Chapter 4

39 4 0
                                    








Elite Aseria's POV






"I mean, paano lang naman bes. Paano lang. Isa pa, paano ko siya makakausap eh hindi ko naman siya kilala, at ganuon din siya. Hindi niya ako kilala." Bahagya pa itong napatawa.




Nagkibit-balikat ako, "Sabagay nga naman, you have a point."





Hindi na ito sumagot pa, at pinagpatuloy na lamang ang pagkain.





Bigla akong napaisip. Paano nga ba? Paano nga ba kung nakita na niya ako? Pero kung ganon, ano pa ang ginagawa niya? Nandito ako. Nandito na ako.






Ilang sandali pa lamang ay pumasok si Josh, dala ang napakacute niyang aso. Nagtama ang paningin namin. Kusang-tumaas ang kanang kilay ko, napaiwas siya ng tingin. Lumapit ito sa kapatid at hinalikan sa noo, "Kumain ka na pala, sayang itong dala ko. Krispy Kreme." Saad nito.



Fudge! Favorite ko iyon! Krispy Kreme, heaveeen!




Hindi ko pinahalata ang gutom at paglalaway ko sa kahong hawak nito. Masyado nang matapang ang hiya ko kung ganon. Iniwas ko nalang ang tingin ko at itinuon ang pansin sa tv.





"Tagal mo kasi Kuya." Saad nito. "Kay Aseria nalang, hindi pa kumakain iyan."





Kita ko sa gilid ng aking mga mata, na kinuha ni Therese ang kahon at akmang iaabot sa akin ngunit, inunahan ko siya. "Ayoko sa sweets. Baka sumakit ang ngipin ko."





Halata ang pagkadismaya nito, at inilapag ang kahon sa side table, "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong nito. "Bawal ka maglipas ng gutom." Dagdag pang paalala.





Tumayo ako at muling kinuha ang mga gamit ko sa kinalalalagyan, "Sigurado akong may pagkain na sa kwarto ko. Alam mo naman si Mama Amelia, hindi ba?"






"Sigurado ka?" Tanong pang muli nito. Kulit.






Napatango ako at binalingan ang Kuya niya na tinanguan na lamang bago lumabas. Nilisan ko ang kaniyang kwarto at nagtungo sa aking kwarto.



***





Buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng buhay? Bakit kailangan? Bakit kailangan nating mabuhay, kung mamamatay naman tayo?








Sinara ko ang librong binabasa ko, inalis ko ang salamin ko at nilagay ito sa lamesa, malapit sa kama ko. Iniligpit ko ang mga papel na nakakalat sa lamesa ko. Pagkatapos non, nagtungo ako sa banyo upang mag-linis at mag-ayos.







Itinali ko ang aking buhok at muling humiga sa kwarto ko. Inisip ko, gusto ko makapag-aral ulit. Gusto ko ulit pumasok. Gusto ko tuparin ang pangarap ko. Pero, parang malabo. Malabo ng makapag aral ulit ako. Malabo ng matupad ang pangarap ko.







Kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll lamang sa twitter. Bigla nalang pumasok sa isip ko, ang buksan ulit ang channel ko. Youtube Channel. Dahil mahilig ako mag gitara, ay naisipan ko gumawa ng channel para doon ia-upload ang mga videos ko. Pero nahinto iyon, dahil nga, may mga bagay na nahihinto pero naipagpapatuloy. Naisip ko, tanungin ang mga viewers ko dati kung mag-start na ba ulit ako.



eliapoOp: Guess who's back? Hi guys! Should i start again? I mean, in my channel? Should i?






And yes, some of my viewers saw it. And half of it said, yes. But the other half said, just rest. But, how to rest when i am bored? Lol.






***




Nag-inat ako ng katawan bago bumangon at ayusin ang kama. Napatingin ako sa wall clock. Alas-singko ng umaga. Masyado pa palang maaga, maaga ba ako nakatulog kagabi?






Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng banyo at hinanda ang mga gamit na dadalin ko. Malayo-layo ang simenteryo mula dito sa ospital. Ngayong araw kasi ang death anniversary nila Mommy at Daddy. 5 years. Yumuko ako para isuot ang sapatos ko. Matapos non ay ipinusod ko ang buhok ko bago isukbit ang bag. Itinext ko na din si Mama Amelia, at nagpaalam. Ganuon din si Therese. Sinuot ko ang oxygen at sinukbit ang bag nito. Sinunod ko naman ang aking mask. Sinigurado kong malinis ang kwarto ko bago ito isara.










Bago pa man ako tuluyang lumabas ng ospital, ay bigla namang bumuhos ang ulan. Kung kailan nakalimutan ko pa magdala ng payong. Argh! Hinanda ko ang sarili ko, susugudin ko ang ulan dahil malapit lang naman dito ang bus station. Ihahakbang ko na sana ang paa ko, at sisimulang salubungin ang ulan ng may humatak sa akin.






"Kung maliligo ka sa ulan, may rooftop naman. Duon masarap maligo." Napatingin ako sa nagsalita, si Josh. Si Josh na sa tuwing nakikita ko ay kusa akong napapa-irap. Kusang kumukulo ang dugo ko.






"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko.







"Wow! Assuming ka, ah. Nagkataon lang na palabas na ko, nakita ka." Depensa nito. Tsk, akala mo namna totoo.






Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at tiningnan ang ulap. Mommy at Daddy? Umiiyak po ba kayo? Bakit umuulan?




Napabuntong-hininga ako sa sobrang lakas ng ulan, pano ko makakapunta kila Mommy at Daddy kung ganito ang panahon?






"May pupunta ka ba Eli—I mean Elite?" Tanong naman nitong asungot sa likod ko.






"Yap. Sama ka?" Hindi ko ito nilingon.







"Saan ka ba pupunta? Kung pwede sayo, sasama ako."





Nakita ko ang isang nurse na may hawak na payong, sinenyasan ko siya na pahiram at inabot naman sa akin. Agad din akong nagpasalamat. Binukas ko na ang payong at nilingon ang katabi ko, "Sa impyerno. Bye."

The Untold StoryWhere stories live. Discover now