The Untold story of Claudia Carpio's Death

73 2 0
                                    

Tahimik na nagbabasa ng libro si Claudia habang nakaupo sa kanyang wheelchair ng may marinig siya sa labas ng kwarto niya. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kanyang harapan ang isang matandang lalake.

"Tito Joaquin?" Wika niya. Nakangiti naman din ang lalake ng makita siya.

"Iha! How are you? Sorry, pumasok na ako, bukas kasi yung gate. Pasensya na iha." Tugon naman nito.

"Ayos lang ho. Di nyo ba kasama si Cris?" Tanong ni Claudia.

"Hindi ehh. May inaasikaso daw siyang importante. But I was told to come here. Doesn't he tell you?" Sabad ng matandang scientist.

"Uhmm.. Wala po tito ehh. Pero baka nakalimutan niya lang akong abisuhan, ang dami kasing ginagawa ng taong yun. May mga estudyante pa na tinuturuan niya sa University. Well, anyway, ano hong kailangan nyo tito?" Nakangiting tugon ni Claudia.

"Yeah,.. ahm.. Pinapunta ako dito ng anak ko. Well, you know I'm helping him to do research and study your case. So I'm here to get a blood sample from you. By the way, kumusta ka na pala? Any improvement?"

"Ayos naman ho ako tito. Ganun pa rin naman yung sitwasyon ko basta sundin ko lang yung payo ng doctor ko, I will have a normal life. I mean, having a normal living despite my condition." Usal niya.

"That's nice to hear iha!! So, ano, mag-e-extract na ako ng dugo mula sayo?" Nakangising turan ni Dr. Amorsolo.

Napansin ni Claudia na kakaiba ang iniaasta ng ama ng fiance niya dahil hindi naman ito ganito ka giliw sa kanya noon pa man. Ni hindi nga ito tumatawag sa kanya para kumustahin siya.

Gayunpaman, pinakitaan pa rin niya ito nga magandang-asal.

Pumwesto na nga si Dr. Amorsolo para kuhanan siya ng dugo. Nilabas niya ang isang BD vacutainer at  needle para dito. Marami ding mga vacutainer tubes para lalagyan ng blood sample ang kanyang dinala.

Nag-aalinlangan man ngunit pumayag pa rin si Claudia.
Ibinuka niya ang kanyang braso at itinusok na ni Dr. Amorsolo yung vacutainer sa ugat ni Claudia. Walang sali-salita yung doctor, patuloy lang ito sa ginagawa.

Subalit, nagtataka na talaga si Claudia dahil nakasampong tube na ito sa pagkuha ng dugo niya.

"Teka, tito... parang ang dami naman ho ata ng kukunin nyong dugo?" Di na nakatiis si Claudia at nagsalita na.

"Dinamihan ko na para di na ako pabalik-balik. Di ka naman mamamatay kung kukuha ako ng kahit isang letrong dugo mo di'ba?" Isang malapad na ngiti at may pahalakhak pa ang matanda.

Sa paningin ni Claudia, para na itong nababaliw.

"T..tama na ho tito. Marami na ho yan. Tsaka hindi ganyan kadami kung kumuha si Cris." Babawiin na sana niya ang braso niya ng biglang may dukutin ito at ipinan-spray sa mismong mukha ni Claudia.

Isang sleeping spray pala na siya mismo ang gumawa.

Sinubukang manlaban ni Claudia, pero nawawalan ng lakas ang dalawa niyang braso at napipikit na rin ang dalawa niyang mga mata. Pero pilit niyang nilabanan ang antok.

"Bakit ...nyo ito... ginagawa...." mahinang tugon ni Claudia. Pero hindi siya pinansin ng matanda at pinagpapatuloy parin nito ang ginagawang pagkukuha ng dugo.

Nilagyan ni Dr. Amorsolo lahat ng bakanteng vacutainer tubes na dala niya. Nang matapos siya sa pgkuha ng dugo, tinanggal niya ang nakatusok dito at inaplayan ng pressure yung pinagtusukan para di na dumugo. Pero dumudugo pa rin ang sugat. Alam na niya na mangyayari ito dahil nga sa kundisyon ni Claudia. Kaya, para tumigil na ang pagdudugo, may itinurok siyang gamot  para mag-clot na ang dugo doon din mismo sa pinagtusukan niya kanina. Siya rin ang gumawa ng gamot na iyon pero ang di kanais-nais ay hindi pa ito naaprobahan kung safe gamitin o hindi.

Nang tumigil ang dugo sa pagtagas mula sa braso ni Claudia, nilinis at nilagay niya lahat ng ginamit niya sa bag na kanyang dala.

Si Claudia naman ay unti-unting nagkamalay kahit hinang-hina na.

"Tito... tulong...hin..hindi..ako..makahinga...." paputol-putol na sambit niya.

Pero imbes na tulungan siya ng matanda, tiningnan lang siya nito at umalis din kaagad.

Kamuntikan pang makita ni Manang Nena ang pumapanaog na doctor. Nakatyempo naman ang matanda dahil dumerecho kasi si Manang Nena sa kusina. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at ng makalabas na ay mabilis itong naglakad palayo.

Si Claudia naman sa taas ay naghihingalo na. Nakabulagta na rin siya sa sahig. Mukhang sinubukan niyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa wheelchair pero 'di nakayanan ng katawan niya. Masyado na siyang nahirapan sa paghinga at naninikip ang kanyang dibdib kaya di na siya makapagsalita.

Hanggang sa unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata at dinig na dinig din niya ang lakas ng pagtibok ng puso niya hanggang sa humina at 'di naglaon, tumigil na sa pagtibok ang puso niya.

Huli na nang pumasok si Manang Nena sa kwarto ni Claudia.

"Diyos ko!!! Anong nangyari sayo Claudia. Gumising ka, iha!!!! Iha!!! Gising!!!" Natatarantang wika ni Manang Nena. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Crisostomo. 'Di na napigilan ni Manang Nena ang pag-iyak sa labis na takot na kanyang nararamdaman.

Dahil sa walang nakakita o nakasaksi sa mga pangyayari, mananatiling sikreto at mababaon nalang ito sa limot. Ang mali nila'y di nila pinalagyan ng CCTV ang buong kabahayan. Mananatiling tikom ang bawat sulok ng kwartong iyon.

Pwera nalang kung magsasalita at aamin si Dr. Amorsolo sa kanyang nagawa at tunay na nangyari kay Claudia sa araw na iyon.

Pero mukhang imposible dahil masyado itong nagpakalunod sa kanyang kagustuhan at kabaliwan at di niya inalintana yung nagawa niyang kasalanan.

ISLA GRANDE (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon