Kabanata 2

383 11 0
                                    

Kabanata 2

Tila nga unting unti nang nakakabangon ang Sky, simula noong digmaang naganap habang nagaanunsyo ang hari. Dahil sa pagkakataong iyon, sila ang nanalo sa laban. Sumuko ang mga Under na makipaglaban sakanila, para bang ang lahat ay nadala ng kanilang emosyon, sapagkat ni isa sakanila, ay walang napuruhan mula sa pakikipaglaban sa Under. Masaya ang lahat, dahil alam nilang sa pagkakataong iyon, nanalo sila. Ang iba ay handang handa nang humarap muli, sa hari ng Under. At paslangin iyon, marahil ay dahil na din sa mga mahal nila sa buhay na nawala dahil sa kasakiman ng haring ‘yon. Pagkatapos ng laban ay ang lahat ay nagpunta muli sa kanilang mga tirahan, nagpahinga’t nagpalakas muli. Dahil wala ni isa sa kanila ang nakakapagsabi kung kailan muli susugod ang mga kalaban.

Sa kabilang dako naman, ang magkakaibigang sila Scarlet, o mas kilala sa tawag na Elemental Family. Ay masayang naguusap tungkol sa kanilang naging laban sa under. Ni isa sakanila ay walang nasaktan. Nagtulong tulong sila, upang maprotektahan ang bawat isa.

Nagustuhan ko ang pakiramdam nang nakikipaglabang muli.” tila ba kalmadong wika ni Karlos.

Maging ako rin, nakakatuwa’t sa limang taon nating pangangalipin ay ngayo’y napagpasyahan na nating lumaban muli.” wika naman ni Joanne.

Ipagpaumanhin ninyo ang kaduwagang ginawa ko, hindi dapat ako nagpadala sa aking emosyon, alam kong hindi lamang ako ang nangungulila sa presensya ng aking kapatid. Hindi ko man lang naisip ang kagustuhan ninyong maging malaya.”

Naiintindihan ka namin, Alexander. At hindi ka namin masisisi, dahil maging kami, ay nangulila kay Sapphire. Maging kami, ay napagdesisyonang ‘wag na munang makipaglaban dahil na din sa damdamin namin. Huwag mong sisihin ang iyong sarili, sapagkat hindi lamang ikaw ang naduwag dito. Kami din.”

Maraming salamat, Jillian. At maraming salamat din sainyong lahat.” tanging ngiti lamang ang isinagot ng magkakaibigan sa hari. Sabay sabay silang napalingon kay Froze na nakasilip lamang sa labas ng bintana. Palagi itong ganito, at hindi nila maintindihan kung bakit hanggang ngayon, ganiyan pa din ang kinikilos nito. Naiintindihan ng lahat na siya’y nangungulila sa presensya ng kaniyang iniirog. Ngunit, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, ay kailangan na lamang niya na magpalamon sa kaniyang lungkot.

Huwag niyo nakong isipin, magiging ayos din ako. Ngunit, hindi pa ngayon.” huling wika nito bago ito maglaho na para bang bula.

Sky High 2: New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon