Kabanata 8

429 11 13
                                    

Kabanata 8

Anong ginagawa mo rito?” nakarinig kaming magkakaibigan ng sigaw mula sa hardin, kaya naman agad kaming naparito. At inabutan naming nagpapagpag ng kaniyang sarili si Emerald. Nakita kong hindi maialis ni Froze ang kaniyang tingin kay Emerald, maski ako.. dahil kamukhang kamukha niya ang prinsesang minahal ng lahat sa Sky. Napansin ko ring hindi makatingin si Alex sa pigura ng babaeng nasa harapan niya. Maiintindihan ko siya, sapagkat matagal siyang nangulila sa kapatid niya. At ngayo’y nasa harapan niya ang kamukhang kamukha nito.

Naku! H-Huwag niyokong sasaktan. Wala akong binabalak na kahit anong masama.” kung paano siya magsalita, gano’n rin ang pananalita ni Sapphire noong nabubuhay pa siya. Malambing ang kaniyang boses. Para bang hinehele ka sa pagtulog.

“E ano ngang ginagawa mo rito? Hindi ba’t anak ka ng hari ng under? Kapag nalaman niyang narito ka, malamang papatayin niya kaming lahat.” mataray na wika ni Ivonne habang itinataas nito ang kilay niya. Napayuko si Emerald sa kaniyang mga kamay. Pagkatapos ay ngumiti ito sa aming lahat.

Huwag kayong mag-alala, hindi niya malalamang narito ako. At isa pa, wala rin akong balak na istorbohin kayo.”

Pero maaari ko bang malaman kung bakit ka nahulog mula sa punong ito?” malambing na tanong ni Scarlet, at hinawakan sa kamay si Emerald. Hindi na niya natiis na gawin ‘yon. Hindi naman natinag si Emerald at hinawakang pabalik ang kamay ni Scarlet saka ito ngumiti.

“E kasi, nais kong makita ang kagandahan ng Sky. Palagi kasi akong nakakulong sa palasyo at walang ibang bagay na nakikita kundi kadiliman at mga munting kandila na nagsisilbing ilaw. Nais kong makakita ng panibagong mundo, at nababasa ko sa mga libro na nasa silid ko ang kagandahan nito. Nilamon na lamang ako ng kuryosidad, at tumakas upang makita ng malapitan ang Sky.” masaya siyang wika. Nagkatinginan kaming lahat, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na kaibigan niya kaming lahat, pero mukhang imposibleng maalala niya kami. O kaya baka nagkakamali lang talaga kami, hindi talaga siya si Sapphire.

“Gusto mo bang makapasok sa Sky?” biglaang tanong na lumabas sa aking bibig.

Sky High 2: New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon