Chapter 2

4 0 0
                                    

    Patakbo akong umuwi ng bahay ngunit nabali ang takong ng sapatos ko. Dahil medyo natataranta na rin na baka abutan ng rapist na iyon, iniwan ko nalang sa daan ang pares ng sapatos at nakapaang nagpatuloy ng pagtakbo.

    Walang katao-tao, at normal lamang ito sa lugar namin kapag ganitong oras na. Madilim na rin ang paligid dahil halos patay na ang ilaw ng mga kabahayan. Pero hindi ko ininda ang dilim at ang sakit ng paa ko sa pagtakbo. Patuloy lang akong kumaripas. Ngunit paglingon ko sa likuran, wala na roon ang taong kanina la'y humahabol sa akin. Huminto ako. Huminto upang suriin ang mga poste at gusali na maaaring pinagtaguan nung rapist. Pero parang wala naman siya doon kaya humarap akong muli sa daanan ko at...

    "Ako ba ang hinahanap mo?" Natatawa nitong tanong at nakaramdam na lamang ako na parang may tumusok sa liig ko. Maya-maya ay naramdaman ko nalang ang panghihina ng katawan. Matutumba na sana ako nang saluhin ako nung lalaki. Pinatayo niya ako at may kinuha siya sa liig ko. Pinakita niya iyon sa akin. Bala pala ito ng tranquilizer gun.

    Nanlabo na ang paningin ko. At ang naramdaman ko nalang ay ang pagkarga nung lalaki sa akin at dinala na ako sa hindi ko alam kung saang lugar.

    Gusto ko sanang sumigaw pero hindi ko na kaya. I closed my eyes at...

    "Anak!" Isang malakas na sigaw ni mama ang nagpabangon sa akin.

    Pinagpapawisan na ako na para bang kakatakbo ko lang. Napalingon ako sa paligid. Nandito sina mama, papa, at ang tanging kapatid kong si Johnny. Mabuti nalang talaga at panaginip lang iyon. Akala ko talaga totoo.

    "Uminom ka muna ate," sabi ni Johnny sa akin at inabutan ako ng isang basong tubig.

    Tiningnan ko muna ang bawat mukha nila bago uminom. Puro sila mukhang natataranta.

    "Binangungot ka anak. Kanina ka pa namin ginigising," ani papa at tumabi sa akin sa kama. Pinahid niya ng tuwalya ang mga pawis ko sa mukha. Nginitian ko nalang sila at sinabihang okay lang ako. Umaga na rin naman kasi pala. Papasok na rin ako sa trabaho.

    Eksaktong alas sais y medya ay nakasakay na ako ng bus. Nang madaanan na namin ang barangay nina Gab ay timing rin namang nag-aabang na siya. Sumakay siya at binati ko siya sabay hila patabi sa akin. Hindi na rin naman siya nagreklamo at tumabi nalang din. Choosy pa ba siya gayong wala naman si Ma'am Jenny dito?

    "Bakit maputla ka?" Plain niyang tanong. Yes, plain. Parang nagtatanong lang siya kasi kailangan. No emotions attached. Napasimangot na lamang ako.

    "Ahh, wala ito," sagot ko lang at ngumiting plastik. Kunting ngiti lang. Half the usual. Hindi na rin naman niya ako kinulit pa. Hanggang sa umabot na nga kami sa opisina ay walang nagsasalita sa amin.

    Masyado akong lutang. Kinakabahan kasi ako sa nangyari kagabi. Nakita ba ako nung lalaki? Kung oo, naklaro niya ba ang mukha ko? Kung oo, anong gagawin niya sa akin? Papatayin niya rin ba ako? Ako na ba ang susunod niyang magiging biktima? Babalatan niya rin ba ang mukha ko? Kukunan ng undies? Oh my sash!

     "Okay ka lang ba, Miashesh?" Nag-aalalang tanong ni Jestony sa akin. "Kanina pa kita kinakausap, hindi ka man lang umiimik. Ni hindi mo nga nagalaw iyang pagkain mo."

    Napakurap ako at tumingin sa plato. Hala? Tanghali na pala? Lunch break na pala? Itinabi ko nalang muna ang pagkain at saka sinubsob ang mukha sa mesa. Napakalutang ko talaga!

    "Hoy, umayos ka nga diyan, Mia!" Halos pasigaw nang awat ni Aira sa akin at pinilit talaga akong umayos ng upo pero pilit ko pa ring sinusubsob ang mukha sa mesa.

    "Gab, magkasabay kayo kanina diba? Anyari dito? Bakit lutang?" Narinig kong tanong ni Jestony pero hindi ko alam kung nandito ba talaga si Gab o wala. At wala rin akong planong alamin. Gusto ko lang ilublob ang mukha ko.

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now