Kabanata 5
Ilang araw na naming hinahanap ang mga kaibigan namin, pero wala talaga kaming ideya kung nasaan sila. Lubos na kaming nag aalala ni Joanne sa lagay ng mga ito, ang aking hari nama’y batid kong itinatago niya ang pag aalala, ngunit kitang kita ko pa rin sa kaniyang mga mata na siya’y nag aalala para sa mga kaibigan niya. At ngayon, narito kami sa Sky High. Batid naming matutulungan kami ng aming mga guro na mahanap sila Karlos.
“Sa inyong palagay, mayroon kayang hinala sila Ginoong Johnson sa mga posibleng kumuha kila Karlos?” nag aalalang wika ni Jillian.
“Wala naman tayong ibang hinala, kundi ang mga Under. Wala rin naman tayong ibang kalaban kundi sila lang. May iba pa bang gagawa ng ganoong karahasan?” batid kong puno ng galit ang sagot ng kaniyang kambal.
“Pero hangga’t wala pang kasigiraduhan, wala tayong karapatang magparatang ng gano’n. Lalo pa’t wala naman tayong hawak na ebidensya.”
“Kailangan pa ba ng ebidensya, Scarlet? Mula noon, hanggang ngayon. Sila lamang ang mayroong malaking dahilan para gawin sa atin ‘yon!” hindi na lamang ako sumagot kay Joanne.. alam kong malalim ang kaniyang pinag dadaanan, dahil mahalaga si Karlos sa kaniyang buhay. Kung ako rin naman ang nasa kaniyang posisyon, kung gano’n ang mangyari kay Alex. Malamang gano’n rin ang aking ikikilos.
Wala namang naging problema sa aming pagpasok ng Sky, sapagkat ang mga estatwa namin ay nakatayo lamang sa gitna ng Sky High. Sa hindi ko maintindihang dahilan, basta na lamang nilang itinayo ang estatwa naming magkakaibigan, syempre, napagigitnaan namin ang prinsesang Sapphire. Nagmadali kaming lahat na magpunta sa opisina ng mga kilala naming guro, o sa mas madaling salita, ang mga gurong kasama namin mula noon.
Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat, dahil na rin sa biglaan naming panggugulo sa kanilang opisina. Batid kong marami silang inaasikaso, sapagkat marami ring imahe ang pinapakita sa monitor na tinatawag ng aming guro na si Ginoong Johnson.
“Isang surpresa ang inyong biglaang pagbisita rito, Elemental. Anong dahilan, at kayo’y naparito?” masayang pagbati sa amin ni Binibining Celestina. Nilibot niya ang kaniyang mata sa amin, at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Bago pa siya makapag salita, inunahan ko na siya.
“Narito kami upang humingi ng tulong, nawawala sila Karlos at Froze sa hindi naming maintindihang dahilan. Wala kaming ideya kung nasaan sila. At hindi rin namin mawari kung sino ang may kagagawan ng pagkawala nila.” nagkatinginan ang tatlong guro.
BINABASA MO ANG
Sky High 2: New Beginning
FantasyPagkatapos nang isang teribleng nangyari sa Sky, nagpaalipin ang lahat sa Under. Lubos silang nangulila sa presensya ng prinsesa, hindi sila nakabangon agad, ngunit nagkaroon sila ng pagkakataong bumangon muli, at napagpasyahang lumaban. Handa ang l...