Kabanata 9
Maaga akong nagising ngayon, nais ko na kasing maglibot. Nagagalak ako at pumayag si Ama na isama ako sa kaniyang pagiikot. Nais ko nang makita ang kagandahan ng buong lugar namin. Ayoko nang magtiis sa isang madilim na silid. Lumabas ako ng aking silid at pinuntahan si Ama sa kaniyang trono. Nang makita niya ako, ay agad siyang tumayo upang salubungin ako.
"Ama, nalalapit na po ba ang ating pag alis?"
"Hindi pa, Emerald. Matuto kang maghintay, anak. Huwag maging mainipin."
Tumahimik na lamang ako pagkatapos ko marinig ang mga katagang ‘yon. Marahil ay pagod ito dahil siya lamang ang namumuno sa kaharian namin. Hindi na ako makapag intay na dumating ang panahon na puwede na akong mamuno sa kaharian. Para naman maipagmalaki niya ako.
Matapos ang matagal na pagiintay, tinawag na ako ni Ama.
"Emerald. Halika na't sisimulan na natin ang paglilibot."
-
Bakit ganito ang kinikilos nang lahat? Bakit tila takot na takot sila sa amin? Ang iba naman ay nagbibigay ng mga matatanong na mukha. Tila gulat na gulat silang nakita nila ako. Sino ba namang hindi magugulat? Eh, ngayon lang naman ako inilabas ni Ama. Iyon ang sinabi niya sa akin. Hindi ko pa daw kasi kayang gamayin ang kapangyarihan ko. Kaya imbes na makasakit ako ng iba, tinago na muna ako.
"Ama, maaari ko bang makita ang Sky?" lahat sila tumigil sa paglalakas pagkatapos kong banggitin ang mga kataga. Nagbago ang ihip nang hangin at tila parang nagalit siya sa akin. Hindi niya ako kinibo at nagpatuloy na lamang sa paglalakbay. Sumunod na lang ako sa paglalakad nila.
Palagi na lamang akong hindi pinahihintulutang magisnan ang Sky sa hindi malamang dahilan. Tila ba mayroong tinatago sa akin na hindi ko nararapat na malaman. O kaya nama'y, maaaring hindi nga ligtas sa lugar na 'yon. Ngunit, nakakapagtaka naman dahil sa minsan na rin akong nakarating roon pero wala namang nanakit sa akin. Kung tutuusin ay tinulungan pa nila ako. Bakit ganito ang mga ekspresyon nilang lahat? Galit, takot at gulat ang mga nakikita ko sa kanilang mga mata. Hindi ko mawari ang dahilan, pero parang kinasusuklaman ako ng lahat.
"Sapphire?" napayuko ako dahil may isang maliit na goblin ang nakahawak sa dulo ng aking damit at tinawag ako sa pangalang pamilyar. Ah, ito 'yong tinawag sakin ng mga kabataan na binihag ni Ama noon.
"Paumanhin, ngunit hindi ako ang Sapphire na tinutukoy mo.." wika ko, narinig iyon ng aking ama kaya't nagalit itong lalo. "Sino ka upang hawakan ang anak ko? At anong lapastangang ngalan ang itinatawag mo sakaniya?" sa isang iglap ay lumipad sa kabilang dako ang goblin na kumausap sa akin. Nagulat ako't tumakbo sa goblin na nanghihina at tinulunhan itong tumayo. "Ama! Nagkakamali lamang siya ng taong nilapitan ngunit hindi ito ibig sabihin na kinakailangan mo na siyang saktan." nanlamig ako sa mga matang tumitig sa akin nang binanggit ko ang mga katagang iyon. Wari kong hindi nagustuhan ng aking ama ang aking wika. Naramdaman kong nanikip ang aking daluyan ng hangin at umangat ako sa lupa. Nakatitig sa akin si ama habang itim ang buong mata niya at alam kong galit na galit siya sa'kin. "Kailan mo pa natutunang sagutin ang hari, Emerald?" hindi ako makapagsalita sapagkat hindi ako makahinga sa higpit ng hawak nito sa aking leg sa pamamagitan ng kaniyang itim na kapangyarihan.
_
Froze
Nang nabalitaan naming naglilibot sila Emerald napagkasunduan naming manmanan sila. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ng hari nang tinulungan ni Emerald ang goblin na nilapagtangan niya. Wari kong tumakbo at tulungan siya ngunit ayaw nila Alex na makialam kaming lahat dahil sa oras na lumabas ang isa sa amin ay paniguradong mapapahamak ang lahat. Nakita ko ang pagbabago ng kulay ng buhok ni Emerald, naging pulang pula ito kasabay ng paglabas ng mga pulang apoy sa mga kamay niya. Sa isang iglap ba ay tila napatumba niya ang haring kinikilala niyang ama. Lumingon siya sa gawi namin, nakita ko ang pulang mga mata niya habang bakas sa mukha niya ang galit at hirap na dinanas. Ilang saglit pa'y bigla na lang siyang nawala nang parang bula.
"Nakita niyo 'yon?" Oo, Scarlet. Nakita naming lahat 'yon.
-
Hingal na hingal ako nang tumigil ako sa pagtakbo, hindi ko alam kung saan ako napadpad, pero sobrang tahimik at kalmado ng lugar na ito. Nakikita rito ang eclipse. Sumandal ako sa puno at huminga ng malalim. Tinignan ko ang mga kamay ko at gumawa ng bolang apoy. Hindi ko inaasahang masasaktan ko si Ama. Pero sinaktan niya ako, para bang may galit at poot siyang nararamdaman para sa akin. Hindi ko mawari kung paano ako babalik sa palasyo. hay! Binato ko ang bolang apoy at tumama naman ito sa damo. Nataranta ako nang makagawa ako ng sunog kaya agad kong binawi ang apoy. Paano na kaya ako uuwi ngayon? Saan naman ako tutuloy? Dapat bang hindi ko nalang tinulungan ang goblin na nilapastangan ni Ama? Pero mali kasi ang ginawa niya. Gulong gulo na ang utak ko. Hindi ko mawari kung tama ba ang mga pinag-gagawa ko. Tumingin ako sa buwan at araw na nagtagpo at humiga ako sa malambot na damo. Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong nakakatulog..
Emerald..
Emerald.
Emerald!
Gumising ka. Kailangan mong gumising. Kilalanin mo kung sino ka talaga. Tulungan mo sila, Emerald. Tulungan mo ang sarili mo.
"Emera—" napabalikwas ako dahil may gumising sa akin mula sa aking pagkakatulog. Kakaiba ang aking napanaginipan. Sino ang aking tutulungan? Napahawak ako sa ulo ko sapagkat masakit ito dahil napahimbing ang aking pagtulog. Inangat ko ang aking tingin upang mawari kung sino ang nanggising sa akin. Sino nga ba ulit sila? Ah, sila ang ilan sa mga kabataang tumawag sa aking Sapphire. At mga binihag ni Ama sa palasyo noon. "Anong ginagawa rito?" wika ko, habang hawak ang aking ulo. "Ah, tambayan kasi namin 'to. Tapos nakita ka naming natutulog.. hindi kaba hinahanap ng Ama mo?" tanong ng isang babae na hindi ko kilala. Natatandaan ko ang mga mukha nila pero ang mga pangalan nila ay nakakalimutan ko.
"Ang totoo niyan, hindi ko alam kung may pag asa pa akong makauwi sa palasyo. Nagkaalitan kasi kami ng Ama habang naglilibot kanina. At nasaktan niya ko't nasaktan ko siya. Kaya naman, dito muna ako nagpaliban ng oras. Dito na rin siguro ako magpapalipas ng ilang araw." nagbago naman ang ekspresyon ng itim na buhok na lalake at nilapitan ako't hinawakan sa ulo. Huh? Bakit hindi siya napaso? "Mayroon pang ilang kwartong bakante sa palasyo namin sa Sky, Emerald. Nais mo bang doon na muna magpaliban ng ilang araw para naman may komportable kang matutuluyan?" napakabait niya. "Nais ko sana, ngunit ayokong ipahamak ang mga buhay ninyo sa oras na malaman ng aking ama na kasama niyo ako. Malamang, pagbubuntungan kayo ng galit no'n sa akin."
"Hindi naman mahalaga 'yon, ang mahalaga maayos at komportable ang pakiramdam mo. Wari ko nama'y hindi ka sanay sa matigas na higaan katulad ng hinihigaan mong damo kanina?" ngumiti ako, inabot niya ang kaniyang kamay sa akin at tila ba nag aalok na itayo ako. Tinanggap ko 'yon.
"Sige na nga, sasama na ako sainyo."
BINABASA MO ANG
Sky High 2: New Beginning
FantasyPagkatapos nang isang teribleng nangyari sa Sky, nagpaalipin ang lahat sa Under. Lubos silang nangulila sa presensya ng prinsesa, hindi sila nakabangon agad, ngunit nagkaroon sila ng pagkakataong bumangon muli, at napagpasyahang lumaban. Handa ang l...