Chapter 7 - Encounter

82 3 0
                                    

EZEKIEL SARMIENTO POV
(May 5, 2019 ; 6:30 AM)

Nagising ako ng maaga sa araw na iyon. Nakatulugan ko na pala ang pag-upo sa tabi ng kama ni Samarah. 'Di ko maiwasan ang titigan yung buong mukha niya, mula kilay hanggang sa dumako ang paningin ko sa kanyang labi. Napalunok ako sa naiisip ko. Walang pinagbago ang angkin niyang ganda, parang mas gumanda pa nga siya ngayon ehh. 'Di na nga lang ganun kapalangiti.

Nang mailingon ko ang aking ulo sa mesa, nakita ko yung pagkaing hinatid nina Lola Ceding kagabi. Tumayo ako at binuksan yung takip. Masyado ng malamig yung pagkain, dahil din siguro sa aircon ng kwarto. Kaya nagdesisyon akong bumaba para initin yung pagkain para sa paggising ni Samarah, mag-aagahan na siya agad. Buti nalang, adobong manok ang niluto ni lola, hindi siya napapanis agad.

"Punta lang ako sa kusina saglit. Iinitin ko muna itong pagkain natin." Malambing ko bulong. At di ko sinasadyang dampian siya ng halik sa noo. Totoong nagulat ako sa ginawa ko pero ang saya ko kasi nagawa ko. Hehehe.

Mahal mo pa rin talaga siya, Ezekiel. Kausap ko sa aking sarili.

Nasa kusina na ako at nangialam na sa gamit ni Lola doon. Yung kanin namin na sing lamig na yata ng snow ay ginawa kung garlic fried rice. Inilagay ko naman sa kaldero yung adobong manok para painitin. Naghanap din ako ng kape para magtimpla na rin pa sa aming dalawa. Nagdagdag na lang din ako ng dalawang sunny side up egg.

"Oh, iho! Bakit ikaw ang gumagawa jan. Sana sinabihan mo ako para mapaghanda ko kayo ng almusal." Wika ni Lola Ceding na biglang sumulpot sa aking likuran. Kamuntikan ko pang mabitawan yung sandok sa gulat.

"Ayos lang po Lola, pinainit ko lang naman po ang mga 'to." Agad na sagot ko.

"Teka, si Samarah? Kumusta siya?"

"Tulog pa po ehh." Nakangiti kung sagot kay Lola.

"Ah, ganun ba? Oh ano, may kailangan ka pa ba? Tulungan na kita." Usal niya.

"Okey na po 'to. Salamat po Lola. At pasensya na rin kasi nangialam ako rito sa kusina."

"Ano ka ba iho. Walang kaso sa akin yun! Sige na tulungan na kitang iakyat yan at marami yang dadalhin mo."

Nahihiya man ay pumayag na lang din ako. "Sige po Lola kung ayos lang sa inyo."

Pagdating namin sa kwarto ni Samarah, naabutan namin siyang gising na at nakatingin lang sa kisame. Napabalikwas pa siya pagkapasok ko. Mali ko, di ako kumatok. Akala ko kasi kwarto ko. Hehehe.

"Pasensya na. Nagulat ba kita?" Tanong ko agad sa kanya.

"Hindi...hindi. Ayos lang." Maikling sagot niya.

"Samarah? Iha.. Kumusta na? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Si Lola, pinuntahan niya talaga si Samarah at tinabihan sa kama. Hinawakan rin niya ang pisngi ni Samarah.

"Ayos lang po ako Lola. Pasensya na po sa nangyari kahapon. Sorry po talaga, nasaksihan nyo pa yun." Tugon niya na medyo naiilang.

"Ayos lang iyon iha. Huwag mo na isipin yon. Sige nah, maiwan ko muna kayo. Kumain ka hah. Magpalakas ka. Kahapon ka pa walang kain iha. Nangangayayat ka na oh. Parang di ka galing bakasyon eh.. hehehehe." Wika ng matanda.

Tumango lang din si Samarah. Tumayo naman si Lola at tinunton na ang pintuan palabas ng kwarto.

May ilang segundong naghari ang katahimikan pero di ko hinayaan na lalamunin na kami ng katahimikang yun.

"Ahm.. Halika, kumain ka muna. Gusto mo ba dito sa mesa o dyan sa kama nalang?" Pasiunang wika ko.

Kumilos naman siya at umupo sa kama niya. Tahimik. Waring nakikiramdam at pasulyap-sulyap sa akin. Tumitingin-tingin sa akin na di nagsasalita. I feel so awkward, mennn!

ISLA GRANDE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon