Elite Aseria's POV"Aseria, baby.....Kapit lang nak, nandito si Mommy. Just hold my hand, please baby....please fight....I love you so much, nak. Nandito lang kami ni Daddy mo.." Saad ni Mommy, na siyang humahagulgol habang hawak hawak ng mahigpit ang kamay ko. Ganuon naman ang Daddy ko sa kabila.
Napangiti ako ng makita silang dalawa. Hindi pa ako susuko, hindi kailanman ako'y sumusuko. "No matter how i am t-tired, mom. I'm not g-giving u-up...."
Bigla akong napabalikwas sa kama dahil sa napanaginipan. Inikot ko ang mga mata ko sa buong kwarto ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago tuluyang bumangon. Mommy, Daddy, patuloy naman akong lumalaban. Pero bakit kayo, kayo ay hindi lumaban?
Grade 6 ako ng mapagtanto namin nila Mommy at Daddy na ako ay may sakit. Sakit sa puso. Nakita nila na ang puso ko pala ay may butas. Hirap ako sa paghinga, minsan. Konting lakad lang, ako ay hinihingal na. Bumabagal din minsan ang tibok ng puso ko, na parang malalagutan ka na ng hininga pag hindi ito naagapan agad. Lumala ang sakit pa ang sakit ko, ng dahil sa trahedya na hindi naman dapat nangyari.
Ihahatid pa ako ni Mommy at Daddy nuon sa school ko, habang sila naman ay papasok sa kompanya namin. Pababa na ako ng sasakyan ng bigla nalang may sumalpok na truck, na nawalan ng preno, sa sasakyan namin. Sa kabutihang palad, nahatak ako ng guard habang pababa ng sasakyan. Pero ang mga magulang ko ay naiwan sa loob.
"Mommy! Daddy!" sigaw ko habang nakayakap ang manong guard sa akin. Malayo kami sa pinangyarihan ng trahedya, dahil nahatak niya ako at mabilis siyang napatakbo.
Malakas ang pagkasalpol ng truck, kaya naman ganuon nalang masira ang sasakyan namin. "Mommy! Daddy!" Sigaw ko, umiiyak na. Mabilis na dumating ang mga police at mga nurse. Inilabas nila sila Mommy at Daddy mula sa sasakyan namin. Agad akong kumawala kay manong guard at tumakbo papalapit sa kanila. "M-mommy! Wake up! P-please!" Niyugyog ko ang duguang katawan ni Mommy. Tumakbo naman ako sa kinaroroonan ng Daddy ko. "D-daddy! Wake up na po k-kayo!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng hinga at ng puso ko. Marahil ay nasasaktan siguro ako.
"Mommy akala ko b-ba, akala ko love nyo ko ni Daddy!? W-wag nyo po ako iwan! P-please! M-mommy! D-daddy...P-please...W-wake up...." Napaupo ako sa gitna dahil naramdaman ko na, ilang oras ay kakapusan ako ng hininga. Hawak ko ang dibdib ko habang patuloy pa din ng humihinga. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa aking nurse at hiniga ako sa kanyang bisig habang may inilalagay sa aking ilong, dahilan para umayos ang paghinga ko. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko, hanggang sa marinig ko nalamang.
"Wala ng buhay ang mga pasyente, dalhin muna natin sila sa ospital para linisin. Ang bata, kailangan niya munang magpahinga. Nakasisiguro akong hirap ito sa paghinga." Hirap ako, hirap na hirap ako sa paghinga sa mga oras na iyon. Sobrang sakit...sobrang sakit ng nararamdaman ko. Dinala nila ako sa ospital at inalagaang mabuti.
Inayos ko ang sarili ko at isinuot ang oxygen at ang bag nito nago tuluyang lumabas ng kwarto. Bati at pangangamusta ang natatangap ko mula sa mga nurse na nakakasalubong ko. Ngiti lamang ang binibigay kong tugon. Isinuot ko ang mask ko at lumiko patungong elevator.
"Aray!" reklamo ng lalaking nasunggo ko. Kalmado lamang ako habang pinapanuod siyang magpagpag ng damit. Kung makapagpag ay kala mong nakabunggo ng punong puro langgam. "Pwede ba Miss? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo? Nakakabangga ka kasi. May mata ka naman siguro." saad pa nito habang tinitingnan ako, na may iritadong mukha. Mukhang asungot.
YOU ARE READING
The Untold Story
Teen FictionIsang babaeng patuloy na lumalaban. Isang babaeng patuloy na naghihintay. Isang babaeng patuloy na humihinga. At isang babaeng patuloy na pinipigilan ang sarili sa maling hangarin. Mapipigilan niya ba ito? O ipagpapatuloy niya kahit na mapahamak siy...