Cyleen's Pov:
"Wow! Ate Cyleen, dito na tayo titira simula ngayon?"
Tanong ni Nate ng makarating kami sa house and lot na binigay ni Mr. Jordan dito sa Camella subdivision. Ngayon ang araw na lilipat kami. Konti lang ang dala naming gamit. Almost mga damit lang namin at important documents dahil kompleto na ang gamit sa loob.
Simula sa kitchen utensils, appliances, sala set, dinning area. Even ang buong kwarto, naka arrange na lahat. At lahat ng toh, si Mr. Jordan ang may pakana. Wala na nga akong maisip na idagdag dahil kompleto na! Sobra - sobra pa nga. Talagang kami na lang ang kulang. I mean, occupants na lang ang hinihintay.
He really made an effort para lang sakin at sa family ko. Which is nakaka flattered. Mas lalo tuloy akong na i- in love sa lalaking yon. Gusto nya sanang sumama sa paglilipat namin, para maipakilala ko sya personally sa buong family ko, kaya lang , busy sya sa trabaho ngayon dahil nagsisimula na ang project sa Brgy. Pag- asa.
Dahil kailangang habulin ang deadline ng contract, talagang palage syang nag o - overtime sa trabaho. Ni hindi ko nga sya nakikita buong araw sa office dahil sa construction site sya nag s- stay. He's just going to call me for him to be updated what's happening in CJREC.
Of course I understand. Sinabi nya naman sakin before na once mag start ang project na toh, hindi na muna kami magkikita. Kailangan nya raw mag focus sa trabaho. Ganyan sya ka dedicated when it comes to work.
Lalo pa at masyadong importante ang project na toh. It's a big break for CJREC. That's why he really wanted to do his best, although sa halos lahat naman ng project that he's handling eh he's giving his hundred percent. And I'm sure this project will be succeeded.
Pero hindi ko talaga maiwasang ma- miss sya. I've already missed him. Siguro dahil nasanay akong kasama sya almost everyday sa work, at kapag day off naman, were always together on a group night out and a date most of the time. And now that he's not around, I really missed his presence.
Missing someone feels like I'm going to be out of my mind. I really wanted to visit him on the construction site, but in the end, I'm gonna change my mind coz I know he don't want to be disturb. And I don't have a choice but to wait for the right moment when we'll gonna see each other again.
"Oo, Nate. Dito na tayo titira. Ano, maganda ba? Gusto mo na dito? Tara na. Mas maganda sa loob." Bulong ko sa kanya.
Nakasunod lang sa amin ni Nate sina mama, papa at ate Marfie. Malamang masasalang ako sa hot seat nito mamaya. Hindi ko pa kase nasasabi sa kanila ang tungkol sa house and lot na ito. Ang alam nila, sa Isang apartment kami lilipat.
I know them a lot. Kapag tahimik silang tatlo at hindi nagsasalita, for sure nagiisip na ang mga yan kung paano ako mapapaamin. Which is handa naman akong sagutin ang mga tanong nila. Syempre, kasama na don ang tungkol samin ni Mr. Jordan.
Pagpasuk pa lang namin sa loob, hinila na ako ni ate Marfie sa may sofa. Sumunod sina mama at papa. Si Nate naman, nagpaalam na pupunta sa second floor kung saan nandon ang magiging kwarto nya.
"Hoy, Cyleen. Ano toh? Anong ginagawa natin sa bahay na toh? Akala ko ba apartment ang lilipatan natin? Bakit nandito tayo sa Camella subdivision? Baka maabutan tayo ng may-ari ng bahay na toh, at ipahuli tayo sa pulis akala akyat bahay tayo!" Sabi ni ate Marfie.
"Oo nga, anak. Paano ka nagkaroon ng susi ng bahay na toh? Pina- duplicate mo ba? Kilala mo ba ang may ari nito? Baka mapagkamalan tayong magnanakaw dito ha." Sabi ni mama.
Ngayon alam Nyo na kung kanino ako nagmana ng ka- praningan? Ganyan si mama at ate Marfie. Syempre ako ganon din. Mana- mana yan. Like mother, like daughter nga di ba?
BINABASA MO ANG
His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )
RomanceCyleen fell in love to Cylec the first time she laid her eyes on him. It was love at first sight to be exact. Cylec has everything Cyleen dreaming about the moment she learned to portray the man of her dreams. But Cylec dumped her-that's what she t...