Chapter 45 ( Confession )

191 2 0
                                    

Cyleen's Pov:

Days began to past. Before I knew it, intramurals na ng SMA. Two months na ang nakakalipas simula ng pumasok ako sa SMA. At sa loob ng two months na yan, puro na lang kalokohan ang pinag- gagawa naming lima. Pati tuloy si Dhyna napapasama sa kalokohan namin.

Simula nong nabuking ko si Cylec na si Sammy yong crush nya, naging extra close kaming dalawa. Although hindi nya inaamin personally na si Sammy nga yong gusto nya, dahil kilala Nyo naman ang chimpanzee na yon. Masyadong reserve at ang hirap paaminin. Pero syempre, obvious na obvious naman sa kanya eh.

Todo deny pa sya eh halata naman sa kanya. Kapag kinukulit ko sya tungkol Kay Sammy, hinahayaan nya lang ako at nakikitawa na lang din sya samin nina Enrique, Gian at Luke. At dahil kaibigan ko si Dhyna, Pati sya napasama sa grupo naming lima. Palage nga silang nag aasaran ni Gian.

Ewan ko ba sa dalawang yon. Kapag nagkikita, walang araw na nagkakainisan. Pero kapag wala naman si Gian, palage syang bukambibig ni Dhyna. Crush nya yata si Gian hindi nya lang masabi. Sino ba naman ang maglalakas loob na umamin sa Gian na yon eh ubod ng palikero. Kung sino- sino ang jowa. Iba- iba. Kaya inis na inis lage si Dhyna.

Si Jessy naman ganon pa rin. Walang pinagbago. Walang araw na sinusungitan ako. Pero dahil sanay na ako sa ugali nya, hindi ko na lang pinapansin. After school, tatambay kami kina Cylec. Maglalaro ng PSP at video games. Minsan naman nag s- swimming kami at namamasyal kung saan-saan gamit ang sports car nya.

Pero syempre kasama namin palage si Mang Canor. Yong personal driver nya. Wala pa kase syang lisensya. Kapag nag 16 sya pwede na ang student license. Masaya Silang kasama.

Kapag Saturday at Sunday, magpapaalam ako kay mama na papasyal kina Dhyna. Minsan naman si Dhyna ang pumupunta samin para ipagpaalam ako. Kahit ang totoo eh doon kami kina Cylec tumatambay maghapon.

Nalaman ko din na si Cylec lang pala ang nag s- stay sa villa nila dahil sa Manila naka based ang parents nya at
mga kapatid. Nandon daw kase ang business nila at doon din pumapasok ang mga kapatid nya. Hindi ko lang alam kung bakit pinili nyang mag stay dito sa Saint Marion kung pwede naman syang doon na lang din sa Manila.

Kapag tinatanong ko sya tungkol doon, hindi nya naman ako sinasagot ng matino. Ewan ko sa lalaking yon. Minsan matino. Pero most of the time may saltik din. Hindi ko Alam kung bakit hindi pa nya nililigawan si Sammy hanggang ngayon. Ni minsan hindi ko sila nakitang nag usap ng Silang dalawa lang.

Kapag naguusap naman sila, kung hindi tungkol sa group project eh sa ika- aayos ng section namin. Minsan gusto ko ding batukan ang Cylec na yon eh. Ang bagal kumilos. Ang dami pa namang nagkakandarapa Kay Sammy. Pano na lang kung maunahan sya, di ba? Sa personality ni Sammy, kahit mga seniors nagkaka- crush sa kanya.

Lalo na ngayong intramurals. For sure ang daming gustong makasama sa date booth si Sammy. O di kaya sa holding hands booth.  At sa marriage booth! Naku talaga ang Cylec na yan. Kukuntsabahin ko na nga si Enrique at Dhyna mamaya para ma- set up namin sa date booth ang dalawang yon. Haha.

Kahit naman crush ko si Cylec, syempre masaya ako na magkatuluyan sila ni Sammy. Di bale ng ako yong ma- broken hearted wag lang si Cylec noh. He deserved to be happy. At alam Kong Kay Sammy nya lang yon mararamdaman.

"Cyleen, ano na. Alis na tayo." Sabi ni ate Marfie.

Dahil nasa junior year na si ate Marfie, red blue corner ang suot nya. Green naman ang saming mga freshman. Sabay na kaming umalis ng bahay. Pagdating namin sa may kanto,
agad kaming sumakay ng traysikel at nagpahatid sa SMA.

Dhyna, nasa school ka na ba?

Text ko Kay Dhayna. Walang reply galing sa kanya. Nasaan na kaya ang babaeng yon? Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Cylec yong nagtext.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon