Chapter 50 ( Jacky )

184 2 0
                                    

Cyleen's Pov:

I'm on my way home coz it's already six o'clock in the evening. Sa sobrang pagkalibang ko sa pagtingin sa bawat magandang view na madaanan ko, hindi ko na namalayan ang oras! As in whole day akong nag drive hanggang sa kung saan ako makarating at tumitigil lang ako kapag may magandang view akong nakikita.

And then inabot na ako ng gabi. Hindi ako pumasok ng CJREC dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa nakita kong kaganapan sa cafeteria kaninang umaga. Then I remember Alec! Shit! I'm supposed to fetch him after school dahil plano Kong kina mama na muna matulog ngayong gabi. Weekend naman bukas at walang pasok sa school si Alec.

Damn it! Dapat kanina ko pa sinundo si Alec. I'm sure si Cylec na ang sumundo sa kanya. Nag decide akong i- turned on na ang cellphone ko. Maghapon nga rin palang nakapatay iyon! I'm sure ang dami ng text at tawag ni Cylec sakin. Pero halos ilang minuto ng naka- open ang cellphone ko, ni wala man lang text o tawag na dumadating. 

What the fuck! Don't tell me ni hindi man lang ako tinext ng lalaking yon? As in! Kahit Isang text wala! Ni hindi man lang yata sya nag alala kung bakit hindi ako pumunta ng CJREC at bakit hindi ko nasundo si Alec! That bastard! He's acting weird! I think something is wrong with him! Is he hiding something from me now!?

I decided to call yaya Yoleng. She's Alec's nanny. I need to know kung nakauwi na ba ang anak ko! Baka Pati si Alec nakalimutan ding sunduin ng magaling na lalaking yon!? Naku, wag syang magkakamali! Talagang mag away kaming dalawa ng bongga! Kalimutan nya na ako, wag lang si Alec!

"Hello, maam?" Agad na Sabi ni yaya Yoleng.

"Is Alec and you're sir Cylec already home?" I asked.

"Si Alec pa lang ho, maam. Ako po ang sumundo sa kanya sa school kaninang uwian dahil hindi raw po available si sir. Busy daw po." Sabi ni yaya Yoleng.

Napahampas ako sa manibela ng wala sa oras. Busy!? Huh! Eh nakikipag landian nga lang sya may cafeteria kanina eh! Paano syang magiging busy!? Ako talaga ginagalit ng lalaking yon! Ni hindi nga nagawang mag text sakin buong maghapon. Kahit simpleng "hi" wala. Ni hindi man lang tinanong kong buhay pa ba ako o hindi na.

Tapos— Pati si Alec, ni hindi man lang nasundo sa school!? Ano yon! Anong gusto nyang palabasin!? Na wala na kaming halaga ni Alec sa kanya!? The nerve of that bastard! Makikita nya Pag uwi ko!

"Did your sir told you where he's going or if he's still in the office?" I asked.

"No maam. Pero umuwi si sir kaninang alas kwatro y media. Nasa bahay na ho kami ni Alec non. Nagpalit lang ho sya ng casual wear nya and then umalis na din ho agad kasama sina sir Enrique, Gian at Luke po." Sabi ni manang.

Where the hell are they going!? Bakit magkakasama silang apat!?

"Did your sir Cylec asked about me?" I said.

"Hindi po maam. Narinig ko po na pupunta silang party. Get together po yata ng mga classmates nya noong college sa International School." Sabi pa ni manang.

Bwisit na lalaking yon! Ni hindi magawang sunduin si Alec pero ang makipag party kayang kaya nyang gawin! So yon ang pinagkaka- abalahan nya buong maghapon!? I wonder kong kasama don yong babaeng kalandian nya sa cafeteria kanina! Naku, wag ko lang talagang malaman-laman.

"Sige ho manang, thank you. Pakibantayan ng maayos si Alec. May aasikasuhin lang akong madali." Sabi ko.

"Okay po, maam."

I ended the call. Muli akong nag drive ng makita ang go signal sa traffic lights. Saan kaya ang party nila? Ni hindi ako isinama! Sa halos lahat ng party, mapa- business man yan o family gathering, palagi akong kasama. Bakit ngayon— ni wala man lang effort akong nakikita sa kanya. Ni hindi pa nga kami nakakapag- usap tungkol sa nangyari kagabi sa bar nong tumakas ako para maalalayan si Dhyna.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon