Josh Adrian's POVHinaplos ko ang pisngi ng napakagandang babae na natutulog sa aking harapan ngayon. Hinatak ko ang upuan at umupo sa tabi niya. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Ang napakalambot niyang kamay.
Eli, gising na...
Nung araw na nangyari iyon. Gumuho talaga ang mundo ko. Walang humpay ang pag iyak ko habang nagd-drive ako ng kotse, para ibalik si Eli sa ospital. Sa awa ng Diyos, hindi pa huli ang lahat. May pulso pa nang maibalik ko siya dito. Kaya naagapan agad. Buhay nga si Eli. Pero hindi ibig sabihin non ay pang habang buhay.
Naging malala ang kondisyon ni Eli. Ipinaliwanag sa amin ng doctor ang kondisyon niya. Ang puso ni Eli ay sobra na sa hina. Sobra. Panay ang iyak ni Mama Amelia ng malaman niya ito. Bukod sa sobrang hina ay papalaki ng papalaki ang butas. Hindi daw alam kung kelan. Baka isang araw, wala na. Kaya mas mabuti daw na bantayan si Eli.
"Kuya." Napalingon ako kay Therese na nakatitig din kay Eli. "Sigurado akong pag-gising ni Eli, sakit pa din ang mararamdaman niya."
Muli akong napatingin kay Eli, "Kasalanan ko. Alam ko iyon."
"Kuya, wag mo naman sisihin iyong sarili mo. Hindi mo kasalanan yon."
Hindi ko nga ba kasalan? Hindi ko ba kasalan ang iwan si Eli noon? Hindi ko ba kasalan na, ng dahil sa akin ay nasasaktan siya ngayon?
Second year high school kami nuon ng mapagdesisyunan ng magulan namin ni Therese na doon nalang mag-aral sa Canada, kasama ang pagpapagamot ni Therese. Hindi ako nagpaalam kay Eli nuon, dahil hindi ko alam kung paano. Paano sisimulan.
Isang malaking katangahan ang nagawa ko, may social medias, ngunit hindi ko magawang kamustahin dahil sa takot na baka galit sa akin si Eli nuong mga panahong iyon. Kasalanan ko din na, nawala sa isip ko iyon dahil masyado kaming busy sa pagtutok kay Therese, at sa pag aaral ko.
Pero nangako naman ako. Nangako ako na babalik ako. Pinangako ko iyon sa aking sarili.
At heto na ako ngayon. Bumalik na ako.
I am back, Eli. I am..
Nandito na ako sa tabi niya. Sobrang lapit ko na sayo.
***
Ilang oras pa ang naging tulog ko. Pero heto pa din si Eli, mahimbing pa rin na natutulog. Kailan ka kaya gigising, Eli? Baka naman hindi ka na gumising, ah. Wag ganon, wag kang pa speed lang my loves.
Dahil bored ako, kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at binuksan ang camera. Itinapat ko ito sa mukha ni Eli at kinuhanan ng litrato. Naks, ang ganda talaga. Pang wallpaper mga chong.
Ilang litrato pa ang kinuha ko. Dami kong pamimilian, hmmm. Pero mas maganda siguro ito kung nakangiti siya.
Kailan? Kailan ko kaya muling makikita, iyon?
Bumuntong-hininga ako at itinabi na ang cellphone ko. Sumimangot ako sa harap ni Eli, habang abala sa paglalaro ng kaniyang buhok.
I will fight, i will fight for you
I always do until my heart,
is black and blue
I will stay, i will stay with you
We'll make it to the other side,
like lovers do.I'll reach my hands out,
in the dark and
Wait for yours to, interlock
I'll wait for you, i'll wait for youI'll wait for you Eli. No matter how long it takes. Hihintayin kita.
YOU ARE READING
The Untold Story
Teen FictionIsang babaeng patuloy na lumalaban. Isang babaeng patuloy na naghihintay. Isang babaeng patuloy na humihinga. At isang babaeng patuloy na pinipigilan ang sarili sa maling hangarin. Mapipigilan niya ba ito? O ipagpapatuloy niya kahit na mapahamak siy...