Hubby saakin habang naka-nguso. Sinamaan ko siya ng tingin.
“’lam mo Huberta wag ka ng magreact at baka patalsikin ka lang ni Demee dito sa Earth at pabalikin sa planetang pinanggalingan mo!” banta ni Juvhie kay Hubert.
“Grabe kayo sakin. Mabait naman ako sainyo! Why are you all so cruel!” sabay kami ni Juvhie na napahinga ng malalim. Habang sina Fritz at Bernee naman napailing na lang sa petty fight namin.
Sumandal ako sa pader nilagay ko ang isang earplug sa tenga ko.
Come back to L.A – VIBE
Pumikit ako at pinabayaan nalang ang mga kaibigan kong naghaharutan sa isang tabi. Gustong-gusto ko talaga ang kantang ito ni VIBE. Ballad kasi ang genre niya at mahilig talaga ako sa mga ballad songs since nag-high school ako. Nawierdo-han nga ako since Rock songs ang mga tipo ko during my elementary days .
Natapos ang araw ko ng peaceful na ang pakiramdam ko. Thanks to the song.
Naglalakad na ako papunta sa trycicle terminal nang may tumigil na pick-up van sa tapat ko. Ang una kong ginawa? Umatras ako. Aba malay ko ba kung mga goons ito at balak akong kidnappin. Tatalikod na ako upang tumakbo palayo pero naudlot dahil sa pagtawag ng isang boses na mula sa van. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Unti-unti akong lumingon pabalik sa van at doon nabungaran ko ang mukha ni Mom.
“Mom? Mom!~” lumapit ako ng husto sa van at niyakap ang nakalabas na ulo ni mommy.
“Anak naman babalian mo ko ng leeg eh. Bitaw!” bumitaw ako at binuksan naman ni mommy ang pinto ng van. “Pasok na at dito na tayo magkwentuhan.” Pumasok ako ayon na rin sa utos ni mommy. Tinignan ko ang front seat at nakita ko na nakaupo doon ang baby brother ko, si Bullet. Naglalaro ito sa cellphone ni mom ng Subway Surf habang nakapasak sa tenga ang dalawang earplugs na nakakabit sa tablet na nakapatong sa lap niya habang pinapatugtog ang Teenagers by My Chemical Romance. Siguro memory card ko nung Grade 4 pa ako ang nakalagay sa tab.

BINABASA MO ANG
Loving Chase [On-Going]
Novela JuvenilLoving Chase. -- Behind his angelic smile. His contagious laughs. His alluring smile. Is a Devil unseen.