Cyleen's Pov:
"Cyleen, saan ba tayo pupunta?"
Tanong sakin ni mama habang nasa byahe pa kami papuntang Puerto Galera. Ito kasing si Cylec, naisipang mag get together ang buong pamilya. Pinaka- family bonding na raw namin. Para naman daw makapag relax kaming lahat kahit papaano.
Get together lang ang layo- layo pa. Pwede namang around metro manila lang. O di kaya sa pinakamalapit na na beach resort dito sa Manila. Bakit kailangang sa Puerto Galera pa? Nakakapagod kayang bumyahe.
If I know, gusto nya lang bumawi sa mga panahong wala sya. Kaya sige na. Pagbigyan na kung saan nya gustong pumunta. Tutal kapag ganitong family bonding lahat naman kami masaya pagkatapos. Talagang he always make sure that we enjoyed every moment na magkakasama ang buong pamilya. I mean, family ko at family nya.
Since masyado kaming madami, nahati kami sa dalawang grupo. Of course, kasama ko ang family ko samantalang kasama naman nya ang family nya sa kabilang sasakyan. Magkasama naman sina Jessy at Enrique. Susunod na lang daw mamaya sina Gian at Luke dahil busy pa.
"Sa Puerto Galera ho, ma." Sabi ko habang naka- focus ang atensyon sa pagmamaneho.
Siguro nagtataka kayo kung paano akong natutong mag drive? Obviously, pinag enroll ako ni Cylec sa driving school. Simula nong ikinasal kaming dalawa, I have to face the reality. Alam Nyo na, umakto na I belong to his world kahit hindi naman.
Kung alam Nyo lang ang pinagdaanan ko bago ako mag fit in sa mundong ginagalawan nya. My gosh! Sobrang hirap. Kailangan kong baguhin ang sarili ko at kung ano ang mga nakasanayan ko noong normal na mamamayan pa lang ako ng Pilipinas.
Obviously, normal pa rin naman ako hanggang ngayon. Kaya Lang hindi na tulad ng dati na pwede akong makipag- tsismisan sa kapitbahay namin mag hapon. Yong tumambay na parang siga sa kanto. Since I live with him as his wife, everything suddenly change.
He hired a professional tutor para maturuan akong magpaka- prim and proper. Yong kapag humarap sa tao, kailangan presentable at sophisticated tingnan. Simula sa pagsasalita, pananamit at table manners.
Syempre nag reklamo ako sa kanya. Kase hindi naman ganon kadali na mabago yong kinalakihan ko, di ba? Then we both decided na kapag sya at family ko lang ang kaharap, free akong gawin ang mga nakasanayan ko. Noong una tawang tawa sya sakin everytime na may gagawin akong kakaiba para sa kanya.
Sino bang hindi? Talagang hindi ko Alam kung paanong gamitin ang mga high tech nyang appliances sa bahay. Pati nga yong favorite robot vacuum cleaner nya nasira ng dahil sakin. Malay ko ba namang vacuum cleaner pala yon? Akala ko Isa sa mga robot na laruan ni Alec. Naapakan ko accidentally kase sunod ng sunod kung saan ako pumunta. Ayon, nawasak.
Pati yong automatic washing machine nasira din. Ang malala, muntik ng masunog ang buong bahay dahil naiwan Kong nakabukas ang LPG maghapon. Ayon, no choice sya kundi bumili ng automatic na lutuan instead of LPG. Simula non hindi nya na ako pinag luto. Yong mga maids na. At kapag trip Kong mag bake ng cookies para sa kanya, talagang he make sure na nandon sya. Nagka- trauma yata sa mga sablay ko.
Yong mga branded nyang damit nagkasira sira dahil nakalimutan Kong Alisin sa loob ng washing machine. Ayon, umikot ng umikot maghapon. Nagkapunit- Punit tuloy- yong mga damit nya! Minsan naman, binaha ang buong bahay. Paano ba naman, maliligo na sana ako sa dream come true Kong jacuzzi. My gosh, napuno na't lahat- lahat ang bath tub, hindi ko pa rin napapatigil yong tubig!
But instead na magalit, tawang tawa pa sya sa mga kapalpakan ko. Marami pa akong nagawang kapalpakan pero tinatawanan nya na lang. At kahit ako, natatawa na lang din sa sarili ko!
BINABASA MO ANG
His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )
RomanceCyleen fell in love to Cylec the first time she laid her eyes on him. It was love at first sight to be exact. Cylec has everything Cyleen dreaming about the moment she learned to portray the man of her dreams. But Cylec dumped her-that's what she t...