Elite Aseria's POV"Eli! Eli! Wake up! Wake up!" naramdaman ko ang pagyugyog ng aking katawan. "Wake up please, Eli! I don't want to lose you!"
Pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Napapikit na ako sa hirap. Jusko po, bata pa po ako. H'wag po muna ngayon. Hayaan niyo po muna akong abutin ang mga pangarap ko.
Naramdaman ko ang oxygen na itinapal sa aking ilong, para matulungan ako sa aking paghinga. "Eli....you're gonna be okay....I'll wait you. Promise, i love you!"
"J-jot....."
Abot hininga ako ng bumangon. Nanginginig ang kamay kong inabot ang oxygen at ikinqbit sa ilong ko. Hinawakan ko ang aking dibdib at dali-daling inabot ang call remote. Pinindot ko ang on button, at hinintay na may sumagot dito.
"Hello? Elite?" rinig ko ang boses ni Mama Amelia.
"M-ma..mama.."
"Elite?! Bakit? Anong nangyayari?" halata sa boses ang pagtataranta nito.
"Y-yung dibdib—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang doctor at iba pang mga nurses kasama si Mama Amelia. Hinugot ng doctor ang oxygen na nasa ilong ko at pinalitan ito. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mama Amelia habang pinapagaan nila ang pakiramdam ko. Sinilip ko ang pintuan, at nakita ko si Therese kasama ang nurse niya, habang malungkot at nag aalala niya akong tinitignan.
***
Nakatulala akong tiningnan ang drawing na puso ni Jot. Jot. Nilapitan ko ito at hinaplos. Kailan ka babalik? Kailan mo ako hahanapin ulit?
"Gising ka na." Napalingon ako sa babaeng pumasok sa kwarto ko, si Mama Amelia. "Kamusta ang pakiramdam mo nak?" Tanong nito.
Upo ako sa gilid ng kama, "Okay na po."
Lumapit ito sa akin at na-upo sa tabi ko, "Aseria, hindi biro ang karamdaman mo ah." Paalala niya habang hinahaplos ang mahaba kong buhok. Ang sarap sa feeling.
"Opo ma."
I heard her sighed, "Aseria, lumalala na ang sakit mo. Nadadagdagan pa. Anak, mag-ingat ka naman..."
'Nadadagdagan?'
'Oo! Binge lang?'
Napakunot-noo ako, "Po? Ma, anong ibig mong sabihin?"
Binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti, "Biro lang."
"Mama naman, e! Pinakaba ako!"
Natawa ito, "Mag-ingat ka lang lagi. Yung puso mo ah. Ipinagbabawal ang pag bilis ng tibok ng puso."
"You mean, bawal ako ma-inlove ma?"
Napatango ito, "Alam mo na iyon. Oh siya, titingnan ko pa ang mga alaga ko."
Inayos nito ang mga gamot ko bago tuluyang lumabas. Kumain ako ng umagahan at ginawa ang routine ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas, suot ang gloves, oxygen at ang oxygen bag.
YOU ARE READING
The Untold Story
Teen FictionIsang babaeng patuloy na lumalaban. Isang babaeng patuloy na naghihintay. Isang babaeng patuloy na humihinga. At isang babaeng patuloy na pinipigilan ang sarili sa maling hangarin. Mapipigilan niya ba ito? O ipagpapatuloy niya kahit na mapahamak siy...