"Kumusta ka na?" Paunang wika ni Doctor Mauricio Esteban habang nakatingin kay Samarah Carpio.
"Ayos naman po." Walang ka-ngiti-ngiting sagot naman ng babae na may IV tubing sa kanang braso. Buwan-buwan nagdo-donate ng dugo si Samarah sa RIO Hospital para sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo niya.
Ngumiti naman ng pahapyaw si Doc Mau. "Alam mo bang ang dami-dami mo ng natulungan? May kakaiba kasi sa dugo mo, kahit ibang mga doctor dito subrang naamaze sa kakayahan ng dugo mo. Your case is so rare, sa buong mundo iilan lang kayong nabibiyayaan ng ganyan. Kaya sana, mas alagaan at pahalagahan mo pa ang sarili mo."
"That's why I'm always searching for an inspiration doc. You know, more reasons to live."
"Hindi ba ito rason? Yung mga bata na natutulungan mo?"
"Well, yeah! Part of my reasons are them. But I can't help myself, I feel so lost. Lost in the darkness of my life." Inayos nya ang sarili sa pagkakaupo ng mapuno na ang bag ng dugo at natapos na ang pag-blood letting sa kanya.
"So what's your plan?" Tanong ng doctor.
"I want to go somewhere. Baka sakaling doon ko mahanap ang sarili ko." Walang emosyong sagot ni Samarah.
"Basta mag-iingat ka. Binilin ka sakin ng mommy mo. Kaya sana hayaan mo akong tawagan at kamustahin ka from time to time."
"You always check on me doc. May mga bagay ka pa bang hindi alam tungkol sakin?" Nakangiti na ngayo'y sambit ni Samarah.
Napangisi din naman si Doc Mau.
"Inuulit ko lang,baka kasi makalimutan mo ehh. Hehehe..""I have to go now doc. Baka mahuli ako sa byahe." Yumakap siya kay Doc Mau.
"Basta ingatan mo ang sarili mo hah. Tawagan mo ako if you need anything." Mahigpit din nitong niyakap ang dalaga.
At tuluyan na ngang lumabas at umalis ng Ospital si Samarah.
Samarah Carpio, 20 years old, orphaned. Maliban kay Doc Mauricio na bestfriend ng kanyang ina, wala na siyang ibang kamag-anak o malapit na tao sa kanyang pamilya. She's living alone for years now. May naiwang ari-arian ang kanyang ina at yun ang pinagkukuhanan niya ng mga pangangailangan niya araw-araw. At kahit may kaya siya sa buhay, hindi niya na pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hanggang grade 11 lang siya. Hindi nalang din muna pinilit ni doc Mau na bumalik sa pag-aaral. Kilala nya kasi ito, kapag ayaw,ayaw talaga.
"Hello mom! Papasakay pa ako ng bus ngayon." Wika ni Ezekiel sa kausap niya sa telepono.
"Basta mag-enjoy ka dyan anak hah. I love you." Sagot ni doc Dolly sa anak.
"Okey mom. Pero di ko naman kasi kailangan to mom ehh. May mga kailangan pa sana akong pag-aralan para ready na ako ngayong pasukan."
"Anak,gusto ko lang namang mag-enjoy ka rin sa buhay paminsan-minsan. I know, all your life,sa study room ka lang naglalagi. Minsan, kailangan mo ring mag socialize. Magti-third year ka pa lang sa pre-med mo, subrang nagpapakadalubhasa ka na. Try to enjoy your life habang bata ka pa. I know naman na you will be a successful doctor naman in the future." Mahabang litanya ng kanyang ina sa kanya.
BINABASA MO ANG
ISLA GRANDE (ON GOING)
Science FictionEzekiel thought that seeing Samarah again after 3 years is the perfect time to continue their interrupted love before. Pero paano kung ang kanilang kinaroroonan ay napapalibutan na ng mga Zombies? Will they still have a chance for their love? Will...