Cast and characters (NEW)
Aljur Abrenica-Mikael Cruz
Shaina Magdayao-Sharmaine Cruz
Belle Mariano-Nikka Montalban
Seth Fedelin-Blake Arevalo
Criza Taa-Justine Santos
Susan Roces- Lola Mercedez "Ceding"
Ysabelle Ortega-Jeneca Montemayor
Nayomi "heart" Ramos-Jeannie MontemayorEZEKIEL POV
(May 3,2019; 3Pm)Pasado alas tres na ng hapon ng makarating kami sa Caluya Island. Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Tama, malaki ang naging kasalanan ko kaya ganun na lamang ang iniasta niya sa harap ko. Dahan-dahan kaming pumanaog ng ferry. Nang nasa patag na kami,hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Manong, pwede po ba magtanong?" Wika nung isa sa tatlong kabataan na kasabayan ko papuntang Caluya doon sa isang lalakeng katabi ng jeep. "Saan po dito yung Villa de Mercedez? Yung sa Isla Grande po? Doon po kasi kami pupunta?"
"Ahh.. sa villa ni lola Ceding, ihahatid ko nalang kayo dun. Mga 30 mins lang yung babyahiin ng jeep ko. Tsaka kilala ko si lola Ceding,kaya wag kayong mag-alala." Nakangiting saad naman nung lalake.
"Hoy! Kuya Caloy. Naks!! Grabe kung makasalestalk ka ahh, hehehe. Pasakay din po!" Biglang singit naman nung babae na may kasamang bata.
"Oh! Ayan pala si Jeneca. Apo siya ni lola Ceding. Mukhang mga guests nyo yata yan sila Jenica." Sambit naman nito.
Napansin ko naman sa peripheral vision ko na pumasok si Samarah sa jeep na iyon. Dali-dali di akong pumanhik sa loob ng jeep. Kasabayan ko rin sa pagpasok yung mag-asawa. Umupo ako malapit sa pintuan, hindi ako nagpapakita kay Samarah kasi baka bigla nalang din siyang bumaba at sumakay sa ibang jeep doon. Nandun siya sa pinakasulok umupo. Likod ng driver kumbaga.
"Lola mo pala yung may-ari ng Villa de Mercedez? Doon kasi kami nagpa-reserved ehh." Wika ng binata.
"Oo at doon din ang punta namin ng kapatid ko. May mga nabanggit nga ang lola ko na mga guests sa villa, kayo siguro yun."
"Hehe... Baka kami nga yun. Medjo mura kasi siya kumpara doon sa mga hotel room doon mismo sa loob ng resort ng Isla Grande."
"Oo. Nagmamahal talaga yung mga hotel room doon kapag peak season. Yung lola ko naman, consistent sa presyo niya. Medjo luma na yung villa pero desente naman tingnan. Tsaka malapit lang din yung villa sa mga tourist spots ng Island na'to."
"Really? May bakante pa kaya? Actually hindi pa kami nagpabook. Plano sana namin doon sa resort, kaso baka mahal nga. Eh isang buwan sana yung bakasyon namin rito." Biglang singit naman nung babae habang hawak-hawak ang braso ng asawa niya.
"Meron naman pong mga bakante panigurado po yun ma'am. Tyak matutuwa si lola nito. Gustong-gusto kasi nun na maraming tao doon sa villa. Madalas kasi siya lang mag-isa kaya nasisiyahan siya pag may mga panauhin." Masayang wika naman ng nagngangalang Jeneca.
"Ikaw ate,saan ka tutuloy?" Inosenteng tanong nung bata kay Samarah. Nagulat pa siya dahil kinakausap siya ng bata.
"Maghahanap pa lang ako." Maikli niyang sagot.
"Doon ka nalang din po sa villa ng lola ko!" Mas lumapad ang ngiti ng bata. "Sige na ate,please!"
"Hoy Jeannie, umayos ka jan. Eto talaga.. pasensya na miss ahh. Makulit talaga tong kapatid kong 'to." Saway ni Jeneca.
BINABASA MO ANG
ISLA GRANDE (ON GOING)
Science FictionEzekiel thought that seeing Samarah again after 3 years is the perfect time to continue their interrupted love before. Pero paano kung ang kanilang kinaroroonan ay napapalibutan na ng mga Zombies? Will they still have a chance for their love? Will...