Chapter 13- Desperate heart

55 5 3
                                    

SAMARAH CARPIO POV

Para akong nasa alapaap sa sobrang saya ng nadadarama ko. Alam ko,ramdam ko may something kaming dalawa kahit wala pa siyang sinasabi sa akin. Aminado naman akong ako talaga ang naunang magpakita ng motibo at mukha na akong desperada. Pero yung nangyari kanina ay mas nagpapaisip sa akin at nagbibigay ng pag-asa na this is not just a one sided love.

He kissed me.

That kiss just turned my world upside down. And it drowned me from too much happiness.

Pero akala ko pang habang buhay na yon.

Araw ng lunes, akala ko masisilayan ko yung maamong mukha ng taong mahal ko. Pero sa unang pagkakataon, hindi ko siya nakitang pumasok. Sa unang pagkakataon, nag-absent siya. Nag-aalala ako kung baka napaano na siya o may nangyari sa kanya. Tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot. Kaya nag-message nalang ako ng 'Eze, tawagan mo ko pag nabasa mo'to.'

Hindi ako mapakali. Ilang araw na din siyang di pumapasok. Lumilipad din naman yung utak ko. Kinakabahan ako.

Napasilip ako saglit sa phone ko ng may 1 message akong nakita sa screen ng phone ko. Agad ko yung binuksan. At si Ezekiel nga yung nag-text. May saya namang sumibol sa puso ko ng mabasa ko sa screen yung pangalan niya.

'Pasensya na Sam kung di ko masagot yung mga tawag mo. May personal lang akong inaasikaso. Papasok na rin naman ako next week.'

"Hah? May problema ba? Anong nangyari?" Reply ko sa message niya.

Pero di na siya nag reply ulit. Parang gusto kong maiyak. Di ko maipaliwanag yung lungkot. Yung kaba. Yung takot.

Di ko alam kung paano ako nagsurvive na di ko siya nakita sa loob ng isang linggo.

Makalipas ang isang linggo, araw ng lunes, tulad ng sinabi niya pumasok nga siya. Pero di pa kami nagkakausap. Late siyang dumating. Nagsimula na ang flag ceremony. Kaya nagtaka ako dahil hindi naman siya ganyan.

Hinintay kong mag recess break na para mapuntahan ko siya. Pero para akong pinaglalaruan ng panahon dahil pakiramdam ko ang tagal ng pag-usad ng oras. At ng tumunog na yung bell, walang sabi-sabi akong tumayo at lumabas. Tumatakbo ako papuntang classroom nina Eze. Hinihingal pa ako pagkarating ko roon.

"Eze!" Sigaw ko. Napatingin yata ang lahat sa akin. Di ko naman kasi akalain na ganun kalakas yung boses ko. Napalingon naman din si Eze. "Anong nangyari? Bakit... bakit ka nag-absent?"

Tuluyan na siyang humarap sa akin. At nagulat ako ng may makita akong parang pasa sa labi niya.

"Sorry. Pinag-alala ba kita? May nangyari lang." Tipid siyang ngumiti.

"Anong nangyari jan Eze? Napano ka? Nakipag-away kaba? Nakipagsuntukan ka?"

"Ahh eto ba, wala to. May... may kinukuha kasi akong gamit dun sa bahay ehh nadulas ako sa pinagpatungan kong upuan. Ayon, tumama sa mukha ko yung bitbit ko. Ang tanga di'ba. Hehehe." May halong tawa pa na wika niya.

Pero di ako kumbensido sa sinabi niya. Gusto ko pang magtanong ulit pero mukhang wala siyang balak magsabi kaya hinayaan ko nalang. Ang importante bumalik na siya. Pero parang may naiba.

Napapansin kong iba na yung pakikitungo niya sa akin. Di tulad ng dati. Para bang iniiwasan na niya ako ngayon. Di ko mapigilang maging malungkot at feeling ko tinutusok ng mga karayom ang puso ko.

Ganun-ganun na lang yun? Matapos mo kong halikan?

Pero kahit na parang lumalamig na yung pakikitungo niya sa akin ng araw na yun, hindi ko hahayaang maging hadlang iyon. Di ko pinapansin yung panlulumo ng puso ko. Kahit magmukha akong tanga basta't para sa kanya, ayos lang.

ISLA GRANDE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon