Chapter 8 - Escape

95 4 0
                                    

EZEKIEL SARMIENTO POV
(May 5, 2019 ; 11 AM)

Lulan kami sa isang pajero na aming nasakyan pagkalabas namin ng gubat. Laking gulat ko kanina ng mapagtanto ko na sina Kuya Mikael pala yung sakay ng pajerong iyon. Salamat at nakaligtas sila. Pero nakakalungkot at nakakapanghilakbot lang dahil may mga kasama kami sa villa na tuluyan ng naging zombie. Na kailanman ay hindi na muli maibabalik sa dati.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Samarah. Hindi rin naman niya tinanggal ang kamay ko kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya. Masaya ako na nakaligtas kami sa mga zombie-ng yun, sa ngayon.

Pero di ko mapigilang maging emosyonal kanina ng yakapin ako ng mahigpit ni Samarah. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Kanina habang hinahabol kami ng mga zombie, grabe yung naramdaman kong takot. Kung alam nyo lang. Pero kailangan kong maging malakas at matapang para makaligtas kami. Kaya kahit napakadelikado ay nakipagbuno ako sa mga zombie.

Pero nakakalungkot na may mga kasama kami na di nakaligtas at tuluyan na ngang naging zombie. Sina Lola Ceding at Jeneca. Tapos ngayon nalaman kong pati rin pala sina Blake at Justine.

Mga buhay na nasayang ng dahil sa sitwasyong di namin alam kung saan at kung paano ito nagsimula.

"Hon, bigay mo dito sakin si Jeannie para di kayo masyadong masikip diyan." Sambit ni Kuya Mikael.

"Oh sige... Jeannie, doon ka muna kay Kuya Mikael mo hah." Turan naman ni Ate Sharmaine sa bata na di pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"Samarah, kumusta ka?" Wika nung lalake na nasa driver's seat. Tumitingin-tingin siya sa rear view mirror para makita niya si Samarah.

"Sa kalagayan nating 'to, masasabi ko bang ayos lang ako?" Sarkastikong sagot naman ni Samarah na di man lang tumingin dun sa lalake. Mas hinigpitan pa niya ang kanyang paghawak sa aking kamay. Hindi nalang din umimik yung lalake at nag drive nalang.

Mukhang magkakilala silang dalawa at base sa nakikita ko may hinanakit siya sa taong ito. Hula ko, he's part of her past too. Tulad ko. Pero sino siya?

Hinayaan ko lang sa aking isipan ang katanungang iyon.

"Kumapit kayong maigi! May zombie na naman sa dadaanan natin!" Sabad ni Kuya Mikael.

Kaya naman kumapit kami sa kung saan pwede. Ilang saglit lang ay kumalabog ang sasakyan at tumalsik yung binangga naming zombie. Nagsisiiyakan naman din itong mga kasama kong babae.

"Makakaligtas pa ba tayo nito? Paano kung sobrang rami na nila na nakaharang sa daan? Di na natin yon kakayaning banggain." Wika ni Ate Sharmaine.

Tama siya, paano na kapag napalibutan na kami ng mga zombie. Paano na kami?

"I should had stopped him before!!! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana--- sana ginamitan ko nalang siya ng dahas para matigil siya sa kahibangan niya! Puntang Ina." Bulalas nung lalakeng nasa driver's seat. Napapamura pa siya.

Mukhang may alam siya tungkol sa kababalaghang nagaganap dito sa Isla Grande.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya kahit si Samarah ay nakiusisa rin.

"Kanina ko pa gustong tanungin ka sir, ano ho ba ang alam ninyo?" Tanong ni Kuya Mikael. Yun ata ang tanong ng lahat.

Napabuntong-hininga muna ito saka nagsalita....

"My dad---- My dad made them like that.."

Nagulat kaming lahat sa aming narinig.

"Ano??!!"

ISLA GRANDE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon