Chapter 2

42 6 0
                                    


Elite Aseria's POV


Nagising ako dahil sa ingay na narinig ako. Tila may nagku-kwentuhan. Inangat ko ang tingin ko at ginusot ang mata ko na parang bata.

"Goodmorning, Bes...." malambing na saad ni Therese. Napangiti naman ako dahil kumakain nanaman siya ng ubas na paborito niya. "Ang cute mo talaga pag bagong gising."



Ngumisi ako, "Walang papantay sayo, Therese. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.



"Maayos naman. Ikaw, kamusta ang puso mo?" Tanong nito, habang kumakain.



Tinali ko ang magusot kong buhok bago siya sagutin. "May magbabago pa ba, wala naman." Saad ko.


Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok ang Mama at Papa niya. "Elite, ija. Kanina ka pa ba dyan? Kamusta ka?" Tanong ni Tita Thea.



Ngumiti ako, "Kakagising ko lang po, ayos lang po ang pakiramdam ko."




"Mabuti naman."


Isinukbit ko na ulit ang oxygen bag at sinuot ang mask ko. "Aalis na po ako." Paalam ko, at bumaling kay Therese. "Susubukan kong pumunta mamaya. Pagaling ka, i love you." Saad ko.



Ngumiti ito ng pagkatamis tamis, "Ikaw din, Elite. I love you too."




Tumango ako at lumabas. Dumaan ako sa Nursery Room at sumilip sa mga sanggol na may kalagayan katulad ng akin. Pagkatapos non, ay bumalik ako sa kwarto ko at naglinis. Hinatidan na rin ako ni Mama Amelia ng umagahan.


***



Dala ang gitara ay umakyat ako sa rooftop. Umupo ako at ibinaba ang oxygen bag sa aking tabi. Nagsimula akong mag-strum. Habang nag-strum ako ay bigla nalang may sumagi sa aking isipan.



"Eli! Halika! Turuan kita mag-gitara!" Yaya sa akin ng isang lalaki. Ngumiti ito sa akin at hinila ako paupo sa damuhan kung saan siya ay nakaupo din.

"Ano ba yan Jot, baka malate tayo! Magalit pa teacher natin!" Reklamo ko. Nag-pout ito sa akin kaya napilitan ako umupo.

Tuwang-tuwa ako dahil sa mga natutunan ko, feeling ko tuloy ang galing ko na.


"You know what Eli, i'll take care of you, everyday. I'll be on your side, always. Aalagaan natin ang puso mo, Eli. I'll sing for you, habang buhay."




Eli. Eli ang tawag niya noon sa akin. Jot naman ang tawag ko sa kanya. Dahil sa trauma na nangyari sa akin, ay hindi ko na muling naalala ang pangalan niya. Tanging palayaw lang niya ang natatandaan ko.


Pick it up, pick it all up
And start again
You've got a second chance
you could go home
Escape it all
It's just irrelevant



Dinama ko ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Parang gumagaan ang loob ko sa twing aakyat ako dito sa rooftop. Parang wala akong karamdaman, parang wala akong pinagdadaanan.


It's just medicine,
It's just medicine


Napa-angat ang tingin ko sa maliwanag at napakagandang ulap. Mommy...Daddy...Kailan niyo po ako kukunin?

Chos!



You could still be
what you want to be
What you said you were
when i met you

The Untold StoryWhere stories live. Discover now