Kabanata 3

342 6 0
                                    

Kabanata 3

Isang araw na ang nakakalipas, hindi pa rin nabalik si Froze. Nag aalala na kaming lahat sakaniya, hindi manlang siya nagpaparamdam. Wala din siya sa kaniyang silid, hinanap na rin siya nila Jillian sa Hardin. Ngunit, walang bakas ng Froze roon. Nakaramdam ako ng kaba, nag aalala ako na baka nilamon na si Froze ng kaniyang kalungkutan, at mas pinili na lamang na maghatol ng kamatayan sa kaniyang sarili, upang sumunod sa kaniyang minamahal na si Sapphire.

Matalik kong kaibigan si Sapphire, lalo pa ngayo'y kasintahan ko ang kaniyang kapatid. Nag aalala ako kay Froze, dahil para ko na din siyang kapatid kahit na ubod ng sungit 'yon.

"Wala pa ba tayong balita, Alex?" buntong hininga lamang ang tanging naisagot niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo't hinawakan ang kamay at ang pisngi ko. Tiningnanniya ako sa aking mga mata, na para bang nagsasabing magiging ayos lamang ang lahat. Ang presensya ng aking mahal ay ang aking kailangan sa mga oras na ako'y nagkakaganito. Isang tingin lamang niya, ay pakiramdam ko ligtas na 'ko.

"Huwag kang mag alala, Mahal. Magiging ayos din ang lahat, mahahanap natin si Froze." hinalikan niya 'ko sa aking labi, at ngumiti pagkatapos no'n. Hinigpitan niya ang paghawak niya sa kamay ko, saka ito nagpaalam na siya'y tutulong kina Jillian na maghanap sa aming nawawalang kaibigan.

Sana huwag maulit muli ang eksenang kagaya nang pangyayari kay Sapphire bago ito mawala sa aming piling.. Tiwala akong magiging ligtas ka, Froze.

-

Kanina pa kami nagiikot dito sa buong Sky, pero walang bakas ni Froze ang nagpapakita samin, alam ko ding malakas ang pandinig no'n kung tutusin sa mga simpleng tawag namin paniguradong maririnig niya kami agad. Ngunit, wala.

Asan na kaya si Froze?”

Alam niyo, masama ang pakiramdam ko eh.” napatingin ako kay Alexander na kararating lang.

Huwag naman tayong magisip ng masama, kung nasaan man si Froze. Tiwala akong ayos lamang siya.”

“Sana nga. Sana tama ka, Jillian.” ngumisi ako. Sabay sabay kaming napalingon sa isang gawi dahil may narinig kaming isang kaluskos.

Narinig niyo bayon?”

Maghanda kayo, baka si Frozeyon.” Naghiwa hiwalay kami ng landas, ako sa kaliwa, si Alexander sa kanan at si Karlos naman ang sa gitna. Hinanap namin kung saan nanggaling ang kaluskos. Ngunit wala manlang kaming nakitang kahit ano, kaya naman bumalik na lamang ako sa lugar kung saan kami naghiwa-hiwalay. Nakita kong nauna nang bumalik si Alexander, sapagkat pagkarating ko doon at ando’n na siya.

Sky High 2: New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon