Elite Aseria's POV"Sandali lang! Sasama ko, wala naman akong gagawin."
Nilingon ko ang lalaking nagsalita. "Seryoso ka? Sa impyerno ko pupunta ser."
Napangisi ito, "Ah talaga?" At naglakad papalapit sa akin, at sumilong din sa aking payong. Kainis naman. "Edi sakyan natin yung sasakyan ko, tapos tara na sa impyerno." Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa payong at pinalit sa kaniya. Napairap naman ako ng hatakin niya ako.
Napaisip ako. Para hindi ko magastos pera ko, pamasahe hehehehehehehe. Ubusin ko nalang gasulina nito. Bwahahahahahahaha!
Joke.
"Babaeng assumera, dito ka sa harap. Wag kang feeling señorita lul."
Napairap ako sa reklamo nito. Ano ba yan. Reklamo ng reklamo di naman gwapo. Mukha pang gago. Lul. 3 points para kay Elite!
Sinara ako ang pintuan at nilagay ang gamit ko sa backseat. Kinabit ko ang seatbelt ko at itinaas ang paa.
Padabog namang isinara ng asungot ang pintuan, "Wow ser, feel at car? Ha?"
"Hakdog. Kasalanan mo at sumama ka."
Iritado nitong pinaharurot ang sasakyan. Papatayin yata ako ng maaga nito, "Dahan dahan, aabot tayo sa impyerno."
Hindi niya ako pinansin, at nagdrive. Malayo-layo pa naman ang flower shop. Kaya i-feel ko muna aircon ni dudongz.
"Daan tayo sa flower shop." Pagputol ko sa katahimikan.
Napatingin ito sa akin, iritado. "Akala ko ba impyerno ang punta mo?"
Napangisi ako, "Oo nga, bibili muna ko bulaklak. Bigay ko lang kay Satan, miss ko na eh. Tapos, sakto sumama ka." Napatingin ako sa daan, "Ikaw nalang alay ko, since ikaw naman ay demonyo."
Nilingon ko siya ng ihinto niya sa isang tabi ang sasakyan. Pikon amp. Tiningnan ko siya, mukhang galit. Lol pake ko.
"Hindi nakakatuwa 'yang pagiging pilosopo mo." Saad nito.
"Di naman ako nagpapatawa."
Napairap nito, bading. "San ka ba kasi pupunta? Seryoso na."
"Secret no clue."
Napatingin ito ulit sa akin na may inis na inis na mukha. "Ano ba!?"
I chuckled, "Kung makapagtanong ka kasi ay parang close tayo. Wag fc ser."
Hininto niya ako sa tapat ng flower shop. At sinabi na rin na ako kaniyang hintayin.
Pinili ko ang maganda at mabangong bulaklak. Sunod nito ay binayaran ko na, at bumalik sa sasakyan.
YOU ARE READING
The Untold Story
أدب المراهقينIsang babaeng patuloy na lumalaban. Isang babaeng patuloy na naghihintay. Isang babaeng patuloy na humihinga. At isang babaeng patuloy na pinipigilan ang sarili sa maling hangarin. Mapipigilan niya ba ito? O ipagpapatuloy niya kahit na mapahamak siy...