Chapter 12 - Young and Innocent Love

149 4 1
                                    

SAMARAH CARPIO POV
(June 23,2015)

Nakangiti akong naglalakad papasok ng school. Palinga-linga sa paligid sa pagnanasang makita ko ang aking Ezekiel my lovez. Pero masyado pa yatang maaga, at wala pa masyadong estudyante. Paano ba naman, alas sais -kinse pa lang naman kasi ng umaga. Hahahaha. Hindi naman ako masyadong halata di'ba. I just love schooling. CHARRRR!!!

Narating ko na yung room namin. Pero wala pang katao-tao sa loob kaya naisipan kong gumala muna. Iniwan ko yung bag ko sa aking upuan at marahan na lumabas ng silid.

Gosh!! Masyado ba talaga akong maaga? Kahit si Tito Cris nagtaka kanina bat ang aga kong nagpahatid. Well, iba ako pag tinamaan ehh.

"Hahahaha" Oh diba. Parang baliw lang. Tumatawa mag-isa.

"Ang aga mo ahh."

"Ay kabayo!!!!!!!" Biglang sambit ko. Napakapa ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat. Wala akong sinayang na oras at hinarap ko yung biglang nagsalita sa aking likuran.

Nanlaki naman ang aking dalawang mata ng makita ko kung sino yung kaharap ko. Napamaang at mas lalo lang dumadagundong ang aking puso.

"Pasensya na, nagulat ba kita?"

Ay hindi, hindi....

"Ahh.. Hahaha. A--ayos lang. Heh--" Ay nako!! Ayan na naman ako. I'm running out of words!! Speechless ako sa kagwapuhan niya. At ngumiti pa talaga! Nasa isip lang kita kanina, tas ngayon nasa harap na kita. Please, can someone helpppp meeee. I'm drowning!!!!

"Ahm... Saan punta mo? Sa taas yung room ng 10B ahh?" Tugon ng my lovez ko.

"Ahh.. Ehh... Hehehe.. ahm ano, magliliwaliw muna. M--masyado kasi akong napa-aga kaya... hehe gala mode muna." Sagot ko naman. Napakagat pa ako sa ibabang parte ng labi ko pagkatapos kung magsalita. At di rin mapirme yung mga mata ko. Ang likot. Di ko alam kasi kung saan ko itutuon yung paningin ko. Para akong nahi-hypnotized pag sa mata niya ako nakatitig.

"Ahh... Okey! Welcome to BIA nga pala. By the way, nice meeting you." At madlang pipol, inilahad lang naman niya ang kanang kamay niya para makipag-daop-palad sa akin. Oh my Gash!!!!!!

Kahit nanginginig, inabot ko agad yung kamay ko sa kanya. Para naman din akong baliw na nakangiti sa kanya. As in yung kita lahat ng ngipin kasama na dun ang bagang ahh.

"Hehehehe nice meeting you too, Eze!!!" Ang saya-saya ni Samarah! Ke-aga-aga ehh nakatanggap ng blessing. Iba ka Lord. Salamat!!! Hahaha!

"Ahm, What did you just call me?" Nakangiti niyang wika.

Oo nga pala, me myself and I lang ang nakakaalam sa pangalang yun. Dumadagundong ulit itong dibdib ko. Ang tanga-tanga kasi.

"E-eze?.. as in 'Iz'..." Dahan-dahan kong saad. Ini-emphasize ko pa talaga yung letter 'Z sa dulo.

"Ahh... akala ko ibang pangalan ehh. Hehe.. Akin ba yan? Sorry, di kasi yan yung nakasanayan kong palayaw. Mostly dito sa school, Zeke nickname ko. Sa bahay namin naman, Ezekiel or 'kiel'. Kaya akala ko di ako. Hahaha. Pero nice, maganda siya." Tumatawa pang sambit niya.

Sinubukan kong magsalita kasi na-e-e-speechless ako.

"Ahahahaha. Sorry di kita na-inform hahaha. Ano,...ahh.. g-gusto ko kasi na tawagin ka sa ganoong pangalan. P-para alam mo na ako yung tumatawag dahil ako lang may alam ng pangalan mo na ganyan." Oh diba parang timang lang. Sige, ano Samarah kaya pa? Kaya pa bang lusutan? O call a friend na?

ISLA GRANDE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon